Prologue

91 4 0
                                    

Prologue

I was standing in the middle of the school yard. Hawak ang isang walis tingting at dustpan naman sa kaliwa kong kamay. Pinagpapawisan ako ng malagkit, habang ang buo kong katawan ay naglalabas ng init. Ang balat ko ay kanina pa mahapdi pero hindi ko na lang pinagtutuunan ng pansin. Paano ba kasi ako napunta sa sitwasyon na ito?

"Piste talaga ang lalaking 'yon! Kapag makita ko talaga siya titirisin ko siya nang pino!" gigil kong sambit, maski ang pagwawalis ko ng mga dahon ay may galit.

Kung hindi sana dahil sa magaling kong boyfriend, hindi ako mapupunta sa gitna ng initan at nagwawalis ng mga pinagkakalat nila ng mga barkada niya. Ang masama pa'y ako ang itinuro nila kay Mrs. Ramirez na nagkalat. Matik ba naman ang inis ng teacher ko na 'yon sa akin, hidni ko alam kung bakit ang init ng dugo sa'kin. pinaglilihan siguro ako, buntis kasi.

"Callista! Baby!"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa walis tingting, handa na para hampasin ang boyfriend ko na kung makatawag ng baby, e akala niya bati kami. Hindi pa siya nakalalapit, agad na lumipad ang walis tingting sa kanya, sapol sa dibdib.

"Aray! Baby, ba't mo naman ginawa 'yon?" tanong niya nang makabawi mula sa pagkakabagsak ng walis tingting sa dibdib niya.

Tulad ko, pinagpapawisan din siya ng sobra.

"E, ang gago mo! Ba't niyo ako pinagbintangan na nagkalat dito? Ang bait mo namang boyfriend, ano?" naiinis ko pa ring sambit, sabay pulot ng walis tingting. "Saka ano'ng ginagawa mo rito, ha? Kung tutulong ka, pwes tapos ko nang walisin ang kalat niyo!"

Nakaka-highblood naman ang magka-boyfriend. Akala ko talaga mababawasan ang problema ko sa buhay at mga isipin sa bagay-bagay, pero mukhang mas nadagdagan pa! Sakit sa ulo, sakit din sa puso! Double ang resulta.

"Ito nagagalit agad. Sorry na baby, hindi naman ako ang may kasalanan. Si Vicente naman kasi ang nagsumbong. Nasa rest room ako kanina, huli ko nalaman nandito ka." Hinabol niya ako, nakikiusap ang malumanay niyang boses, na nagpapahina ng piste kong puso.

Ang weak naman talaga pagdating kay Jones Garcia.

Jusko! Ang rupok mo Callista!

Huminto ako sa paglalakad kaya niya ako nahabol. Namumungay ang mga mata niyang tumingin sa akin. Nanginginig ang mga braso nang inabot ang isang palamig at siopao sa harap ko. "Sorry na baby. Please? Ito nga oh, binilhan kita ng pagkain. Pambawi man lang sa pag-iwan at pagiging iresponsable ko."

Padabog kong dinampot ang inabot nuyang pagkain at naglakad muli. "Dalhin mo 'yang dust pan saka walis tingting." Nilingon ko siya at ginawa niya naman. "Isa pa, bakit baby ka nang baby riyan? Sino na naman ang nagpauso niyan?"

"Si Mico. Iyon daw kasi ang famous endearment," sagot niya, ang lapad ng ngisi na akala mo'y natutuwa ako sa sinagot niya.

Umirap ako. "Kay Mico mo na naman kinuha, wala namang alam iyon sa buhay at palagi tayong pinagtitrip-an."

Sumabay na siya sa akin sa paglalakad. "Sorry na, Calli. Alam mo naman na kasi kung bakit."

Inilingan ko na lang siya. Hindi ko rin naman kasi siya matiis. Kahit ang cringe pakinggan ng baby at ang awkward kung may makarinig, ayos lang. Iyon naman kasi ang munting kasiyahan ng isang Jones Garcia.

