Sab
"Sab!"
"Paulo wala kang kasing kulit."
"Alam mo nagbago ka nang talaga."
"Paulo wala lang ako sa mood."
"Grabe yung wala sa mood, buwan na yan ha!"
"Ayoko nga kasing mapagalitan ulit."
"Wow, natatakot ka na ngayon Sabrielle?"
"Kung alam mo lang yung huling galit ng Mommy ko, hindi ka makakangiti jan."
"Mommy mo nagalit?"
I rolled my eyes at him.
"Hindi nga Sab! Paano?"
How can I say that Mommy didn't get mad? It's me who's getting mad!
I was about to walk out when Jun offered me something.
"Sorry na. Ui Sab."
"Ano ba Jun?!"
"Eto, gusto mo?"
"Ano yan?"
"Puto pao tawag jan. Puto na may laman parang siopao."
I took 1 and eat. Masarap nga! Mukhang gusto ng baby ko.
"Masarap to Jun ah."
"Oo masarap."
"Pahingi pa."
"Oh."
Naubos ko agad yung isa pa kaya humingi ako ulit at humingi ulit.
"Penge pa."
"Di masyado matakaw no?"
"Damot mo naman."
"Wow, ako pa madamot eh halos ikaw na nakaubos!"
"Bakit ka galit?!"
"Ui! Umiiyak ka ba??"
"Damot mo kasi eh."
"Luh! nakakatakot ka nang talaga. Ako pa din madamot eh naubos mo na nga pagkain ko."
Hindi ko mapigilang maiyak, gusto ko pa talaga nung puto kanina.
"Hui Sab, Sab! Napakanaman neto oh!"
"Jun kasi!"
"Luh Paulo?! Ako ba may kasalanan."
"Jun! Anong ginawa mo kay Sab???"
"Hala! Wala Ian! Bigla na lang syang umiyak dahil sa puto."
"Puto?"
"Ayun oh, yung putong baon ko."
"Sab?"
Hindi ko mapigilan talaga ang pag-iyak ko kaya inilayo ako ni Ian. Ewan ko ba kung bakit ako ganito, iyak ng iyak! Nakakastress.
"Sab? may masakit ba?"
"Gusto ko pa kasi ng puto Ian. Yung ganong puto."
"Tahan na, bibilihan na lang kita."
"Gusto ko yung galing kay Jun."
"Sab, hirap naman nun."
Lalo akong naiyak.
"Sab?"
Naiinis ako kasi hindi ko mapigil yung iyak ko.
"Sab, tama na yan please."
"Gu-hu-sto ko pa ng pu-ho-to."
"Shhh. Sige na, ibibili kita, tahan na."
"Gusto ko si Jun bibili."
"Oo na, promise si Jun na bibili. Tama na Beb. Masama yan sa baby eh."
I tried calming down. Nung huminto ako sa pagiyak, bumalik na rin kami.
"Andito na yung OA, sya na nga umubos sya pa umiiyak."
"Jun ha!"
"Ay grabe! Kampihan??"
"Tumigil ka na Jun ha!"
"Okay fine. Grabe Sab, ako tuloy yung mukhang masama!"
"Bibili tayo ng puto pao na yun Jun mamaya ha! Kahit anong mangyari bibili tayo nun!"
Hindi na nakahindi si Jun. While we still went to class and pretend to study.
It was our class after lunch when I felt strange dizziness. Hilong hilo ako na hindi ko maintindihan. I tried keeping up but I can't.
I excused myself to go to the clinic pero di pa ako nakakalayo, natumba na ako.
I woke up hearing the murmurs of the people around me.
"Sab!"
"Si Ian?"
"Ay iba. Dalawa kaming andito si Ian hinahanap."
I rolled my eyes.
"Anong nangyari sayo?"
"Nahilo lang."
I sighed. This is getting out of hand.
"Oh! Dahan dahan Sab!"
"May sakit ka ba?"
I sighed.
"Wala."
"Sigurado ka ba?"
"Oo."
"Baka kasi may sikreto kang sakit kaya ka inaalagaan ni Ian, andito naman kami ni Paulo Sab, kaibigan mo din naman kami, kahit ganito lang kami marunong naman kami mag-alaga."
I went up sighed. Paulo helped me.
"Tsaka Sab, pangit tingnan na lagi kayo magkasama."
"Bakit naman?! Magkaibigan naman kami!"
"Magkaibigan lang kayo Sab, may girlfriend si Ian. Pangit talaga na kayong dalawa yung laging magkasama."
"Ha?!"
"Bakit parang nagulat ka?"
"Oonga Sab, lagi namang may girlfriend si Ian."
I wanted to cry! G@go talaga si Ian! Nakakabwiset sya! Nakakainis!
"Sab, kaibigan ka namin, makinig ka. Kaibigan din namin si Ian kaya please."
I walked out! Nakakagalit talaga!
"Sab!"
"Huwag nyo akong sundan!"
"Sab! Ano ba?!"
"Sabi ng wag nyo akong sundan eh!"
"Ano bang problema nyo?!"
"Ikaw! Ano bang problema mo?!"
I cried. Jun hugged me.
"Tahan na."
I appreciate my friends when they are being serious friends. Pero hindi ko alam bakit ayaw tumigil ng pag-iyak ko.
"Kalma na Sab."
"Bakit ka ba umiiyak?"
"Wala."
"Tigilan mo na yang pagmamahal mo na yan kay Ian."
"Anong sabi mo Paulo?"
"Alam naman namin na gusto mo si Ian, Sab, pero alam din natin na di uubra kay Ian. Si Adrianno yun Sab, bata pa lang tayo alam natin na lahat pinapatulan nya."
I nod. I am just so stupid believing him. Maaring gusto nyang panagutan ang baby but that excludes me.
