Ian
"Hi!"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Iinvite ko lang sana kayo lumabas."
"You can't bring Aya out alone."
"Kasama ka sana?"
"Are you out of your mind ha?!"
"Papa!Ready na po ako."
I smiled, ang ganda ganda ng Aya ko. Sobrang ganda, parang Momma nya. Pati ugali kuhang kuha. I smiled again, I remember the days.
"Anak, did you not tell your mother?"
Aya looked at her mother.
"Ma, sige naman na po."
"Diba sinabi kong hindi ha Aya?!"
Masakit yun ha! Pero expected ko naman talaga na NO itong request ko. Nagtaka ako nung nagokay si Aya masyado pala akong natuwa nakalimutan kong isiping hindi kailanman papayag si Sab.
I smiled. I already accepted this. Suntok sa buwan naman talaga ang request kong ito.
"Huwag ka nang magalit Sab, anak,Aya ko, kapag hindi pumayag si Momma, hindi pwede diba? Sinabi ko na yun sa'yo diba?"
"Ma, hindi po ba talaga pwede?"
I hugged Aya so this will end here. This will just stop and end here.
"Sige na anak, huwag na mapilit. Pumasok na kayo ni Momma mo sa loob."
"Pero Papa."
"Makinig kay Momma anak."
"Papa."
"Sige na, pasok na ulit. Kiss na lang ako."
Gusto kong umiyak at lumuhod kay Sab para pagbigyan ako pero hindi ko gagawin syempre. I will always respect her decision kasi ako ang mali. It will always be my fault so all the pain should be mine alone.
"Sige na anak ko, alis na si Papa. Ano na lang gusto mo? Bibili ako tapos dadalahin ko dito. Sige, itext mo na lang ha? Aalis na ako."
I skillfully smiled. I smiled like it's normal, I smiled like it's all okay. I smiled as if I am happy. I smiled even every second of that smile pierce my heart deeper and deeper.
I needed to just smile so everything will be okay. I feel like Sab's getting a little angry at ayaw ko yun kasi ayaw kong dahil sa akin mapapagalitan si Aya ni Sab.
"Papa!!!"
"Anak, go back."
"Papa, gusto ko yung day na promise mo today. Gusto ko po yung tayong tatlo nila Momma."
"Anak, pasok na kayo ni Momma mo sa loob please? Mangyayari pa din naman yun with your Momma and Appa. You can ask them so they can bring you to wherever you want. Tsaka mas magiging fun yun kasi kumpleto kayo tatlo. Later I will give you the tickets so you, Momma and Appa can go and enjoy the park."
"But Papa I want you with us."
"May mga bagay anak na hindi natin pwede ipilit, sapat na sa akin na alam kong mahal mo ako. Mahal ka din ni Papa anak, mahal na mahal. Diba you love Appa? I am sure you and Momma would make a lot of fun!"
I could not bear Aya's tears anymore so I try leaving. Nanghiram pa naman ako ng kotse kay Jun. But anyway, I will just buy three tickets and go back here.
"Adrianno."
"Siguraduhin mo lang na ibabalik mo kami agad."
I smiled, my heart jumped for joy.
Nagpunta kami sa isang amusement park, Aya is so happy and so do I. Pakiramdam ko, kahit papaano'y napuno ang puso kong ilang taong nangulila. I even had our family picture! Atlast! Me, Aya and Sab. The dream I always have.
Aya had so much fun. Ilang ulit nga syang sumakay sa carousel. Ang saya, ang saya saya. At sa sobrang pagod ni Aya, nagpabuhat na sa akin.
"Aya! Malaki ka na! Huwag na magpabuhat aba!"
"Hindi Sab, okay lang. Halika anak, bubuhatin ka ni Papa."
Buhat buhat ko lang si Aya hanggang kotse. Tinabihan sya agad ni Sab sa likod.
"When will be your wedding?"
"You are not invited!"
I smiled sweetly.
"I know."
Hindi na lang ako masyado nagsalita, ayoko namang galit na mukha ni Sab ang huling ala-ala ko.
Pagkapark na pagkapark ng kotse, ginising na ni Sab si Aya. Ayaw naman gumising ng anak ko. Nakangiti lamang ako.
"Huwag mo nang gisingin, bubuhatin ko na lamang hanggang sa kwarto nya."
Nung una ayaw pa ni Sab pero hindi naman nagtagal pumayag din sya. Nakakatuwa, hindi ko aakalain na makakatungtong pa ako sa bahay nila.
Pagpasok ko sa unit ni Sab, napangiti na lamang ako. Mukhang masaya naman ang bahay nila, mukhang walang kulang. May isa pa ngang malaking picture nilang tatlo, sumakit tuloy lalo ang puso ko, pero sa isang banda, mukhang mapapabuti naman sila. Tsaka kahit na maliit lang, may picture na din naman ako naming tatlo.
"Ibaba mo na lang sa kama, lilinisan ko pa yan."
I followed Sab. Lumuhod ako para mas malapit ako sa mukha ng anak ko. I was so drown to my daughter's sleeping face so I just whispered my last words for my beautiful baby.
"Sana anak, mas matagal pang pwedeng gawin ito ni Papa no? Sorry anak ha? It took me so long to be able to do this, it took so long that now I do not have a right anymore. Sorry anak, sorry because this would be the last time, the last and the only time. Mahal na mahal na mahal kita, sobra."
I kissed her head.
This might be the last, NO, this will be the last.
"Sab,.."
"Ano?"
"Thank you."
"Kung hindi dahil kay Aya hindi ako papayag."
I smiled.
"Alam ko naman. Heto nga pala, advance wedding gift ko."
Sab accepted the envelope.
"Una na ako."
Sab nodded. The love of my life.
"Sab, I sincerely wish for your happiness. May he love you more than I did. May you have a good family life."
I walked away from the dream that makes me alive. Now, I am nothing but a shell without a soul. Today, I am giving up everything for the love that was not meant for me.