ZAIRE POV
Lumipas ang mga buwan naging masaya naman kami mas lalo siyang nagiging clingy tapos Birthday pala ni Theo sa makalawa ano kaya ibibigay ko sakanya medyo napapansin ko rin lagi na siyang umaalis saan kaya siya pumunta.
"Tita Klein" saad ko.
"Bakit may kailangan ka zaire?" Tanong ni tita.
"Ano po ba magandang ibigay kay theo diba po birthday na niya sa makalawa" wika ko.
"Ok lang naman kay Theo kahit wala ka ng ibigay sapat kana Doon" tugon ni tita.
"Kung cake nalang po kaya?" Tanong ko.
"Oo nga cake nalang tutulungan kita para maganda" suhestiyon ni tita Klein.
"Kailan po ba natin sisimulan?" Tanong ko.
"Bukas nalang wala naman siya ngayon surprise nalang natin" tugon ni tita tumango nalang ako bilang tugon.
Asan na kaya si Theo gabi na wala pa rin siya saan kaya siya nagpunta baka may ginagawa hintayin ko nalang siya.
KINABUKASAN maaga akong kinatok ni tita Klein para makapali na rin kami.
"Tita ako nalang po bibili ng kakailanganin para sa birthday ni theo" wika ko.
"Sure kaba? Samahan nalang kita" tugon ni tita Klein.
"Nako po ako nalang po" wika ko at nag paalam na sakanya pagpunta ko ng mall ay nakasalubong ko pa si Recile ano kayang ginagawa niya rito.
"Recile!" Bati ko.
"O-oh anong ginagawa mo rito zaire?" Tanong niya.
"Bibili ng pang prepare sa cake na gagawin namin ni tita birthday kasi ni Theo bukas secret lang ha" tugon ko.
"Oo naman" masayang tugon niya.
"Asan pala si kiel bakit Hindi mo kasama?" Tanong ko.
"Wala raw sakanila sabi ng mama niya araw araw ngang wala Hindi na kami nakakabonding" nakanguso niyang wika.
"Ikaw ha! Gusto mo yung kaibigan ko hayaan mo support ko kayo" sambit ko at kinindatan si Recile.
"T-teka si Theo yun oh kasama si kiel" pag-iba ni Recile lumingon naman ako saktong nagtama yung mga mata namin ni Theo anong ginagawa nila rito bakit niya kasama si kiel.
"Theo!" Sambit ko.
"Bakit mo kasama si kiel?" Tanong ko tumingin naman ako kay kiel na Hindi makatingin saakin bakit kaya.
"N-nag k-kita k-kami oo tama nagkita kami" nabubulol na tugon ni Theo.
"Bakit kayo nagkita?" Tanong ni Recile.
"M-may pinakakuha kasi ako kay kiel birthday ko bukas diba" sagot ni Theo.
"Babe Tara samahan mo ako sa grocery" Aya ko kay Theo.
"Pass muna ako papahinga lang ako sa bahay mukhang masama kasi pakiramdam ko" tugon ni Theo nalungkot naman ako sa sinabi niya minsan na nga lang kami magsama.
"A-ah sige pahinga kana lang sa bahay" wika ko at nag force smile.
"Zaire ok ka lang?" Bulong ni Recile tumango naman ako at nginitian siya.
Nag grocery na ako at pagkauwi ko wala pa yung kotse ni Theo naka uwi na kaya siya.
"Tito naka uwi na po ba si Theo?" Tanong ko kay Tito Adrian.
"Ay pasenya na Hindi ko napasin" wika ni Tito.
"Sige po salamat" Saad ko at pumunta na ako sa kitchen.
"Hi tita! Andito na po ako" bati ko kay tita Klein.
"Tara na mag bake na tayo excited na ako sa bonding natin" masayang bati ni tita Klein.
THIRD PERSON POINT OF VIEW
KINAUMAGAHAN masayang binati ng mga tao si Theo at nagluto na sila ng mga handa niya habang si Theo ay nagpaalam muna na pupunta siya sa condo.
ZAIRE POV
"Punta muna ako sa condo" paalam ni Theo.
"Sama ako babe" wika ko.
"Ako nalang saglit lang ako Doon tapos babalik rin ako" tugon niya napapansin ko na Hindi na niya ako tinatawag na 'babe' pero isinawalang bahala ko nalang yun.
"Ah sige ingat ka doon ha" wika ko at nagsimula na siyang maglakad.
Naging masaya ang pagluluto namin ni tita at unti unti na rin dumadami ang bisita nila.
"Tita, Tito puntahan ko lang po si Theo sa condo niya" paalam ko.
"Sige bilisan niyo lang ha" tugon nila mabilis akong nakapunta sa condo niya habang papalapit ako sa unit niya para bang may mangyayari na Hindi maganda kaninang umaga pa ito Sana wala.
Ipinadala rin saakin ni tita yung cake na ginawa namin nagtataka ako kung bakit Hindi nakasara yung pinto niya Hindi naman nagbubukas yung na pinto niya pagkapasok ko ay wala siya Doon hinanap ko siya sa sulok ng condo niya wala rin pag akyat ko ng taas sa kwarto niya nagulat ako sa narinig ko may nag mo-moan.
I gathered all my strength to pull out my feet and get out of that place I can believe it,nung Friday lang nung binigay ko lahat and now may ka make out na sya.
Ng buksan ko ang pinto nagulat sila pati na rin ako nabitawan ko yung cake na dala ko bakit?.
"B-bakit?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"Z-zaire" sabay nilang saad.
BINABASA MO ANG
Loving my instantly enemy [BXB]
Mystery / Thrillerthere is a man who is a famous at the university, everyone is afraid of him because he is a bully. What if someone entered their university just studying and obedient to everyone, what would he do? let's see what their lives will be like..