Sab
"Hui! Buntis ka na naman ba?"
Kaia looked at us.
I rolled my eyes mukhang buntis na naman itong kapatid ko. Pang apat na nya!
"Huwag na natin problemahin at may asawa naman si Kaia. Ikaw ang problemahin natin." Ate dismissed me
"Ako? Hindi ako buntis." Turo ko sa sarili ko.
"Hindi yon, ang tanong ko kung pumayag na ba sila Mommy at Daddy sa pagpapakasal nyo?" tanong ni Myelle.
I sighed.
"Mommy told me to think over and over. Wala naman syang pagkontra with words but her action seems otherwise. Si Daddy, he seemed so against it."
"Dad's like that," Kaia said
"Not to me." Myelle objected.
"Yeah, of course, Myelle's an exception!" Kaia said while eating the mangoes dipped in the fishball sauce. Kadiri maglihi 'tong si Kaia!
"Well, me too!" Isa pa tong si Ate! Yung squid ball ba naman ang isawsaw sa alamang?!
"Eh magpahuli ba naman kayong dalawa ni Kuya Theo! Natural manggagalaiti ang kahit sinong ama para ipakasal ang anak nya. Kasi ito ding si Myelle diba?"
"Wala naman talagang nangyari sa amin ni Adam noon!"
"Walang maniniwala Myelle."
Myelle rolled her eyes.
"Oh wag nyo sabihing itong si Sab ay iniisip pa din ni Daddy na very modest and radiant in purity?? Eh halos sa iisang bahay na nga sila nakatira eh."
"Wow Kaia! Ikaw na malinis."
"Pero alam nyo kasi ang hindi ko malaman anong issue ni Daddy kay Andrew? Mabait naman yung tao, sobrang bait na never pa nagalit, responsable to the point na hindi nya anak pero inako nya na parang kanya, magalang naman sya, matulungin. I really can't just find a reason not to accept him as a son-in-law. Even Daddy's being a jerk to him, Andrew can still treat Daddy with utmost respect, so I don't get it."
"Perfect sya."
"Wow naman Ada, kasali ka pala."
"Bakit ba kayo, ako na lang dapat kinausap mo dito Sab."
"Hindi ka nga nagsasalita kanina! Kung di lang ubos yang paella negra mo na yan na good for three pero ikaw lang ang kumain."
"Oh eh eto na nga kasi wala pa yung order ko ulit kaya rereact na muna ako, ang perfect naman kasi masyado ng jowa mo. Baka kaya ayaw ni Atty!"
"Haii nako Ada!"
"Oi, di mo ba naiisip, sa kanilang lahat yang jowa mo yung di faulty? I mean Dad loved Adam the most because he's the most natural gago of all. Second na lang yung mga asawa netong dalawa."
"Ada! Grabe ka sa asawa ko ha."
"Bakit si Adam naman talaga ang pinakagago noon, very changed man na nga lang sya."
"Hui ang asawa ko din ha."
"Oo na, oo na. Tapos tanda mo nung isang araw? Daddy's okay with Ian! Eh isa pang gago yun. Imagine, pinagdinner pa ni Daddy! So ayun nga Sab, you know that drill."
"Daddy's okay with Ian?"
"Walang barilang naganap?"
"Hindi sinaktan ni Daddy si Ian, Ada?"
"Hindi, kaya nga nanggagalaiti itong si Sab. Si Ian, okay kay Daddy pero si Andrew mukhang hindi."
I just shooked my head. Pagsisisihan ko na ba na nagbayad ako ng overnight dito sa Tagaytay para sa mga kapatid ko eh heto't wala naman akong makuhang matinong mga sagot?