10

320 23 4
                                    

Sorry 1 month na pala yun. Hindi ko napansin, I got so busy with everything around me. Anyway, Enjoy this update :) Have a blessed Holy Week!

Sab

My parents did not allow me to completely live with Ian but I can stay with him during some weekends as part of the deal. Now that I am on my 7th month, mas naging excited ang lahat. We also learned that the baby would be a baby girl and Ian's so delighted.

"Beb, ang tagal ko nang hindi nakikita sila Jun."

"Busy lang Beb."

"Busy? Si Jun?"

"Oo Beb, madaming ginagawa kasi."

"Eh bakit ikaw?"

"Anong ako?"

"Bakit parang wala ka namang ginagawa?"

"Tinatapos ko na sa school Beb, para kapag weekends, sa inyo ako ni Baby nakatutok."

I smiled. I never thought he'll be like this.

"Beb, anong gusto mong pang ulam?"

"Kahit ano na lang jan."

"Osige, may manok pa Beb, ito na lang."

"Beb, turuan mo ako magluto!"

"Hindi na, umupo ka na lang jan."

"Tsk."

"Hindi mo na kailangang matutong magluto Beb, I will always always be the one to cook."

I clung to him.

"Pero Beb, kapag naging Architect Adrianno Romulo ka na, hindi na pwedeng mapagod ang kamay mo."

Ian did not answer, he was just looking at me.

"Oh c'mmon Beb, be positive, magiging Architect ka kahit anong mangyari! Ikaw ang tutupad sa pangarap natin. Okay?"

Ian smiled.

I opened the refrigerator then the grocery racks.

"Beb? Parang wala na tayong supplies?"

"Wala na ba?"

Ian smiled.

"Wala na nga!"

"You don't have groceries before today?"

"Meron Beb, naubos ko lang ng di pinapansin."

"Maglilista ako ng kailangan natin."

I list down all items we need.

"Beb, eto na."

"Okay thanks Beb, mamamalengke ako. Anong ipapabili mo?"

"Wala."

"Wala?"

"Sasama ako."

"Pero diba nahihilo ka kahapon?"

"Okay na ako."

"Pero Beb."

"Ayaw mo akong isama?"

"Beb mainit nga."

"May iba kang idadate??!"

"Haii nako ang pinakamamahal ko naman talaga. Sige na sige na."

"Sama na ako?"

"Haii, alam mo namang wala akong panalo sayo diba?"'

I smiled. Hindi naman pwede na si Ian lang ang marunong, na si Ian lang ang gagawa ng lahat, na si Ian lang naghihirap. We should be together.


Ian

I sighed. Hindi ko naman naisip na magbubuklat si Sab sa kusina. I honestly am not buying anything for myself. I just buy canned goods nor instant noodles to fill my hunger. I really don't cook or shop for groceries kaya lang, wala na, nahuli na ako ni Sab. I just have supplies every weekend kasi andito sya.

Unfortunately, nagpilit pa na sumama si Sab sa pamamalengke kaya kailangan ko talaga mamili. I will just make sure pwede pa ito until next weekend.

It was pretty hot. Sa mall na sana kami pupunta pero ayaw ni Sab kasi nga di hamak naman talagang mas mahal sa mall.

"Beb?"

Sab is holding my arms tighter so I looked at her. Mukhang di maganda ang pakiramdam. Tsk. Sinasabi ko na kasing wag sumama eh.

"Beb, mainit. Sabi ko naman kasi sayo wag ka na sumama eh."

Sab weakly smiled.

"Okay ka lang ba Beb?"

"Sorry naiinitan lang talaga ako Beb, nahihilo ako."

"Uwi na lang tayo Beb?"

Before she can even say a word if we are heading back home when she suddenly fainted.

"Beb? Beb? Sab, Sab!"

Sab collapsed! Sobrang takot ko! Hindi ko alam anong gagawin ko pag may nangyaring masama sa mag-ina ko. I immediately brought her to the hospital.

I cannot seat, I was walking non-stop. 7 months na si baby sa tyan ni Sab! Hindi pwedeng hindi sila maging okay! Konti na lang!

"Ian relax, calm down."

"Ate Ysa."

Ate Ysa smiled and tapped my shoulders.

"Okay lang naman si Sab, just that she's anemic kaya sya nahilo at nagfaint. I am assuring you, she's okay, the baby's okay."

"Pero Ate."

"Normal yun sa pregnancy ng mga ka-age nya."

"Okay lang ba talaga sya Ate?"

"Yes, she'll recover in no time pero kailangan dito muna sya sa ospital."

"Maadmit po sya?"

"She needs to be checked. Alam mo naman na hindi papayag si Mommy na uuwi si Sab na hindi sure."

"Opo. Thank you."

"You can go to her room now, tulog pa nga lang siguro si Sab."

I nod. Sandali lang dumating na din yung Mommy ni Sab. Nagpaalam ako sandali para maibili ko ng pagkain si Sab at naisipan kong dumaan sa billing.

As of this time, the bill is already 22,000 pesos. Lab at ER pa lang, may kwarto pa, may mga meds, may doctor. How can I ever provide everything? I can only earn so much. Hindi ko naman pwede iasa sa pamilya nya ang lahat lalong hindi sa pamilya ko. I am responsible both to Sab and the baby so I needed to earn more. I should. Now, I needed to choose. My present or my future.

EnfetteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon