Chapter 43

69 4 4
                                    

It's Friday morning. Maaga akong nagising to prepare everything that we need for today's event. Maaga ring nagising si Kai and she's checking her bag right now.

"Mommy, can I bring my toys?" She asked. Nilingon ko naman sya habang inalalagay ko sa lunch bag ang food namin.

"Which one, anak?"

Tumayo sya at niyakap ang stitch na galing sa daddy nya. Natigilan ako at hindi kaagad nakasagot.

"Are you sure anak? Baka maiwan mo lang 'yan doon?"

Mabilis syang umiling "No mommy galing 'to kay daddy eh" ngiti nya.

Napabuntong hininga ako bago ngumiti at nilapitan sya. I held her cheek and caress it before nodding "Okay... bring it with you "

Masaya syang napapalakpak "Yehey! I'll take care of it mommy, don't worry po"

Ngumiti naman ako at tumango.  "Alright, let's go and take a bath?"

Malawak syang ngumiti at yumakap sa leeg ko. "Yes mommy! Tara po!" She giggled, she looked so excited. 

We both took a bath together, sa bath tub. Inuna ko syang bihisan bago ako. Hindi na ako nagulat nang ang piliin nyang damit ay ang binili ng daddy nya para sa kanya.

"Do I look good mommy?" She asked while we are looking at her reflection through the mirror.

I gave her a small smile and nod "Pretty"

She giggled and kissed me on my cheek. Napangiti naman ako roon. Kai put her white shoes on her own, kaya naman daw nya. Naka receive naman ako ng message from Annie.

From: Annie

Papunta na kami ni Cayden sa school. His parents are here, Kai should meet them.

Ngumiti naman ako saka nilingon si Kai bago nagtipa ng reply.

To: Annie

Sure, I would like her to meet them.

After sending that ay narinig ko na ang pagkatok sa labas ng kung sino. I opened the door at pumasok naman si Madi.

"Hello, hello, hello. Nasaan na kaya ang inaanak ni tita ninang na maganda?" bungad nya kaya agad na lumabas si Kai at sinalubong ng yakap si Madi.

"Tita Ninang!" Binuhat naman ni Madi si Kai at hinalikan sa pisngi.

"Ang ganda ganda naman! Manang mana ka talaga sa tita ninang"

I rolled my eyes at that "Ang kapal mo, ako ang nag anak dyan"

She raised a brow at me "Tse, hindi naman ikaw ang kamukha!"

We all laughed at that. Kai seemed so excited kaya tinatapatan ko ang energy nya para maghapon syang masaya. I want her to stay positive as much as possible. Lalo na at nakapag desisyon na ako.

I kissed the side of my daughter's head before looking at me. Ngumiti ako sa kanya.

"Let's go! Handa na ang lahat"

Umalis na kami roon.  Not so fitted loght blue pants paired with white plain top  nakapatong ang cream na blazer. Naka black na sandals naman ako.

Madi drove us to school syempre kasama namin sya. Dumaan kami sa opisina ni Ash, sabi nya ay magsisimula ang program at exactly 7 kaya pumunta na kami sa gymnasium nila.

The stockholders shared their words as well as Ashley. I never expected that she'll be this successful kaya naluha pa ako ng bahagya.

Until the most awaited event started! Malakas na ang tugtugan at nagsasaya na ang mga bata. I saw Kai talking to other kids and she look so lively. Napangiti ako roon. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Tragedy Of Her Past ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon