"Naomi" pagtatawag sa akin ni lola habang sinusukatan ako.
"Po, Bakit po lola?"
"Nakahanap ka na ba ng escort mo?" Tanong sa akin ni lola.
"Wala pa po"
"Wala pa? Yung escort mo siya din yung magiging ka partner mo sa performance niyo" napakunot ako dahil sa sinabi ni lola.
"Performance po?"
"Oo, Magsasayaw kayo" she said.
"Para po bang cotillion lola?" Tanong naman ni Chelsea na ikinatango ni lola.
"What?" Sabay naming saad ni Chelsea. Cotillion? Matagalang practice yun. Bakit pa naisipan ni lola yun.
"Oo cotillion, Napag-usapan na kasi namin to kahapon ng mga tita at tito mo at sumang-ayon naman sila kaya ngayon uuwe sila tita marga niyo dahil ngayon din ang first practice niyo for cotillion" She said.
"Pero lola, Matagalang practice yun tapos kailangan ko pang maghanap ng mga sasali"
"Don't worry apo, Meron na nakahanap na kami. Pinasundo ko na nga sila eh" nakangiting sabi ni lola.
"Sino?"
"Sila" napalingon ako sa tinuro ni lola. Nanlaki ang mata ko ng makita si zach duon kasama ang mga kaibigan niya. Kaya mabilis kaming nag katinginan ni chelsea.
Anak ng tokwa!! Bakit sa lahat ng mapipili ni lola. Bakit sila pa at ang magulong katanungan sa akin. Paano nakausap ni lola ang mga kumag na to.
______________________________________Andito na kami ngayon sa garden. Kung saan kami mag pa-practice ng cotillion. Kakadating lang din nila tita marga at ni louis. Hindi kasama si Claire sa cotillion dahil siya ang magiging MC sa party ko. Kaya ayun nag usap nalang sila ni Louis. Pinipilit ayusin ni Louis ang naging problema sa pagitan nilang dalawa.
"Ang ganda pala ng pinsan mong galing france no" namamangha na sabi ni Zach.
"Tss.. Hindi pumapatol sa kumag yun"
"Hindi mo sure! Kapag iyan naging girlfriend ko..who u ka" mayabang na saad ni Zach.
"Bahala ka na nga diyan. Papasok na muna ako sa loob. Kukunin ko yung merienda para kasing gutom na yung mahal na prinsipe eh" inirapan ko lang siya bago pumasok sa loob.
Nang makapasok na ako sa loob ng bahay dumeretso agad ako sa kusina. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nawalan ng gana nung narinig ko yun mula kay zach.
"May pasabi-sabi pa siya nakapag iyon naging girlfriend niya who u ako sa kanya. Tss.. as if naman papatulan siya ni Zhyra duh"
"Akala niya ba! Ikina-gwapo niya yung pagiging mayabang niya. No! Hindi. Kumag na yun"
"Naomi? Who are you talking to?"
Napalingon ako sa babaeng nag salita. Nagulat ako ng biglang bumungad sa akin si Zhyra. Napapikit nalang at napakagat nalang ako sa labi ko bago ngumiti sa kanya.
"N-Nothing.. I'm just singing. W-What are you doing here?"
Ngumiti lang siya sa akin at lumapit para kumuha ng juice "I'm looking for you, Because the practice is about to start. Cause the instructor has arrived and he wants to get to know you"
YOU ARE READING
Girlfriend for RENT [COMPLETE]
Fiksi RemajaA wealthy young man hires his beautiful classmate to pose as his girlfriend. At first the relationship is merely a business arrangement, but the sparks eventually become real. Copyright ©2022 All Rights Reserved