16

363 25 3
                                    

Sab

"Ui, ikaw ba natutulog pa?"

"Kaia, wag talaga ako ang intindihin mo. Intindihin mo pano mo sasabihin kay Mommy at Atty yang sikreto mo!"

"Tse! Akala mo madali?"

"Well, mas madali ang umamin. At mas masarap yung sa kalooban Kaia. Take it from my experience."

Kaia rolled her eyes and went to the kitchen.

"Coffee?"

"Thanks."

"Sab, seryoso, mula nung bumalik ako, I never saw you had a day-off.Sobra sobra yang ginagawa mo."

"Ganun talaga Kaia, may anak na ako eh."

"Para namang pinapabayaan ka."

"Yun na nga eh, hindi ako pinapabayaan nila Mommy at Daddy kaya dapat hindi ko din pabayaan ang anak ko."

"Pero Sab, nag-aaral ka pa lang, take it easy."

"Ui gagraduate na ako no! Tsaka hindi pwedeng take it easy sa buhay ko."

"I know and very proud ako sa'yo. Kung ako ikaw baka di ko nagawa yan."

"Anong di nagawa eh tapos ka na nga ng MBA sa US. Tsaka di mo naman siguro gagawin ang pagkakamali ko."

"Pero alam mo namang pera lahat ni Attorney yun tsaka sa ating lima tayo ang halos parehas, parehas na alam nang mali, ginagawa pa."

I smiled at Kaia.

"Pero Kaia, masaya ka ba?"

"Saan?"

"Sa pag-aasawa?"

"Pssst! Ang ingay mo ha."

I smiled. Mukha naman syang masaya eh.

"Ano nga?"

"Truth? Okay naman. My in-laws love me, except for the lola pero si Mama, super duper love nya ako. She actually makes me like the feeling of being married."

I laughed.

"Anong nakakatawa?"

"Bakit parang mas mahal mo naman yung biyenan mo kesa sa asawa mo?"

At hinampas na nga ako ni Kaia. Haii nako, nag US na at lahat di pa rin nagbabago. Kaia's with me the whole afternoon, andoon din yung kinukulit nyang mabuti si Aya. While I do my work.

When Aya was born and her father left us without a single word, I did everything to get back on track. While I am studying, I take so many job so I can secure Aya's future. Hindi naman pwedeng si Mommy at Daddy pa rin ang bahala.

Tama si Kaia, never had a day that I rested. If I have free time, nagpapart time ako. There are jobs I do that my parents knew and there are those I opt not to tell them like me being a seasonal warehouse employee or me doing messengerial job and a lot more. There are days that I get sick so I will say I am finishing my school project pero ang totoo nagpapababa ako ng lagnat. I cannot afford to be sick, I cannot afford to lose even just 1 hour.

"Anong oras ka uuwi Sab?"

"Mga 10 pm pa siguro. Bakit Kaia?"

"Wala naman, ako na muna bahala kay Aya. Ikot lang kami sa mall."

"Hahanapin yan ni Daddy wag mo ilayo."

"I know."

Yeah, pwede kami mawalang lahat pero hindi pwedeng mawala si Aya sa paningin ni Atty Matteo Seigfreid o magkakagulo talaga. I remember when we brought Aya to the amusement park kasi ang gulo ni Ada, nalimutan naming magpaalam, ayun lahat kami napagalitan! Kasama si Ate at Myelle, pero higit sa lahat, ako! Eh ako nga Nanay kaya!

EnfetteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon