Parang pinipiga ang puso ko sa nakita. Hindi ko na namalayan na tinatawag na pala ako ni Dave. Bumalik lang ako sa wisyo nang hawakan nya ang siko ko. Bahagya akong napatalon sa gulat.
"Ah yeah, sorry... "
Hindi ko na sya nilingon at mabilis na pumasok sa likod ng kotse nya at tinabihan si Natasha. Nakatungo sya at nagkukutkot ng daliri. Kumunot ang noo ko sa kyuryosidad at mabilis na binalot ng awa ang puso ko.
I pity her, so much. She doesn't deserve that. Pumasok na si Dave sa loob ng sasakyan at agad na nag u-turn. Paalis kami ng Lian. I saw how he glanced at me before looking infront again. He sighed.
"Are you okay?" mahihimigan ang pagdadalwang isip nya a pagtatanong.
Hindi ko sya sinagot, unti unti kong hinawakan ang kamay ng bata. Nagitla pa sya kaya marahan kong hinimas ang sugat sugat na kamay nya.
"Hi... I'm Lia... you are?"
Tinanong ko sya kahit may ideya na ako sa pangalan nya. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako sa kalagayan nya. Maybe because I've experienced that already.
She gulped and then looked at me with her bloodshot eyes. She's crying so much, nangatal pa ang boses nya nang sinagot nya ako.
"I'm Natasha po..."
Mabilis syang yumuko.
"Are you... okay? Masakit ba ang sugat mo?" I asked. Umiling naman sya. She looks like she's only 6 years old and the girl there looks like her ate.
"I'm sorry for that Natasha..." malambot na sabi ni Dave habang nakatingin sa amin sa rearview mirror.
"Okay lang po. Sana po hindi na kayo pumreno" mahin nyang sabi. Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil doon.
Napaawang ang labi ko. Nang matapos ang ilang segundo ay saka ako nagsalita.
"No dear, you would have been seriously injured..." sobrang nag-aalala kong sabi. I wonder what is her situation at home. I'm so scared for this kid. God...
"That's what they want... and I'm just granting their wish..." garalgal ang boses nyang sinabi.
Parang may tumarak na kutsilyo sa puso ko nang sabihin nya iyon. She looks so matured. Nangilid ang luha ko at may bumara sa lalamunan ko kaya mabilis akong tumikhim.
"I don't know what you are going through, Natasha. But for now, dadalhin ka muna namin sa hospital ha? Para magamot ang sugat mo. "
Hindi na sya umimik at tumingin nalang sa daan. I sighed heavily before I pursed my lips. Napansin ko ring ang dami nyang pasa sa braso at binti kaya mas lalong kumunot ang noo ko roon.
"Natasha... Can I give you a hug?"
She slowly looked at me and I saw how her emotions changed. Nangilid ang luha nya at napaawang ang labi. Napatitig ako sa mga mata nya. She nodded kaya agad ko syang niyakap nang mahigpit. Naramdaman ko namang humikbi sya kaya hinagod ko ang likod nya.
"It's okay... you're safe now..."
I just realized that this kid is being abused at home. My tears fell down when she hugged me tightly. Maya maya lang ay nasa ospital na kami. Nanatili namang tahimik si Dave.
Ginamot ang sugat ni Natasha. Napatingin ako sa oras at nakitang mag aalas siyete na at hindi pa kami nakakarating sa site. Malamang ay bukas na kami mag sasite seeing.
I asked her if she wants me to call her parents but she told me that I shall call her nanny instead. I smiled at that. Mabuti na lang at may mabuting tao naman ang nag aalaga sa kanya. I gave her my mom para makausap nya ang nanny nya.

BINABASA MO ANG
The Tragedy Of Her Past ( On Going )
Fanfiction[DONBELLE FANFICTION] She's so young, brave and wild. She's everything that you wanted, well maybe. She may look good in front but her life is a mess. Until he met this guy that also mess with his life. But he loved her, he lived her so much but wi...