Isinauli na nga namin ni Jones ang walis tingting at dustpan sa pinagkunan kong room ni Mrs. Ramirez. Sakto at mamaya wala na kaming pasok, alas kwarto nang hapon ang uwian namin.

"Ano'ng oras ang uwi mo mamaya?" tanong niya habang papunta kami sa cafeteria, hahanap lang talaga ng pwesto para makain ko na ang binili niyang pagkain.

Nang makahanap, agad niya akong pinanghila ng upuan. Napatingin tuloy ako sa kanya, saka pinaningkitan ng mga mata. "May nagawa ka na namang kalokohan ano?"

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makatingin sa akin nang deritso. "E, kasi, baby–"

"Stop calling me baby." May gigil at pagbabanta sa boses ko, pero pabulong iyon. Ayaw ko namang marinig ng mga kasabayan namin sa loob ng cafeteria.

Pakiramdam ko mas uminit pa lalo ang pisngi ko nang makita kong ngumisi si Jones. Pinagti-trip-an talaga ako ng isang 'to.

"Wala naman kasi, Calli. Bumabawi lang dahil sa kanina."

"Oo na, kumain na tayo."

Hindi na ako kumontra pa sa kanya, hinayaan ko na lang. Tutal, wala namang patutunguhan ang galit-galitan ko sa kanya, dahil talagang mas magkukulit pa siya.

Magka-same kami ng course, fine arts. Kaso magkaiba ng section; nasa section one siya, ako sa section two.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina," puna niya nang malapit na kami sa room ko.

"Alas kwatro ang uwian namin. Hintayin mo na lang ako sa library," sagot ko na ikinatango niya, ang laki na naman ng ngisi. "Ang saya mo."

Umiling siya saka pinisil ang pisngi ko. Kitang-kita ko kung paano kuminang ang mga mata niya sa saya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong kinabahan, natahimik ako at tumikhim. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya.

Ang mga nasa paligid biglang bumagal. Kami lang dalawa sa hallway, magkatitigan at ang pakiramdaman.

Ngunit bigla kong nahugot ang hininga nang may biglang umakbay sa akin. Kumurap-kurap ako, natagpuan ko ang aking sariling nakaupo sa isang sulok ng room. Nag-iingay ang mga kaklase ko dahil sa sobrang lakas ng ulan sa labas.

Nilingon ko ang umakbay sa akin, nakita ko si Charie. Kunot ang noo, may pag-aalala sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Ayos ka lang ba, Cally? Kanina ka pa kasi tulala."

Tumango ako bilang sagot, kahit hindi ko naman talaga alam kung ayos ba talaga ako.

Inabot ko ang aking bag at payong na itim. Tumayo mula sa pagkaka-upo.

"Cally! Ang lakas ng ulan sa labas!" Pinigilan ako ni Charie, pero hindi ako nagpaawat.

"Naghihintay sa akin si Jones sa cafeteria..." bulong ko, ewan kung umabot kay Charie.

Mabilis akong lumabas ng room, habang lakad-takbo ang ginawa ko. Basang-basa na ang itim kong sapatos. Pero wala akong paki-alam. Sunud-sunod ang kulog at kidlat sa kalangitan, ang lakas din ang buhos nang ulan. Ngunit lahat nang 'yon, hindi ko binigyang pansin.

"Jones!" sigaw ako nang sigaw sa hallway papuntang cafeteria.

Wala akong makitang estudyante, wala man lang akong nakasalubong kahit ni isa. Sobrang linis ng paligid, tanging ulan lamang at ingay ng langit ang aking naririnig. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng dibdib ko. Umiiyak. Takot sa isang bagay na wala naman akong alam kung bakit.

"Jones..." Humina ang aking boses.

Nakita ko siyang nakatayo sa gitna ng ulan, naghihintay sa akin malapit sa cafeteria. Pero habang papalapit ako sa kanya, siya namang unti-unting paglaho niya. Kasabay niya ang paglipad ng aking payong na hawak.

Raining with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon