Today is our Masquerade Ball at ngayon lang din namin nalaman na isa pala sa guest sila lolo at lola sa Party na yun. Kaya pala alam nilang may pupuntahan kaming Masquerade Ball.
Isa din kasi ang pamilya namin sa tumulong na mapatayo ang Harrison Academy at napagkasunduan nila na ipangalan ang School na pinatayo nila sa apelyido nila Zach.
"Bilisan niyo na mga apo at mahuhuli na tayo sa party" Saad ni lola. "Yung sasakyan natin nasa labas na nag hihintay"
Kinuha na namin ang bag at sumunod na kay lola. It's already 6 o'clock in the evening at ang umpisa ng party ay 6:30 kaya nag mamadali na din kami.
Nang makarating na kami sa labas nanlaki ang mata namin ng makita ang isang sasakyan sa harapan namin kaya nagka-tinginan kaming tatlo nila Chelsea at Hanna dahil sa gulat.
"A Limousine?! Lola kanino iyang sasakyan?"
"You're Father's Car" Claire said.
"Kotse ni daddy?!"
"Yeah and soon this car is your's" Lola said.
"Naguguluhan ako lola!! Paano? Hindi naman sobrang yaman ni daddy. I mean hindi naman sobrang yaman ng pamilya namin"
"That's not true Naomi, You're father is one of the richiest man in the world and you don't know. Dahil ayaw nilang sabihin sayo. Ayaw nilang aminin sayo. Dahil ayaw nilang lumaki kang tamad. Katulad ng ibang tao" Lolo said.
"Huh? Paano lolo? Paano mo po nasabi na isa si daddy sa pinaka mayaman na tao sa buong mundo?"
"Try to search on google grandchild" he said na agad ko namang sinunod. Nanlaki ang mata ko ng malamang totoo nga pero sana naman hindi katulad ang pamilya namin sa ibang mayayaman na kasing edad ko na nakasalalay ang future sa fixed marriage ayoko ng ganon.
"OMG Cous! Ngayon ko lang din nalaman na isa pala sa mayayaman na tao sa buong mundo si Tito Russel kaya pala engrande ang debu at pati ang regalo sayo engrande" Chelsea said.
"Sana lang ay hindi ko maranasan ang fixed marriage"
Agad na akong sumakay at sumunod naman sa akin si Chelsea pati na din si Claire at Hanna.
Nang makasakay na kaming lahat ay agad naman iyong isinarado ng body guard na kasama namin bago pinaandar ng driver.
"Lola"
"Ano yun apo?"
"Ngayon po na nalaman kong sobrang yaman ng pamilya namin. Natatakot po ako. Hindi naman po siguro nakasalalay ang future ko sa fixed marriage no?"
"No honey, The Dominguez Family has a lot of trust in you. Because they know you can manage the company and assets left to you by your parents especially your daddy. So don't worry" she said.
Sana nga..
Dahil kapag nangyare yun. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong pamilya ko ang gumawa ng desisyon para sa sarili ko.
Nang makarating na kami sa School lahat ng estudyante nasa amin ang attention. Huminto ang sasakyan sa harap ng gate ng school namin.
Agad din naman na bumaba ang mga body guard at binuksan ang mga pinto. Naunang lumabas si Lola at Lolo. Sinalubong naman sila ng principal ng school namin. Sumunod naman si Claire at Hanna. Habang kami ni Chelsea ay nag tuturuan kung sino ang unang lalabas.
"Ikaw na mauna"
"Ayoko ikaw na"
"Ayoko nahihiya ako!!"
YOU ARE READING
Girlfriend for RENT [COMPLETE]
Roman pour AdolescentsA wealthy young man hires his beautiful classmate to pose as his girlfriend. At first the relationship is merely a business arrangement, but the sparks eventually become real. Copyright ©2022 All Rights Reserved