Isang malakas na katok mula sa kwarto ko ang gumising sa natutulog kong mundo. Kinusot ko muna ang mata ko bago tumayo at binuksan ang pintuan.
"Ano ka ba naman Chelsea, Natutulog ako eh. Ang aga-aga mong nambubulabog"
"Sorry na cous, May ipapabasa kasi ako sayo. Chismis to beh! Gusto mo bang mabasa?"
Kinuha ko lang ang cellphone niya at nag lakad pabalik sa kama. Habang nakatutok ang atensyon sa cellphone ni Chelsea.
Famous Celebrity Marcux Louis Williams confirm dating a Mayor's Daughter Sandara Natalie Scott.
"What?!"
"Diba chismis beh sabi ko naman sayo eh"
Tinignan ko si Chelsea at kinuha ang cellphone ko na nasa tabi ko. "I call him"
Wala pang isang minuto ng biglang sagutin iyon ni Louis. Wala siyang taping ngayon dahil weekends.
"Naomi! What's wrong?"
"Nabasa mo na yung nasa internet?"
"Huh? Bakit? Anong meron?"
"About you at sa babaeng naging kaibigan mo diyan"
"What?! Ano to? Ang gagaling talagang gumawa ng imbento ang media"
"Now you know.. Bahala ka diyan. Sabi ko naman kasi sayo layuan mo na yang babae na yan. Hindi ka nakinig"
"Shit! Does claire already know about this?"
"I don't know! Pero weekend naman ngayon eh. Pupunta kami sa bahay nila lola mamaya para asikasuhin yung birthday ko"
"Thank you, I'll talk to my manager about this. Kailangan kong ayusin yung issue na ito"
"Oo ayusin mo iyang ginawa niyong issue. Sinasabi ko sayo Louis kapag sa oras na nasaktan yung pinsan namin. Ipapa-sabotage talaga kita"
Natawa nalang ako dahil sa sinabi ni Chelsea. Galit na galit gustong manakit?
"HAHAHA! Grabe ka. I promise aayusin ko ito. Ayokong saktan na naman si Claire dahil dito pero kapag hindi ko ito naayos titigil na ako sa pag a-artista"
"Pero paano yung mga pangarap mo? Kung titigil ka sa pag a-artista?"
"Isa lang ang pangarap ko naomi. Yun ay makasama si Claire habang buhay at palitan ang apelyido niya ng apelyido ko"
Pinatay na ni louise ang tawag kaya napangiti ako at humiga sa kama ko.
"Sweet ni louise no! How about us naman cous"
"Pangarap ko din yung mga katulad ni louis"
"Yung ano? Yung katulad niyang artista?"
"Hindi! Yung mamahalin din ako habang buhay at kaya akong panindigan" Tumayo na ako at inayos ang higaan ko. "Tara na! Mag gayak na tayo. Maaga daw tayong pupunta kila lola eh"
Tumango nalang siya at lumabas na ng kwarto ko. Hayss media nga naman. Kaya ayokong maging artista eh kahit madaming gustong kumuha sa akin na manager at direktor. Dahil kapag sa oras na pinasok mo yung ilaw o buhay nila. Talo ka, Oo magiging sikat ka pero hindi maiiwasan ang issue.
~~~
Andito na kami ngayon sa bahay nila lola. 2 hours lang ang naging byahe namin. Nang makababa na kami pumasok na agad kami sa bahay nila at sinalubong ng yakap sila lola.
YOU ARE READING
Girlfriend for RENT [COMPLETE]
Teen FictionA wealthy young man hires his beautiful classmate to pose as his girlfriend. At first the relationship is merely a business arrangement, but the sparks eventually become real. Copyright ©2022 All Rights Reserved