Chapter 11

44 4 0
                                    

"Iho, Matanong ko lang kayo. Kailan ba kayo naging magka-relasyon nitong apo ko?" Seryosong tanong ni lola kay zach.

"Days ago po lola" sagot naman ni zach.

"Days ago? Kailan ka unang nanligaw sa apo ko?" Tanong naman ni lolo.

Ito na nga ang sinasabi ko. Question and Answer na ito. Kaya hindi ko din inaamin yung tungkol sa amin ni Zach dahil ayokong mahuli nila kami.

"Hindi ko po siya niligawan lolo" he said.

"Hindi mo siya niligawan? Eh paano naging kayo?" Lolo asked him.

"Hindi ko po siya niligawan dahil hinanap po namin ang isa't-Isa" Natikom ko ang bibig ko dahil sa sinabi ni Zach. Hinanap namin ang isa't-isa? Parang hindi naman. Parang siya lang yung nag hanap sa akin para lang matulungan ko siya.

"Haynako ito talagang mga bata na ito oh. Sige na pumapayag na kami sa relasyon na meron kayo" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni lola.

Lola hindi kami niyan kalokohan lang lahat ng ito. Hindi totoong may relasyon kami. Fake relationship lang ito. Kahit gustuhin ko mang sabihin yan hindi ko magawa. Dahil kapag once na umamin kami parehas kaming malalagot.

"Honey, masyado pang bata yung apo natin" pag rereklamo ni lolo. Opo masyado pa po akong bata. Kaya please wag kang maniwala sa mga sinasabi ng kumag na ito.

"Shh!! ano ka ba naman Ronaldo. Malaki na ang apo natin. Papunta na nga sa tamang edad eh at alam na nila ang tama at mali. Kaya hayaan na natin sila sa gusto nila" nakangiting sabi ni lola.

Naku po!! Kung alam mo lang lola may pag nanasa to kay Zhyra. Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa mga nangyayare ngayon. Ito yung ayaw ko eh.

Napatingin kaming lahat sa cellphone ni Zach ng bigla iyong mag ring. Kaya agad niyang kinuha iyon sa lamesa at nag paalam na sasagutin muna saglit ang cellphone.

"Ikaw Naomi apo, Alam ko naman na magiging masaya ka sa kanya kaya kami pumayag. Kitang-kita din namin yung mga tinginan niyo sa isa't-isa kanina. Parang mahal na mahal niyo talaga ang isa't-isa" nakangiti na sabi ni lola. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.

"Thank you po lola,lolo"

Pero fake news yung sinabi nilang mahal namin ang isa't-isa. Alam kong ako lang ang masasaktan sa huli dahil ako lang naman ay nahulog hindi ba?

Napatingin kami kay zach ng bumalik na siya at dumeretso agad sa akin. "Lola, Pwede ko po bang mahiram si Naomi ngayong gabi?"

"Oo naman apo, Sige na naomi kumilos ka na" she said.

"Thankyou po lola" pagpapasalamat ni zach. Agad din naman akong sumunod kahit naguguluhan kung meron at kung saan kami pupunta.
______________________________________

"Saan ba tayo pupunta?"

"Dinner with my parents" mabilis niyang sagot.

"Dinner? With your parents? Zachary bwisit ka bakit hindi mo sinabi kanina. Edi sana nag suot ako ng maayos na damit"

Natawa nalang si Zachary sa akin bago hinawakan ang kamay ko na agad ko namang inalis. Wag ayoko!

"Don't worry, Before tayo pumunta sa dinner may dadaanan muna tayo" he said.

"Saan?"

"Papaayusan ka" he said.

Mabilis din naman kaming nakarating sa sinasabi ni zach kaya pinarada niya muna ang kotse niya sa parking lot bago kami bumaba at pumasok sa loob.

Girlfriend for RENT [COMPLETE]Where stories live. Discover now