"Ganito Naomi, Kapag tinanong ka ni dad kung ilang taon na tayong may relasyon. Ang sabihin mo Days ago. Tulad ng sinabi ko kanina sa lola mo. Dahil for sure mag tatanong talaga yun si daddy" pagpapaliwanag ni zach sa akin.
"Second, Kapag tinanong ka ni dad about sa background mo. Tell him the truth. Okay?" He asked me. Tumango nalang ako sa kanya.
"Pero paano kung hindi sila maniwala? Hindi naman kasi halata sa akin"
"No, I know my dad. Hindi niya iimbitahan ang isang taong makikilala ko kung hindi nila nalaman ang background nito. Like i said tell him the truth. Dahil kung pipilitin mong itago yung buhay na meron ka. Ikaw din ang mahihirapan" he said bago tin-up ang ulo ko at ngumiti.
Tama naman siya, Kung pipilitin kung itago yung buhay ko na meron ako ngayon ako din ang mahihirapan. Ayokong magsinungaling sa parents niya. Dahil sabi nga ni Zach hindi ako iimbitahan ng daddy niyang kumain kasama sila kung wala silang proof about my life, About my background.
Ang hirap naman nitong pinasok ko. Pero ginusto ko naman ito. Isa ako sa pumayag sa plano ni zach. Tsaka bakit ako mapapagod kung scholarship ko naman ang nakataya dito. Nang makarating na kami sa bahay nila namangha ako sa laki non. Talagang mayaman sila ah. Sa gate pa lang automatic na.
Nang maiparada na ni zach iyong sasakyan niya agad na kaming bumaba para puntahan ang parents niya.
"Goodevening Mr.Harrison" bati sa kanya ng butler nila. Ay sana all may butler diba? Maid lang meron kami eh.
"Goodevening, Where's dad and mom?" Zach said.
"Nasa garden po sir. Tara po sasamahan ko po kayo duon" nakangiti niyang saad sa amin at nauna ng mag lakad sa amin papunta sa garden.
Nang makarating na kami sa garden. Hinawakan ni Zach ang kamay ko at sabay kaming nag lakad papunta sa pwesto ng parents niya.
"Mom, Dad" pag tatawag ni zach.
"Oh andito na pala kayo" Tumayo silang dalawa para lumapit sa amin. nakipag beso sa akin ang mommy niya at ang daddy naman niya ay nakipag kamay sa akin.
"You're so beautiful ija, Hindi talaga nag kakamali sa pag pili itong anak namin" nakangiting sabi ng mommy niya sa akin.
"Thankyou po"
"So Zachary, Kamusta ka anak?" His dad said.
"I'm fine now. Dahil nakilala ko na ang isang taong kukumpleto sa akin" he said bago tumingin sa akin.
Nginitian ko lang siya."So Naomi, Ikaw pala iyong anak ni Savannah. Talagang malaki ka na ano" nagulat ako dahil sinabi ng mommy niya sa akin.
"Paano niyo po nakilala ang mommy ko?"
"She's my bestfriend since highschool and sad to say na wala ako nung nakaburol at nilibing siya" she said.
"Bakit po? Nasaan po kayo nung mga araw na yun?"
"Nasa ibang bansa, Andun ako sa lugar kung saan namin pinangarap na pumunta. Sa Korea. Tapos nung bumalik ako dito nalaman ko nalang na wala na sila Savannah at Eduardo. Pero palagi ko naman silang dinadalaw. Kahit duon manlang makabawi ako sa kaibigan ko" she said. Hindi ko mapigilan maiyak ng makitang umiiyak ang mommy ni zach. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.
"It's okay tita, Kung andito man po si mommy. Alam kong magiging masaya po siya para sayo dahil natupad mo yung pangarap niyong dalawa and Sigurado po ako na yayakapin ka pa po ni mommy dahil namiss ka niya"
"Para ka talagang mommy mo. Totoo nga. Like Mother, Like Daughter. Halika ka nga dito. Payakap naman sa minimi ng Best Friend ko" she said. Tumayo naman ako at naglakad papunta sa kanya para yakapin siya. "I miss her"
"Alam ko pong namimiss ka rin po niya"
"Parang gusto ko tuloy makita si Savannah" she said.
"Tita naman, Wag naman po. Malakas pa po kayo. Okay? Tsaka madami pa po kayong pag dadaanan"
"Joke lang! Sige na kumain na tayo" napangiti nalang ako sa kanya bago tumango.
Sa buong dinner namin kumain lang kami habang nag ke-kwentuhan. Mababait naman pala ang parents niya akala ko pag punta ko dito sa kanila aawayin ako. Pero hindi naman pala nag kamali ako.
Nang matapos na kaming kumain. Nag paalam na kami sa parents niya. Ihahatid daw muna ako ni Zach bago siya umuwe sa condo niya.
"Ang bait pala ng parents mo. Akala ko pag punta ko duon sa inyo aawayin ako"
"Grabe naman pagiging advance ng isip mo" nakangiting sabi ni Zach sa akin.
"Ang galing mo palang gumawa ng plano no. Halatang totoo"
"Nakokonsensya na ako" napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nakokonsensya saan? Saan ginagawa namin? "Naomi, Sorry! Dinamay pa kita sa kalokohan ko. Alam kong pagod ka na sa kalokohan na ito sa pag kukunwari na ito. Pero ginagawa mo pa rin para matulungan ako. Pero nakaka-konsensya kasi eh. Pamilya mo at pamilya ko na ang niloloko natin. Lalo na yung sarili ko"
"So anong gusto mong mangyare? Tumigil na tayo dito? Sa kalokohan na ito?"
"Oo, Tama na to. Tama na tong kalokohan na ito" He said "Dahil hindi ko na kaya, Hindi ko na kayang mag kunwari sa nararamdaman ko sayo naomi"
"W-What do you mean? Joke time ba ito? Pinag ti-tripan mo naman ba ako? Kasi kung oo, ang tanga ko na"
"Hindi Naomi, Itong nararamdaman ko totoo na to. Walang halong biro. Buong-buo" he said.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya. Hindi ko alam kung mag titiwala ba ako sa kanya. Kasi ang alam ko lang kapag pinag patuloy ko itong nararamdaman ko din para sa kanya alam kong masasaktan lang din ako sa dulo.
"Zach, Ayokong masaktan sa huli"
"I know. Sorry kung umamin ako"
Ngumiti lang siya sa akin bago pumasok sa kotse niya at nag paalam ng uuwe.
Pag iisipan ko..
______________________________________:)
YOU ARE READING
Girlfriend for RENT [COMPLETE]
Teen FictionA wealthy young man hires his beautiful classmate to pose as his girlfriend. At first the relationship is merely a business arrangement, but the sparks eventually become real. Copyright ©2022 All Rights Reserved