Chapter 24

30 3 0
                                    

"Sigurado ka ba?" Tanong sa akin ni tita louisa habang nasa sala kami.

"Opo tita, Sayang naman po yung condo na niregalo nila daddy sa akin hindi natatauhan"

"Okay sige, Desisyon mo naman yan eh. Bibisitahin ka nalang namin duon paminsan-minsan" tumango at ngumiti lang ako kay tita louisa bago nag paalam na aalis na.

"Frenny, Message mo lang ako kapag kailangan mo ng kausap ah" tumango lang ako kay Chelsea at ngumiti.

Ayoko man umalis sa puder nila tita louisa pero kailangan ko. Gusto kong makapag-isip ng mabuti. Gusto kong makalimot sa sakit na napagdaanan ko.

Isinakay ko muna ang lahat ng gamit ko bago sumakay at magmaneho paalis. Nag palit na rin ako ng sim card para hindi nila ako ma contact lalo na si zach.

Mabilis din naman akong nakarating sa condo kaya pinarada ko na ang sasakyan sa Parking lot at binaba ang mga gamit ko.

May lumapit din naman sa akin na isang employee ng condominium at tinulungan ako na maiakyat ang gamit ko sa Unit ko.

"Thank you"

"You're welcome ma'am"

Pinindot ko muna ang password ng keypad lock bago pumasok sa loob. Mabango at magandang condominium ang bumungad sa akin.

Gusto ko sanang isama si Chelsea dito para may kasama ako pero wag muna. Sa susunod nalang siguro. Simula ngayon kailangan ko ng matutong mabubay mag isa. Bukas pupunta ako sa bahay namin para bumisita. Meron pa kasi akong mga gamit duon na naiwan na hindi ko kinukuha para in case na balakin kong umuwe sa bahay pwede akong mag stay ng ilang araw duon.

Napaiyak nalang ako ng maalala ang nangyare kanina sa school. Kaya ko ba? Kaya ko pa bang humarap sa kanya dahil sa ginawa niya? Bakit kasi ang tanga ko. Hindi ako nag isip bago ako sumugal edi sana hindi ako nasaktan.

"Ang tanga mo naomi, Ang tanga-tanga mo"

Ang hirap mag mahal kapag alam mong pangalawa ka lang. Ang hirap panindigan yung nararamdaman kung alam mong pag dating ng araw talo ka pa rin.

Kung pwede lang maibalik yung dati. Sana hindi ko nalang siya nakilala.
______________________________________

:)

Girlfriend for RENT [COMPLETE]Where stories live. Discover now