Sab
"Sab! Kanina pa kita hinahanap."
"Huh? Kanina pa ako andito talaga."
"Kumain ka na ba?"
"Tsk. Parang ayaw ko ng amoy ng canteen Ian."
"Eh saan mo gusto?"
"Sa Jollibee."
"Eh tara."
"Wala akong pera."
"Sinabi ko bang ikaw magbabayad? Halika na."
"Ihhh! Ililibre mo ako? Ikaw??"
"Hindi ikaw ang papakainin ko Sab, yung baby ko."
"Edi wow."
"Halika na, bawal magutom yung baby ko."
I sighed. Ever since he knew I am pregnant, he decided to be responsible of what happened to us. Though a big part of me is so afraid of the future, may parte sa akin na nakakaramdam ako ng security because of Ian and happiness, sumisipa na siguro kasi yung motherly instinct ko.
Ian is striving so hard to make it up for me. Maybe, he wants his child to have a better home. Better than what he used to have.
"Anong gusto ng baby ko?"
"Ako ang kakain talaga."
"Oo papadaanin ko lang sayo syempre."
I rolled my eyes.
"Chicken joy tsaka Chicken soup."
"Ilang kanin?"
"Ayaw. Gusto ko spaghetti."
"Sopas at Spaghetti??"
"Ibibili mo ba ako o babalik na lang ako sa school?"
"Tsk. Napakainitin naman talaga ng ulo oh. Wag ganyan baka magaya si baby."
"Ito ang ingay mo ha."
"Sorry na, sorry na. Ito na bibilihan na kita."
Ian went to the counter and bought me what I want, habang sya isang burger lang.
"Bakit yan lang sa'yo?"
"Hindi naman ako gutom."
"Sinungaling."
"Promise. Sige na kumain ka na."
I sighed.
Ian is a working student. Sa totoo lang hanga ako sa tatag ng taong ito. He's his parent's only child because both of them remarry and had their own families. Si Ian, he lives by himself and was given only allowances from both of his parents. Actually, they don't care anymore on how will he live.
Naguguilty tuloy ako kung bakit pa ako nagyaya sa jollibee, mukha tuloy wala na syang pangkain mamaya.
"Sab, alam ko iniisip mo."
"Ang galing mo naman. Ano ka mind reader?"
"Basta wag mo na lang ako intindihin ang intindihin mo paano magiging healthy si baby hanggang mapanganak mo."
I took a deep breath.
"Wow! Nagdate ba kayo?"
"Lumayas ka sa harapan ko Paulo ha!"
"Ay ang sungit! Meron ka pa rin??"
"Paulo!"
"Oh bakit pati ikaw galit??"
"Ang kulit mo kasi. Tara na."
I sighed. Ang hirap naman ng ganito kailangan ko muna kasi ang umiwas. For now, ayokong may ibang maka alam, I need to buy time. Alam ko na masasaktan ko ang mga magulang ko, lalong lalo na ang Daddy ko. Isa pa nahihirapan akong mag-isip ng gagawin ko.
Ngayong buntis na ako, hindi pwede yung kagaya ng dati na umaasa lang ako kay Mommy at Daddy. Kapag nanganak ako, ako na dapat ang responsable sa amin ng anak ko. I need to finish my studies but I need to earn money. Sa magiging sitwasyon ko, di ko na kayang tapusin itong Architecture, hindi ko na rin kayang pumasok sa TAPU dahil napakamahal ng tuition. Unlike Myelle, hindi ako sobrang talino para offeran ng scholarship.
"Sab."
"Hmmn?"
"Hatid na kita."
"Mag-usap muna tayo Ian."
"Saan?"
"Doon sa park sa tapat ng University Hospital."
"Tara."
"Okay ka lang ba?"
"Umupo ka muna."
Ian take the seat beside me.
"Anong plano mo?"
"Anong plano?"
"Ian, hindi pwedeng ganito tayo. Hindi pwedeng wala tayong plano."
"Ikaw ba?"
"Magiinquire ako sa ibang school. After this semester malamang tumigil muna ako kasi lalaki na yung tyan ko. Magwoworking student ako after ko manganak."
"Sab, hindi mo pwedeng ihinto ang pangarap mo."
"Ian, hindi ko ihihinto. Ipagpapatuloy ko. Ngayong andito na ito, ang pangarap ko na lang maging mabuting Mommy nya."
Ian sighed.
"Titigil na ako sa pag-aaral Sab. Magtatrabaho ako para sa inyo ng baby."
"Ian, hindi mo kailangang gawin yun."
"Pero Sab."
"Ian, alam ko na willing kang gawain para sa baby natin pero hindi ako kasali, Ian, hindi malilimit ang buhay mo dahil magkakaanak na tayo. Magkaibigan tayo hindi---"
"Mahal kita Sab."
"Ian, hindi mo kailangang sabihin yan."
"Mahal kita, totoo yun. Hindi ko naman pangarap maging Architect, pangarap mo yun kaya yun din ang kinuha ko. Elementary pa lang ata tayo mahal na kita, pero ayaw ko namang masira ang pagkakaibigan natin, ayaw kong iwanan mo ako."
"Ian."
"Sabi ko sa sarili ko, maghahanap ako ng tamang panahon para masabi lahat ito, hindi man ngayon yung tamang panahong hinintay ko, gusto kong malaman mong gagawin ko ang lahat para sayo at sa anak natin. Gusto ko ring linawin sayo na hindi ko intensyon ang nangyari, hindi ko kailanman gugustuhing sirain ang future mo."
"Ian."
"Ngayong buntis ka na sa baby natin, mukhang malaki na ang chance ko na manligaw sayo."
"Ian!"
Ian laughed.
"Isa lang ang hiling ko Ian, kung ano man ang nangyayari at mayroon sa atin, wala na sana munang ibang makaalam."
![](https://img.wattpad.com/cover/298826668-288-k591514.jpg)