"Saan ba kayo nang galing?" Tanong ni tita sa amin ng makarating na kami sa bahay. "Kanina pa tumatawag sa inyo si Mama pero mga naka turn off yung cellphone niyong tatlo"
"Sorry tita. Hindi na po mauulit"
Ngumiti lang sa amin si tita at tumango "Wag niyo ng uulitin yun ah" Napansin kong todo tingin si tita kay zach kaya lumapit ako kay zach.
"Ay tita, Lola. Si Zach po pala schoolmate ko po. I mean schoolmate po namin ni Chelsea"
"Nice to meet you iho. Salamat sa pag hatid ng mga apo ko ah" nakangiting saad ni lola. "Halika iho, Nag handa ako ng Cocoa. Uminom ka muna"
Tumango lang si Zach at naupo na sa sofa habang nililibot ang mata sa buong bahay "Ang ganda ng bahay niyo ah parang hotel lang"
"Actually hindi sa amin itong bahay. Sa lola namin my mom's mother, Pumunta lang kami dito para ayusin yung debu ko"
"Ay debu mo na?" Tinaasan ko siya ng kilay ng sabihin niya yun. Hindi ba halata?
"Nang aasar ka na naman bang tukmol ka?"
"Nope, That's my question. Hindi yan pang aasar" he said.
"Whatever"
Natawa nalang siya sa akin. Nag tagumpay na naman sa pang aasar yung tukmol na to. Kapag ako talaga nakahanap ng pang aasar sa kanya yari siya.
"Oh iho! Uminom ka muna. Bago ka umuwe" lola said.
"Sige po salamat po" he said. Bago inumin yung cocoa na binigay sa kanya ni lola. Kinuha ko na din yung akin para mainom ko na din.
"Alam mo ba iho, Sa lahat ng iniinom nilang pampainit sa tiyan itong Cocoa ang pinaka paborito nila. Lalo na netong si Naomi. Nakakailang baso kaya yang apo ko. Hindi ba naomi?" She said.
"Lola!!"
Natawa nalang si lola sa reaksyon ko at nakipag usap na ulit kay Zach.
"Ah iho! Next week birthday na ni naomi. 18th birthday niya. Pumunta ka ah" lola said "Ipapaabot ko nalang kay Naomi sayo yung Invitation Card"
"Sige po lola, By the way mauna na po pala ako. May pasok pa po kasi ako bukas eh. Goodnight po and thank you po sa Cocoa" he said. Galang ah sus. Kapag ako kaharap niya todo pang aasar siya tapos kapag ibang tao nag papanggap na anghel.
"Oh sige iho! Ingat ka sa byahe" he said. Ngumiti lang siya kay lola at nauna ng lumabas. Sumunod naman ako sa kanya para maihatid na siya sa gate.
"Oh, Bakit lumabas ka pa? Malalim na ang gabi baka mahamugan ka"
"Malamang ihahatid ka sa gate"
"Ah okay"
Umirap lang ako sa kanya at nag sabay na kaming nag lakad papunta sa gate "Ah nga pala zach. Thank you pala sa pag tulong sa amin na mahanap si Claire"
"Hindi volunteer yun ah. May bayad yun"
"Huh? Magkano? I'll pay you right now"
"Hindi pera ang ibabayad mo. Kaya hindi mo kailangan gastusin ang pera mo"
"Eh ano?"
Inaya niya akong maupo sa Garden's Chair at tumingin ng diretso sa akin. "I want you to be my Girlfriend"
"G-Girlfriend? Anak nang bakit? Anong tingin mo sa akin? Desperada. Hoy mas gusto ko nalang maging single forever kesa makatuluyan ka"
"Wow! Expensive na tao na nga nag kakagusto sayo aayaw ka pa. Pwede ba makinig ka muna. Ipapaliwanag ko sayo" he said. Umirap na lang ako sa kanya at nanahimik.
"Okay good dog"
"Ano?"
"Shh!! Don't be noisy. Ang cute mong magalit"
Inirapan mo nalang siya at nanahimik sa isang tabi. Anong tingin niya sa akin desperada? Na handang ibigay yung sarili para lang mag ka jowa? No way.
"My Dad told me i need to have a girlfriend. And I have to marry the woman i can choose but in the future. Masyado na daw kasi silang matanda para mag hintay sa mga magiging apo nila and he said that all my family Assets will be transferred to my name someday" he said.
"So anong gusto mong palabasin? Pwede ba wag mo ng paikot-ikutin pa. Just straight to the point"
"Kung gusto mong mabayaran yung utang mo sa akin ngayon. Mag papanggap ka na girlfriend ko yun lang" he said.
Shit.. Ano ba itong pinasok ko. Lord bakit naman po sa lahat ng mapipili mo para sa akin bakit itong tukmol pa na ito ang binigay mo. Bakit?
"Do you agree?" He asked me. "I'll pay you. How much you want"
"How much i want?"
"Yes! How much you want" he said
Tumayo ako at nag isip ng pwedeng kapalit. Napangisi ako ng may sumagi sa utak ko "What if, Ikaw na ang mag bayad ng tuition fee ko? Hmm?"
Nakita ko ang pagka gulat sa mga mata ni zach kaya napangiti ako "A-Ano? Bakit sa lahat ng pwede mong hilingin na kapalit bakit yun pa? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Anong tingin mo sa akin sugar daddy mo?"
"Sinong nanguna sa plano na ito?"
"Ako" he said.
"Sinong humingi ng pabor?"
"Ako"
"Sinong nangangailangan ng tulong ko?"
"Ako"
"At sino ang may gusto nito?"
"Ako"
"At higit sa lahat sino ang may sabing babayaran ako kahit magkano ang gusto? Huh?"
"Oo na! Ako na, Ako na. Happy?" Naiinis na sabi ni zach.
"Now you know"
"Fine! I'll pay your tuition fee just like you want. So please cooperate with me naomi" he said.
"Hmm!! Okay"
Napatango nalang siya at tumingin sakin ng diretso. "Bukas mag kita tayo sa condo ko. I'll text you the address. Okay?"
"Anong oras?"
"Before class" kinunutan ko lang siya ng noo dahil sa sinabi niya. Nag tataka kung bakit. "Alam ko yang nasa isip mo. Pero bukas mo malalaman. See you tomorrow morning" he said. Bago tumayo at nag lakad papunta sa gate.
Napahinga na lang ako ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay. Bukas na ang pinaka worst ng buhay ko. Nakakabadtrip.
______________________________________:)
YOU ARE READING
Girlfriend for RENT [COMPLETE]
Fiksi RemajaA wealthy young man hires his beautiful classmate to pose as his girlfriend. At first the relationship is merely a business arrangement, but the sparks eventually become real. Copyright ©2022 All Rights Reserved