Chapter 4

238 16 4
                                    

A/N: Warning⚠️. Some wordings are not suitable for very young audiences. Read it at your own risk

Waiting for you

Halos mabingi ako sa impit na tili ng mga nasa corridor. May lumapit na babae sa'min at nakangisi ito. Hindi pinapansin ang ibang tao tanging kay Dave lang nakatuon ang kanyang atensyon. Nakataas ang isang kilay ko

"Y-Yung panyo mo... Naiwan m-mo kanina" nauutal na ani nung babae. She's probably had a crush on him. I pity this girl. Playboy yata tong Dave na 'to eh. OPXXX MASYADO YATA AKONG JUDGEMENTAL

Hindi pinansin ni Dave yung babae. Nanatili syang nakatitig sa mata ko. Tinaasan ko sya ng isang kilay. He chuckled.

"D-Dave"

"Sayo na lang" ani Dave saka nilingon yung babae na namumula na ang pisngi ngayon

"Lalabhan k-ko na lang t-then isasauli---"

"No need to do that" aniya sabay kindat "I have a lot of handkerchief.. so sa'yo na lang yan" dagdag nya sabay hawak sa baba nung babae. Yung babae naman kinikilig at namumula na ang buong mukha

Crush na crush nya ang mokong na 'to. Never akong magkakagusto sa mga lalaking gaya nya. NBSB ako noh! Virgin! Pero may crush ako. Kasali sya sa UAAP eh sa Ateneo napasok ewan ko lang ngayon

Napatili ang babae saka nagtatalon habang tumatakbo palayo. Napairap ako

"Umalis ka sa harap ko kung ayaw mong---"

"What?" aniya na parang hindi natatakot sa kung anong gagawin ko

"Kung ayaw mong saktan kita" asik ko at ngumisi sya. I really hate this kind of person.

"Wooohhh I'm scared" aniya at umakto sya na parang natatakot sya

Tss. Sige ha.

Sinipa ko sya sa down there nya. Napayuko sya at napahawak sa pants nya. Nakakabinging hiyawan at 'Ohhhh' ng mga estudyante ang naririnig sa buong corridor. Inis ko syang iniwanan roon at hinila si Madi paalis sa kumpol na tao.

Sobrang bilis naman kumalat ng balita at pinagtitinginan na ako ng mga chismosa kong mga schoolmates. Kala mo naman kung sinong perpekto. Makatingin sila sa'kin.

Hindi ko na lang pinansin. Naglakad kami ni Madi hanggang sa makalabas kami ng Facade. Nakasalubong naman namin sila Ashley kasama sila Aaliyah and Alhea.

"Bessy totoo ba?" bungas agad sa'kin ni Aaliyah. Natigil kami ni Madi sa paglalakad

"Ang alin?" kunwari ay hindi ko alam. Nag mamaang maangan ako. Napalingon si Aaliyah kay Madi at nagtatanong ang tingin nya pero nagkibit balikat lang si Madi

"Yung kay Dave" aniya at napa ohhh naman ako. Napatango tango saka tumikhim. Tiningnan ko sya ng deretso sa mata

"Oo" aniko at nabigla sya. Anong nakakabigla doon? Hehe dati ko naman nang ginagawa yon sa mga nang aasar sa'kin

"You did that?.... again?" takang tanong sa'kin ni Alhea and I nodded. Napaawang ang labi nila at hindi makapaniwala sa'kin

"I thought---"

"Hindi ko na gagawin uli yon?.... Tss.. Sometimes you need to fight kapag alam mong natatapakan ka" aniko at kumindat. Napabuntong-hininga sila.

I did say to them that I'll change. Hindi na mang aaway ng kaklase. Hindi na mang tutuhod ng down there ng lalaki. Hindi na mambubully in short pero syempre minsan hindi mo naman mapipigilan ang sarili mo na lumaban kase nakakainis naman talaga minsan ang mga ganoong klase ng tao. Dati kasi nakakapag pigil pa ako pero hindi na ako nakapag pigil kay Dave eh. Ewan ko ba kung bakit inis na inis ako sa taong 'yon.

The Tragedy Of Her Past ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon