Kanina pa ako nakatayo habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Hinihintay ko ang tawag ni Jones. Nag-away kaming dalawa kanina sa chat, nagkasagutan at ini-block ko siya sa messenger at Facebook. Pero hindi ko naman ini-block ang mobile number niya sa cellphone ko. Kaya pwedeng-pwede niya akong tawagan kapag gustuhin niya. Ngunit mukhang wala yatang balak ang isang 'yon, at hinayaan na lang ako.
Paano ba naman kasi hindi siya nagpaalam sa akin na aalis pala sila ng mga barkada niya. At hindi niya man kang sinabi sa akin. May ginanap na outing ang section 2 dahil sa late celebration ng adviser nila. Alam ko na maraming nagkakagusto kay Jones mula sa mga kaklase niya, kaya hindi ako mapakali na nandito lang sa bahay at wala man lang ginagawa. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari doon sa kanila. Mas lalo akong nagpa-panic, at kung ano-anong negatibong mga senaryo ang pumapasok sa isip ko.
Tumayo ako sa aking kama saka pabalik -pabalik na naglakad, habang kagat-kagat ang aking kuko.
"Shit naman Jones, tumawag ka man lang o mag-text! Nakalimutan mo na ba ako? Hindi mo na ba ako naalala dahil abala ka sa outing niyo?!" kausap ko sa picture niya na nasa aking study table nakapatong.
Umupo akong muli saka ako na mismo ang nag-text sa kanya. Pinapatawag ko siya sa number ko at gusto ko siyang makausap. Noong isang araw pa ang away naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit kasi pinapalala ko pa ang sitwasyon, ang alam ko lang galit ako sa kanya at naiinis.
Nahuli ko kasi ang isa sa mga kaklase niyang babae na nakipag-usap sa kanya nang dumaan ako sa hallway. Alam naman niyang selosa ako, at ayaw kong may umaaligid sa kanya, kaso kinausap niya pa rin at ini-entertain. Alam kong sobrang overacting ko at hindi naman tama ang pagkababakod ko kay Jones, pero hindi ko taga mapigilan.
Ayon isang araw ko siyang hindi pinansin. Senoyo niya ako at nakipagbati naman ako sa kanya, kaso nag-away na naman kami dahil sa hindi niya pagpapaalam sa akin.
Pumutok yata ang ugat sa ulo ko, at maging ang dibdib ko ay gusto nang sumabog sa labis na emosyon. Pakiramdam ko magkakasakit ako sa puso na wala naman talaga dapat.
Kinuha ko ang aking malaking traveling bag, at nilagay roon ang mga gamit ko.
May usapan din naman kasi sina mama at Ate Francine na pupunta kaming probinsya roon sa bahay nila lolo at lola sa side ni mama. Kaso tumanggi ako dahil akala ko, isasama ako ni Jones sa kanilang outing. Ang problema hindi niya sa akin pinaalam, hindi rin nagpaalam at hindi ako sinama. Kaya labis na galit ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.
Ang lahat ng tiwala na binigay ko sa kanya, parang isang basong nabasag na lang bigla at hindi na muling mabubuo.
Sigurado akong nasa baba na sina mama at ate. Paalis na siguro, kaya minadali ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko. Nang matapos ay agad akong nagbihis ng aking damit, sinara ang mga bintana at lumabas ng silid.
Bumaba ako ng sala bitbit ang nag-iisang traveling bag. Hindi na kailangan ang maraming damit papuntang probinsya. Pwede naman akong makihiram kay lola.
Naabutan ko sina mama at ate na palabas na ng main door. Nilingon mila ako na magkasalubong ang dalawang kilay.
"Oh, anak? Nasa labas na ba si Jones? Aalis na ba kayo?" tanong ni mama.
Mas lalong pumintig ang ugat ko sa sintido. "Huwag mo nga po mabanggit-banggit 'yang pangalan, ma! Naiinis ako sa kanya! Sasama ako sa inyo ni ate papuntang probinsya."
Tumango lang si mama at umiling-iling. Lumabas na kami ng bahay, sumabay sa akin si ate at mukhang curious sa kung ano ang nangyari.
Nagkuwento na lang ako sa kanya para naman hindi na siya magtanong. "Umalis na siya, ate. Hindi man lang ako sinabihan at sinama. Kaya hindi kami bati! Break na kami!"
BINABASA MO ANG
Raining with You
ParanormalWhen Callista's boyfriend died from an accident, he showed up in front of her in the rain. As she made a promise to Jones, she has to help him accomplish his goals to the Monsoon Count. *** Nang mamatay si Jones, nagbago ang lahat sa buhay ni Calli...