Chapter Eleven

15 1 0
                                    

Pinagbawalan na muna ako ni mama na gumawa ng gwaing bahay. Kaya ang ending, nasa kwarto ako at nakahiga buong maghapon. Pinag-iisipan ko nang mabuti ang mga nangyari nang nakasama ko si Jones bago ako nagising sa hospital.

Kung ang monsoon count ang tawag sa nurror world ng real world, ibig sabihin hindi lamg si Jones ang tumatawid para gawin ang mga unfinished business ng isang tulad niyang multo, kundi marami siyang kasama. Kung ang pagsagawa ko ng ritwal marami rin ang nakalabas ng gabing 'yon at nabigyan ng pagkakataon.

Ngunit ang kapalit, nabawasan ang araw ng pagkakataonnni Jones para tuparin ang mga gusto niyang gawin.

Napapikit ako nang mariin saka napabuntonghininga. Hindi ko naman alam na totoo pala ang nasa website na 'yon, at hindi ko alam na ganoon pala ang consequences na mangyayari. Kung alam ko lang ay hindi ko na sana sinubukan, naghintay na lang sana akong umulan. Kaso kanina ko lang nalaman, at dahil sa ginawa ko nasaktan at nadismaya ko na naman si Jones.

Hindi man niya sinabi 'yon sa akin, ngunit alam ko na iyon ang nararamdaman niya.

Napatayo ako sa aking kama. May sumagi sa aking isip matapos pagtagpi-tagpiin ang mga sinabi sa akin ni Jones.

"Kung magbubukas ang monsoon count at uulan, ibig sabihin makakapasok sina Jones sa monsoon count ang mirror world ng real world. Doon nila gagawin ang mga bagay na gusto nilang gawin. Ibig sabihin may mga replika rin kami roon? May kamukha ako roon na siyang gagamitin ni Jones?!"

Napalakad ako nang pabalik-balik habang kinakagat ang aking kuko sa hinlalaki. "Kapag ba nagawa ni Jones sa mirror world, mangyayari din ba 'yon dito sa real world? At paano niya ako nadala sa monsoon count kung hindi naman ako multo?"

Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa mga isipin na sumasagi sa isip ko. Kinuha ko ang aking notes saka roon inilagay ang mga katanungan na itatanong ko kay Jones sa sunod naming pagkikita. Hindi pwedeng maiwan na lamang ang mga tanong, kailangan ko ng kasagutan sa mga 'to.

Binuklat ko ang page four kung saan nakasulat doon ang mga goals na gustong gawin ni Jones. Nawalan na naman ako ng pagkakataon na tanungin siya. Hindi bale at ang isa sa nakalista rito ay natupad na rin.

Bumalik na naman sa akin ang mukha niya kanina habang kinakanta ang kantang gawa niya para sa akin. Ibinigay niya pa sa akin ang huling piyesa na siyang kukumpleto sa kanyang kanta na iniwan dito sa real world. Ngunit saan ko iyon mahahanap?

"Pupuntahan ko ba sa bahay nila? Saka saan ko ang papel na binigay niya sa akin bago kami sumayaw?"

Napadako ang tingin ko sa aking bag at agad na tumungo roon. Hinalungkat ko ang laman ng aking bag na dala noong nagkita kami. Naroon ang yellow ko na payong, isang bote ng asin na kalahati na ang laman at isang papel na piraso

Kinuha ko iyon saka binuksan, ito na nga 'yon. Iginala ko ang aking paningin sa buong silid at napadako ang mga mata ko sa kahon na nakalagay sa ilalim ng aking study table.

Lumapit ako roon saka walang pagdadalawang-isip, at agad kong sinira ang duck tape. Ito na rin siguro ang pagkakataon para makita kung ano ang mga laman no'n. Ang hinuha ko, ang laman ng kahon na 'to ay ang nga gamit na binigay ko kay Jones, mga regalo ko sa kanya at kung anniversary ir monthsary man namin.

Sumalubong agad sa akin ang aming picture frame na dalawa. Binigay ko 'to sa kanya noong first anniversary namin. Nasa photo booth pa kami nito ng school noong valentine's day. Ito yata ang first picture namin in a relationship na nag-celebrate ng valentine.

Kinuha ko rin doon ang isang key chain guitar. Binigay ko 'yon sa kanya noong first monthsary namin. Nakaukit pa roon ang initials niya. J.G. Tuwang-uwa pa siya at pinagyabang kina Mico at Vicente ang binigay ko.

Raining with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon