Epilogue

20 1 0
                                    

Magkahawak kamay kaming apat habang nasa loob ng bilog. Sabay-sabay kaming nagsalita, at nakiusap sa bantay ng Monsoon Count na bigyan kami ng pagkakataon na makita at makausap si Jones, kahit sa huling pagkakataon.

"Kahit ito na po ang huli, makausap at makita lang po namin si Jones. Parang awa na po ninyo, hindi pa po kami nakapagpaalam sa kanya nang maayos. Nais lang po namin na magpaalam at masilayan siya kahit ngayon lang po," ani ko, sabay pikit ng aking mga mata.

Tumahimik kaming apat saglit, bago namin binigkas ang chant. Anim na beses naminh inulit, hanggang sa maramdaman namin ang unti-unting pagyanig ng lupa.

Nataranta ang mga kasamahan ko. Pero hindi ko bibitawan ang kamay ni Charie at Vicente. Kailangan naming magkapit-kamay hanggang sa matapos ang pagyanig at ang ilaw na nagmumula sa inukit naming bilog.

"Huwag kayong matakot, nagsisimula nang buksan ang pinto papunta sa Monsoon Count. Kapag nawala na ang ilaw at magsimula nang umulan, makikita natin si Jones pagkatapos," paliwanag ko sa kanila.

"This is really happening? Hindi ako makapaniwala!" litanya ni Vicente, at halata sa boses niya ang gulat at panginginig.

Maging ang kamay ni Charie ay nanlalamig din, pero tahimik lang siya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Mico, nakatalikod kasi kaming apat sa isa't isa.

Unti-unting dumilim ang paligid. Umingay ang kalangitan, kumulog saka gumuhit ang kidlat. Iyon na ang senyales na magbubukas na ang Monsoon Count para kay Jones, at masaya akong nakikita namin siyang muli.

Bumuhos ang malakas na ulan. Pagkatapos no'n nawala ang ilaw at natapos ang pagyanig ng lupa. Tumingala kaming apat sa itaas at napatingin sa isa't isa.

Tumingin ako sa aking harapan at napasinghap nang makita ko si Jones. Nakangiti siya habang isa-isa niya kaming tinitingnan na apat.

"J-jones!" bigkas ko, hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa kanya.

"T-tol?! I-ikaw ba talaga 'yan?!" Hindi makapaniwala na tanong ni Vicente.

Si Mico walang salita at agad na niyakap si Jones. Nagulat at natawa na lamang kami ni Charie.

Kumibit-balikat si Charie sa akin at ngumiti. Tinapik niya si Vicente at nagulat naman ito mula sa pagkatulala.

"Lumapit ka na kay Jones," sabi ko sabay siko sa kanya.

Napakamot si Vicente sa kanyang batok. Pero pumunta rin naman kay Jones para yakapin ito. Halata ang gulat at takot sa kanilang mga mata, pero mas nangibabaw ang kasiyahan sa aming lahat. Ang makita muli si Jones matapos ang aksidente at ng mga nangyari ay nakakawala ng mabigat na nakadagan sa aming dibdib. Nabunutan ng tinik at naging mapayapa na rin.

"Tol, ang daya mo naman. Bakit mo kami iniwan?" tanong ni Vicente.

Bumaba ng tingin si Jones, napakamot sa kanyang baba. "Pasensya na kayo mga , 'Tol. Hindi ko sinasadya, hindi ko rin alam na mangyayari 'yon sa akin. Siguro ganoon talaga, hindi natin alam kung hanggang saan na lang ang buhay natin. Kaya kung ako sa inyo, magbago na kayo. Seryosuhin na ninyo ang mga bagay na gusto niyong matupad. Mahirap at malungkot kapag sa huli magsisisi."

"Ang drama naman, 'Tol." Komento naman ni Mico.

"Pasensya na kayo kung iniwan ko kayo noong nasa outing tayo," pagsisimula ni Jones. "Sana mapatawad niyo ako. Kahit wala na ako, ipagpatuloy niyong dalawa ang mga goals at plano natin. Nakabantay lang ako palagi sa inyo."

"Huwag mo nang isipin 'yon, 'tol. Naintindihan namin lahat," si Mico.

Nagyakapan silang tatlo, nagtapikan ng mga balikat at kapwa nakangiti sa isa't isa.

Raining with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon