Chapter 5

48 4 0
                                    

Nang makarating na kami ng Infinity Cafe agad na kaming nag bayad sa driver at bumaba na. Kinakabahan ako. Sana naman ay andito siya.

Mabilis hinanap ng mga mata ko si Claire. Pero kahit anino niya ay hindi ko nakita. Lumapit kami papunta sa Cashier dahil meron silang listahan ng mga customer dito sa cafeteria nila.

"Ms, Excuse me lang. Pwede ko bang makita yung mga list ng mga customer na pumapasok dito? May hinahanap kasi kami eh"

"Sige po ma'am" agad niyang ibinigay sa akin ang list kaya hinanap ko na ang pangalan ni Claire pati sila Chelsea ay nakihanap na din.

"Her name is not here"

"Ate naomi, What if we try to look at her at the bar. She always goes with her other friends"

Tumango nalang ako sa kanya at ibinalik na ang booklet sa babae "Thank you"

"Let's go"

Nauna na ako sa kanilang lumabas ng cafe at sumakay ulit ng taxi. Malayo ang bar na pinupuntahan niya dito sa cafe kaya kailangan naming sumakay ulit ng Taxi. Di bale papabayaran ko naman ito kay Louis. Kabayaran to sa pananakit niya kay Claire.

Nang makarating na kami sa Zarius Bar agad na kaming pumasok duon. Malakas na tugtug ang bumungad sa amin. Kaming dalawa lang ni Chelsea ang pumasok sa loob dahil hindi pinapapasok ang mga Minor dito.

Hinanap namin sa mga Desk si Claire pero hindi din namin siya makita. Nasaan ka ba Claire, Nag aalala na ako sayong peste ka.

"Tawagan mo si Simon"

"Simon?"

"Si simon, Yung friend ni Claire, Yung nakilala natin dito sa bar isang beses, Yung may gusto sayo, Yung nanligaw sayo tapos sinagot mo kaso hindi kayo naging forever dahil pinagpalit ka sa mukhang chonggo. Kilala mo na?"

"Dami mo namang sinabi!"

"Sus! Naging ex mo lang kinalimutan mo na"

"Bakit kailangan pa bang manatili ako sa past?" Inirapan ko nalang siya at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Simon.

"What?"

Sungit naman nito. Red days ba niya ngayon? Tss..

"Are you with Claire?"

"No"

"Okay fine"

Pinatay ko na ang tawag at ibinalik na ang cellphone ko sa bulsa.

"Bilis ng usapan niyo ah? Di niyo ba namiss ang isa't-isa?"

"Ang sabi mo tawagan ko lang siya at tanungin siya kung kasama si Claire. Edi yun ang ginawa ko"

"Ay, Galing! Ano sabi niya?"

"Hindi daw"

"Lah! Saan natin hahanapin yung babae na yun?"

"Ewan ko! Tara na lumabas na tayo. Ang ingay dito"

Nag kibit balikat nalang si Chelsea at sumunod na sa akin. Lalabas na sana kami ng may biglang humarang sa amin na dalawang lalaki.

"Hi mga beautiful girls? What are you two doing here? Party?"

"Do we know you? Huh?"

"Nope, But I'm so handsome para mag pakilala pa. Want some drinks? Libre namin kayo"

Girlfriend for RENT [COMPLETE]Where stories live. Discover now