1 year ago..
"Ngayon ba ang uwe mo?"
"Oo, Bakit?"
"Si Zach kasi Naomi. Kailangan ka ngayon"
"Bakit? Anong nangyare sa kanya?"
"Pagdating mo. Sasabihin ko sayo"
Pinatay na ni Natalie ang tawag kaya agad ko ng binalik ang cellphone ko ng marinig ang pag tawag sa mga pasahero.
______________________________________Nakita ko ng kumaway si Natalie at agad na lumapit sa akin para makipag beso.
"Anong nangyare kay Zach?"
"Binalak kasi niyang sumunod sayo sa london noong umalis ka pero hindi natuloy dahil naaksidente siya. Ang sabi ng doctor pwede daw macomatose si Zach at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gising" she said.
Napatakip nalang ako sa bibig ko at hinayaan na tumulo ang mga luha ko. Agad din naman akong niyakap ni Natalie para patahanin ako.
"P-Puntahan natin siya, Gusto ko siyang makita"
"Okay sige"
Mabilis din naman kaming nakarating sa Hospital kaya mabilis na kaming bumaba. Nakasunod lang ako kay Natalie hanggang sa makarating na kami sa Room ni Zach.
"Naomi" his mom said. Bago ako yakapin. Sumunod naman na yumakap sa akin si Tito at ang mga kaibigan ko.
"Hanggang ngayon tulog pa rin siya. Kinakausap na namin siya para magising na siya pero hindi tumatalab" Tita said.
"Hindi naman siya mag kaka-amnesia no tita?"
"Hindi, Ang sabi lang ng doctor ma ko-comatose lang siya pero malabong mag ka-amnesia siya" she said.
Thank god..
"Alam naming ikaw agad ang hahanapin niya pag gising niya. Kaya buti nalang at bumalik ka na" Blase said.
"Hindi ako mag tatagal dito. Hihintayin ko munang gumaling si Zach bago ako bumalik sa london"
"Edi magiging LDR pala kayo ni Zach niyan" Clark said.
"No.. I plan to take him back to london. Kung okay lang kila tita na malayo sa kanila si Zach"
"Ayaw namin malayo sa kanya, Pero kung masaya naman siyang kasama ka. Papayag kami" Tito said.
"Thank you po!!"
"You're Welcome Naomi"
______________________________________5 Months ago..
"Pangalawang beses na namang mamaalam sa atin si Naomi" Natalie said.
"Pero kasama na si Zach" Blase said "Ayan ah, Hindi ka na broken Zachary. Kasama mo na si Naomi at Makikita mo na siya araw-araw"
"Hindi lang araw-araw" tumingin siya sa akin at ngumiti "Habang buhay na"
"Sus, We are happy for the both of you. Kahit sobrang dami niyong pinag daanan kayo pa rin ang ending bandang huli" Chelsea said.
"Yeah, Basta don't forget to us ah.. Kami ang ninang at ninong sa mga magiging anak niyo in the future" Natalie said.
"Matagal pa yun"
"Nag hahanda lang" she said.
Narinig na namin ang pag tawag sa mga pasahero kaya nag paalam na kami sa kanilang lahat.
"Susunod kami sa inyo duon.. Mag iingat kayo ah" Lee said.
"Kayo rin"
"Tol yung chocolate ah! Pag balik niyo" Zarius said. Tumango lang sa kanila si Zach bago ako akbayan.
"Let's go babybabe?"
"Tara na!"
Hayyy buhay nga naman.. Parang life!! Masaya ako dahil sa sobrang dami naming pinag daanan na problema ni zach. Mga iyakan, Sakitan, Pag hihiwalay. Sa huli kami pa rin ang Ending.
Sobra-sobra na yung ka swertehan ko. Ganon ba ako ka special na tao. Special Child choss.. Swerte na sa pamilya, sa kaibigan tapos mas lalo pang sumewerte sa lovelife oh diba? Kalma ako lang ito. Isang sodiac sign na mag bibigay sa inyo ng swerte.
I'm Natalia Naomi Domiguez, Ang babaeng puno ng swerte at ang inyong Future Fashion Designer.
______________________________________:)
YOU ARE READING
Girlfriend for RENT [COMPLETE]
Teen FictionA wealthy young man hires his beautiful classmate to pose as his girlfriend. At first the relationship is merely a business arrangement, but the sparks eventually become real. Copyright ©2022 All Rights Reserved