Inihatid nya ako sa hanggang sa tapat ng building kung saan naroon ang unit ko. He parked his car sa basement. Tinawagan ko si Kai na malapit na ako at sabi naman nya ay nag iintay lang sya.
"D-Dito na ako. Salamat..." I said before opening the door of the car, subalit, bago pa man ako makalabas ay nagsalita sya.
"Magpahinga ka" He said at nauna syang lumabas. Pinanood ko syang ilabas ang mga pinamili ko. Napahinga ako ng malalim saka bumuntong hininga. I closed my eyes firmly before texting Annie.
To: Annie
I'm with him right now. Can you come over? Sa basement ako.
Wala pang isang segundo nang masend ko ay nagreply na sya.
From: Annie
Ano?! Jusko Lia, teka lang gustong sumama ni Kai pababa!
Nataranta ako at agad na nag tipa.
To: Annie
Don't let her come please. Hindi pa pwede, Annie. Hindi ko pa kaya.
Mabilis ang paghinga ko habang nagtitipa. After ko masend ay napahinga ako ng malalim. I bit my lower lip before going out of his car.
"Salamat" I said and gave him a small smile.
"Kaya mo ba--"
Hindi ko na sya pinatapos. Isa isa kong kinuha ang mga gamit ko at agad na nagsalita "Kaya ko. Salamat ulit" I said before turning my back against him saka naglakad, mabigat man ang mga dala ko ay pinilit kong kayaking bitbitin lahat. Hindi ko na kailangan ang tulong nya.
Hindi na dapat kami makita pa ng iba na magkasama. Tama na ang araw na 'to. No choice lang talaga ako. He insisted pero dapat hindi nalang ako pumayag. Napapikit ako ng mariin sa inis sa sarili. Bakit ba ang kulit kulit ko? Hindi na dapat ako sumama eh, pamilyado ang tao oh!
"Lia" He called that made me stop. I swallowed the lump in my throat when I felt those familiar feeling.
Nanlalambot ang tuhod ko nang banggitin nya muli ang pangalan ko, gusto ko nalang umuwi. Gusto ko nalang makita ang anak ko. Ayoko, ayokong makuha nya sya sakin. Hindi ko na dapat sya pinaabot pa hanggang dito.
I sighed heavily "Hmm?"
"Mauna na ako" may pag aalinlangan nyang sabi. I swallowed so hard, nangingilid ang luha ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at ang bigat sa pakiramdam. Ayaw ko na syang makita pero ayaw ko ring umalis muna sya.
Mahal ko pa ba? Tama na Lia...
I nodded "Hmm, ingat ka" I said. Pinanatiling matatag ang boses, hindi mahihimigan ng pagkagaralgal.
Agad akong sumakay na sa elevator at hindi ko nansya nilingon pa. Doon ko lang napansin na kanina pa pala ako nagpipigil ng hinga. Doon ako nagpakawala ng hangin saka pumikit ng mariin.
Tama na, hindi tama 'to. This could be considered as cheating right? Kasi sinamahan nya akong mag groceries, he even paid for my dress and mga gamit ni Kai, and he even drove me home. This could be considered cheating nga?
Pagak akong natawa sa sarili. Ayokong gumaya kay mama. Ayoko. No way.
Mabilis ang paghinga ko. Pagbukas ng elevator ay bumungad sa akin si Annie. Bakas sa mukha nya ang pag aalala kaya nginitian ko sya.
"Wala na umalis na. Okay lang ako" I assured her. She bits her lower lip before sighing. Tinulungan nya ako sa mga dala ko.
Nanatili syang tahimik at hindi ako kinwestyon hanggang sa makapasok sa unit. Nakita ko si Kai who's wearing her barbie pajamas habang nakamedyas pa na nakaupo sa sofa , hugging her knees habang ang baba ay nasa tuhod.
![](https://img.wattpad.com/cover/232255079-288-k881128.jpg)
BINABASA MO ANG
The Tragedy Of Her Past ( On Going )
Fanfiction[DONBELLE FANFICTION] She's so young, brave and wild. She's everything that you wanted, well maybe. She may look good in front but her life is a mess. Until he met this guy that also mess with his life. But he loved her, he lived her so much but wi...