"May alam ba kayo kung saan madalas ng pupunta yung pinsan niyo?" Tanong ni Zach sa amin.
"Oo pero lahat iyon napuntahan na namin. Pero ni isang anino niya hindi namin nakita" Chelsea said.
"Pero diba, Ang sabi niyo umalis si Claire sa kanila ng walang nakakaalam kahit sino sa inyo" he asked.
"Yeah"
"Nasubukan niyo na bang puntahan yung park malapit dito? What if anduon siya?" He said.
"Bakit siya pupunta ng park?"
"To find peace of mind?" He said. Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga naman maaring anduon si Claire para mag hanap ng peace of mind dahil sa mga nangyayare ngayon.
"Oo nga no"
"Ano? Tara?" He said.
"Paano kung wala siya duon?"
"Wala namang masama kung susubukan diba?" He asked. Napatango nalang ako sa kanya at hinayaan siyang dalhin kami sa park na sinasabi niya.
Nag aalala na ako sa kanya. Masyado ng gabi at dama kong gutom na yun. Napabuga nalang ako ng hangin at nanahimik sa isang tabi. Sana naman ay anduon si Claire. Dahil hindi ko talaga mapapatawad si Louis kapag hindi namin nakita si claire.
"We're here" he said. Agad ko namang binuksan ang pinto ng kotse niya at lumabas na. Sobrang dilim ng paligid. Tanging ilaw lang sa park ang makikita mong nakabukas.
"Mag hiwa-hiwalay tayo para mas mabilis nating makikita si Claire"
"Sige kaming dalawa ni hanna dito sa kabila kayo ni Zach diyan sa pa diretso" Chelsea said.
"Ano?!"
"Oh! Bawal umangal kailangan natin mahanap si Claire diba?" She said. Napairap nalang ako sa kawalan at tumango nalang. Ngumiti naman sa akin sila Chelsea na halatang nang aasar lang bago umalis.
"Choosy ka pa! Gwapo na nga kasama mo" Zach said.
"Gwapo in your dreams. Diyan ka na nga"
"Naomi! Bakit nauuna ka? Alam mo bang may mga nag lalakbay na kaluluwa dito. Madami ding nababalita na may mga nag paparamdam daw dito" He said.
"H-Hoy! Hindi totoo yun. Wag ka ngang manakot"
"Totoo yun, Tignan mo pag lagpas mo diyan sa pangalawang upuan merong bubulaga sayo" he said.
"Hoy! Zachary tantanan mo yang kakagan-Ahhhh!!! Daga! Daga! Ahhh!!"
"Hoy! Ano? Anong nangyare sayo?" Naguguluhang tanong ni Zach sa akin.
"May Daga! Malaking Daga!"
"Huh?" Agad din naman siyang bumitaw sa balikat ko at tinignan ang kulay itim na hayop na nasa upuan. Napakunot ang noo ko ng biglang tumawa ng malakas yung kumag na kasama ko "HAHAHA ang laughtrip mo Naomi HAHAHA"
Pinalo ko naman si Zach bilang pag ganti kaya agad siyang napatigil at umubo "Sorry, Ang LT mo kasi hindi naman malaking daga yan eh. Pusang itim yan eh HAHAHA"
"Pusang itim?"
"Oo pusang itim" he said.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang Flashlight. Chineck ko naman iyon at tama nga siya. Pusang itim ito. Bakit ba kasi nagtatago sa dilim to.
"Oo nga pero-" Tinignan ko ang paa niya ng mayroon akong makitang sugat duon. "Zach may sugat siya"
Napatingin din naman si zach sa tinuturo kong sugat kaya agad niyang kinuha iyong pusa at kinarga. Nag pipiglas ang pusa ng subukan hawakan ni zach ang sugat.
"Nasasaktan siya, Gusto ko siyang ampunin kaso lang mukhang alagang pusa ito at baka may mag hanap"
"Do you like cat?" He asked me. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.
"Yeah sobra, Cute kasi nila eh lalo na kapag kuting palang"
"I see, If you want to adopt this cat. Take this kesa naman andito siya sa park at mag isa. May sugat pa siya" he said.
"Pero paano kung hanapin ng may-ari ito?"
"Hmm.. Edi isuli natin. Sa ngayon hanggat wala pang nag hahanap sa kanya ikaw muna ang mag alaga" he said. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. "Let's go? Kailangan na natin mahanap si Claire. Lumalalim na ang gabi baka hinahanap na din kayo"
"Okay! Tara na"
Kinuha ko sa kanya ang pusa at kinarga iyon. Iniingatan kong wag masagi ang sugat niya dahil baka bigla nalang siyang mag wala. Bukas na bukas dadalhin ko na ito sa Animals Center para ipagamot siya.
Nanlaki ang mata ko ng makita sila Chelsea kasama si Claire. Kaya agad kong ibinigay kay Zach iyong pusa at tumakbo para yakapin si Claire.
"Nag alala ako sayo Claire. Are you okay?"
"Yeah I'm fine now after what i saw in the internet. Oo nasaktan ako pero no choice naman diba. Wala tayong magagawa kung yun talaga ang nakatadhana" she said. Niyakap ko si Claire nang makitang may tumulo sa mata niya na luha.
"Magiging ayos din ang lahat okay! Alam kong gagawa ng paraan si Louis para maayos lang yung issue na yun. Alam mo ba sabi niya sa akin kanina nung tinawagan ko siya. Handa daw siyang kalimutan ang pag aartista para lang sayo. Kaya tinanong ko siya sabi ko sa kanya paano yung mga pangarap niya kung aalis siya. Tapos ang sabi niya sa akin. Isa lang daw ang pangarap niya"
"Ano?" She asked.
"Ang makasama ka habang buhay at palitan yung apelyido mo ng apelyido niya"
Napailing lang si Claire habang nakangiti. Pinunasan niya ang luha niya at tumingin ng diretso sa akin.
"Thank you!"
"You're welcome. I'm always here no matter what happen. Because we're family right?"
"Yeah"
Niyakap ko na ulit siya at hinawakan ang kamay niya. Tumingin naman ako kay Zach na nilalaro ngayon ang pusa.
"Woi zach! Tara na"
"Ah tara na ba! Sige akala ko hindi pa eh"
Umiling lang ako at kinuha ang pusa sa kanya. Ngayon ko lang nakita si Zach na makipag laro sa pusa. Akala ko dati puro pang aasar lang ang hobbies niya pero hindi pala nag kamali ako.
______________________________________:)
YOU ARE READING
Girlfriend for RENT [COMPLETE]
Fiksi RemajaA wealthy young man hires his beautiful classmate to pose as his girlfriend. At first the relationship is merely a business arrangement, but the sparks eventually become real. Copyright ©2022 All Rights Reserved