Chapter Fourteen

12 1 0
                                    

Hindi ako iniwan ng tatlo at naghintay rin sila. Nasa loob kami ng kotseng apat habang nakatingin sa harapan ng gate. Nabilang ko na yata ang lahat ng numero pero wala pa rin ang mama ni Jones. Nawawalan na rin ng pasensya at pag-asa ang mga kasama ko.

Bumili sina Charie at Vicente ng pagkain sa bukas na seven eleven sa hindi kalayuan. Madilim na pero maliwanag pa rin dahil sa mga street lights. Alas siyete ng gabi at halos siyam na oras na kaming naghihintay.

"Callista," tawag sa akin ni Mico mula sa front seat.

Nakapikit ako ng aking mga mata at napagkasunduan namin na siya na muna ang tumingin sa labas, at ako idlip muna saglit.

"Bakit?" walang gana kong sagot. Hindi naman dahil sa boring siyang kasama, kundi dahil sa nawawalan na naman ako ng pag-asa.

Nilibot na rin niya at Charie ang buong barangay kanina pero wala man lang nakapagsabi sa amin kung saan ang mama ni Jones. Iisa lang daw ang sagot sa kanila, at iyon ay babalik din daw ito sa bahay.

Kaso sa loob ng siyam na oras, unti-unti na akong nawawalan ng pasensya, tulad ng mga kasama ko. Pero kung sumasagi sa isip ko si Jones nagkakaroon na naman ako ng lakas at desidido na naman ulit na maghintay sa mama niya.

Tumingin siya sa akin nang dumilat ako. Seryoso ang mukha niya, at mukhang may itatanong sa akin. "Nagmumulto ba sa 'yo si Jones?"

Napatayo ako nang maayos. Akala ko hindi na niya iniisip ang tungkol sa bagay na 'yon, pero mukhang seryoso niya talaga ang palusot niya kanina kay Vicente.

"Naniniwala ka ba talaga riyan, Mico?" balik tanong ko sa kanya.

Pinag-iisipan ko pa kung sasabihin ko sa kanila ni Vicente tungkol kay Jones at sa monsoon count. Baka sabihin ko sa kanila ay hindi rin nila ako paniwalaan tulad kay Charie. Ayaw kong isipin nila na tuluyan na talaga akong nababaliw.

"Siguro? Kasi noon nagpakita sa akin ang kapatid ko," sagot niya.

Napansin ko ang pagkapaos ng kanyang boses nang banggitin niya ang kapatid. Nakasalubong ang aking dalawang kilay. Hindi ko inaasahan na sasabihin 'yon sa akin ni Mico. Hindi naman kasi kami close at naging magkaibigan lang noon dahil kay Jones.

"Nagpapakita ang kapatid mo sa 'yo?"

Lumingon siyang muli sa akin. "Pwede sa labas na natin hintayin ang dalawa?"

Pumayag naman ako sa gusto niya. Lumabas nga kami ng kotse at umupo sa harapan. Akala ko ayaw na niyang ituloy ang pagkukuwento kanina, pero tinuloy na niya nang sa labas na kami.

"Noong hindi pa nagfo-forty days ang kapatid ko nagpakita siya sa akin. Kaya naniniwala ako sa multo na 'yan. Kaya kita tinatanong kung nagpapakita ba sa 'yo si Jones?"

Huminga ako nang malalim. "Oo, sinabi ko na rin kay Charie, kaso ayaw niyang maniwala."

"Kaya ba sinabi mo sa amin noon ni Vicente na buhay si Jones? Na nagkita kayo noon sa milk tea shop at naroon kami?" tanong niya, pinaalala ang araw noon nang tanungin ko sila kung nakita ba nila si Jones na kasama ko.

Bilang sagot tumango ako. "Hindi ko rin alam noong una kung ano ang ibig sabihin no'n, hindi ko naisip na multo na pala 'yon ni Jones. Kaya naisip ko na baka nababaliw lang ako."

Tinapik niya ako sa balikat. "Pasensya ka na sa araw na 'yon, Cally. Galit lang talaga kami no'n sa 'yo. Pasensya ka na rin kung ikaw ang sinisi namin sa nangyari kay Jones. Pero nitong mga nakaraang araw napagtanto namin na wala kang kasalanan. At hindi magugustuhan ni Jones kapag malaman niyang ikaw ang sinisisi namin sa pagkawala niya."

Ngumiti ako saka nag-thumbs up. "Ayos lang 'yon. Hindi ko naman kayo masisisi sa naisip niyo tungkol sa akin. Naiintindihan ko."

Natanaw namin si Vicente at Charie na papunta na sa aming puwesto.

Raining with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon