"Z-Zach? B-Bakit?"
"Sinasabi ko na nga bang babae ka, May pinaplano ka talaga eh"
Mabilis na sinugod ni Chelsea si Natalie. Binabalak pa niyang saktan si Natalie pero hindi niya magawa dahil nang dumating sila Blase mabilis nilang hinarang si Chelsea.
"Naomi, Let me explain"
Bago pa makalapit si Zach sa akin agad na akong tumakbo para lang makalayo sa kanya, Sa kanilang lahat. Pero kahit sa sobrang bilis ng pagtakbo ko naabutan pa rin ako ni zach.
"Naomi please!"
Mabilis kong hinawi ang kamay niya at malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.
"Wag na wag mo kong hahawakan Zachary. Nandidiri ako sayo"
"Naomi please, Let me explain"
"Explain what? Na hindi totoo yung nakita ko? Na namalik mata lang ako? Ganon ba? Ganon ba yung gusto mong marinig sa akin? Ganon ba...yung gusto mong ipamukha sa akin?" Naiiyak na sabi ko "T-Tangina naman zach! Tanggap ko naman eh dati pa na panakip butas lang ako. Pero tangina naman kung yun lang pala yung role ko sa buhay mo. Sana hindi mo nalang pinaramdam sa akin na mahal mo ako. Na importante ako sayo. Pero hindi eh. Hindi"
"Naomi, Mahal kita. Totoo yung pag mamahal ko sayo. Hindi ka panakip butas. Kaya wag mong sabihin yan"
"Hindi? Pero bakit mo ginawa sa akin to! Bakit mo ko sinaktan?! Huh? Bakit? Kulang pa ba. Kulang pa ba yung mga binibigay ko sayo. Yung pagmamahal ko sayo. Sabihin mo naman oh. Hindi yung pinag mumukha mo kong tanga"
"Naomi, Kung ano yung nakita mo. Hindi ko ginusto yun. Hindi ko gustong saktan ka"
"Wag kana mag paliwanag. Tanggap ko na eh. Tanggap na tanggap ko na" I said "Pasensya na ah! Hindi kasi ako perpekto eh. Wala kasi ako sa taste mo eh. Simple lang ako, Mahinang tao. Nag mahal lang kasi ako eh. Pero hindi ko inexpect na magiging ganito. Sinubukan ko lang naman eh pero tangina talo pa rin talaga"
Mabilis akong tumalikod sa kanya at tumakbo palayo. Narinig ko pa ang pag tawag niya sa akin bago makasakay sa sasakyan ko at binuhos lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko.
"Umiyak ka lang, Andito lang ako. Hindi kita iiwan" naiiyak na sabi ni Chelsea.
"Ayoko na, Pagod na ako"
"Normal lang na mapagod Naomi, Alam mo kapag sa oras na pinasok mo yung love na yan. Hindi lang puro saya. Kailangan handa kang masaktan. Dahil wala tayo sa Fairytale. Hindi totoo ang happy ending"
"Nakakapagod ng maging masaya. Kasalanan ko naman eh. Kung hindi sana ako nahulog sa kanya. Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon"
"Kung pwede lang maibalik lahat sa dati eh. Pero wala, Nangyare na"
"Akala ko hindi na ako iiyak, Akala ko huli na yung pag iyak ko noong mga araw na nawala yung mga magulang ko. Hindi pa pala"
"Anong balak mo ngayon?"
"Ewan ko. Gusto ko nalang maging masaya"
"Alam kong kaya mo yan. May tiwala ako sayo"
______________________________________:)
YOU ARE READING
Girlfriend for RENT [COMPLETE]
Teen FictionA wealthy young man hires his beautiful classmate to pose as his girlfriend. At first the relationship is merely a business arrangement, but the sparks eventually become real. Copyright ©2022 All Rights Reserved