Chapter 8

53 2 0
                                    

Andito na ako ngayon sa address na tinext sa akin ni Zach. Kanina pa ako andito sa labas at kanina pa din ako sa kanya nag te-text pero hindi siya nababa at hindi rin nag re-reply.

Naisipan ko ng pumasok sa loob at itanong sa receptionist ang room ni Zach.

"Goodmorning ma'am. Ano pong kailangan nila?"

"Hmm.. May i asked, What floor and room is Zachary Harrison. He is a resident here and this is the address he text to me"

"Wait just a minute ma'am" Hinayaan ko siyang tignan ang mga list ng resident nila at ng makita niya iyon ay agad siyang tumingin sa akin "Ay ma'am ikaw po pala yung asawa niya. Ang ganda niyo po pala"

"A-Asawa?"

"Opo ma'am and yung room po niya ay nasa 3rd Floor. Room 310 po"

"O-Okay.. T-Thankyou"

Ahh!! Anak ng tokwa ka talaga Zachary. Ginawa mo na nga akong girlfriend. Pati ba naman asawa?! Humanda ka talaga sa akin. Just wait me there. I'll break your bones into pieces.

Patakbo akong pumunta sa elevator at pinindot ang 3rd Floor kung nasaan ang room ng kumag na yun. Mabilis din naman akong nakaakyat kaya agad na akong bumaba para hanapin ang room ni Zachary.

"308,309,310. Ito yun"

Pinindot ko na ang doorbell duon at umaasang may magbubukas ng pinto pero wala. Kaya nakailangan doorbell pa ako at katok pero wala talaga.

Tinignan ko din kung nag message si Zachary at tama ako meron akong na unseen message mula sa kanya. Kaya agad kong pinindot iyon at binasa.

To: Kumag

Pag dating mo wag ka ng mag doorbell or kumatok. Pindutin mo nalang yung password. 12579360 ayan yung password ng pintuan ayokong bumangon tinatamad ako.

Wow ah! Galing.. Siya na nga tong nag hingi ng pabor siya pa itong tinatamad. Dapat nga ko ang tamarin eh. Lalaking to sarap ipasalvage.

Hindi na ako nag aksaya ng oras agad ko ng pinindot ang password na binigay niya at binuksan iyon. Namangha ako sa linis ng condo niya. Parang babae ang naninirahan dito dahil sobrang linis ng condo na ito.

Agad kong hinanap ang kwarto niya at bumungad sa akin ang isang anghel na natutulog. Anghel? No! Hindi anghel to. Mukhang kailangan ko ng ipa-konsulta ang mata ko dahil kung ano-ano ang nakikita.

"Pero infernes ang gwapo niya kapag tulog"

Hashh!! Haynako naomi tama ka na nga sa pag ti-tig sa kumag na ito.  Nilapag ko na ang bag ko sa may study table niya at niyugyug siya.

"Hoy kumag! Anong oras na. Gumising ka na"

"5 minutes"

"Anong 5 minutes hindi! Kaya ka siguro nale-late lagi dahil tulog mantika ka. Bumangon ka na diyan kung ayaw mong bumangon. Aalis na ako"

Nagulat ako ng mabilis na bumangon si Zachary sa higaan niya at nag kusot ng mata. "Hey sleepy head. Anong oras na po! Akala ko ba may pag uusapan pa tayo?"

"Meron nga.. Just wait me in 5 minutes mag aayos lang ako"

"Okay"

Mabilis kong kinuha ang bag ko sa study table niya at lumabas na para umupo sa sofa niya. Tumayo naman ako ng lumabas na siya ng kwarto niya at pumunta sa dining area para kumuha ng fresh milk sa ref niya.

Girlfriend for RENT [COMPLETE]Where stories live. Discover now