Nasa harap kaming dalawa ni Jones sa gate ng bahay ni Mrs. Martha– ang kanyang ina. Wala pang kinse minutos kami na nakatayo roon.
"Handa ka na ba?" tanong ko kay Jones, siya lang naman ang hinihintay ko na mag-door bell. Pero mukhang wala pa siyang balak at naabutan pa kami ng ilang minuto na nakatayo roon.
Tumingin sa akin si Jones, nangungusap ang mga mata niya. Pero wala na dapat kaming palampasin pa na pagkakataon, hindi naming alam kung kailan ulit uulan. Kapag pairalin niya ang kaduwagan sa mga oras na 'yon paniguradong magsisisi kaming dalawa pagkatapos.
Kaya ako na ang naglakas-loob na pinindot ang doorbell. Tatlong beses ko iyong inulit, hanggang sa may magbukas ang pinto at lumabas si Mrs. Martha.
Napatigil siya sa kanyang kinatatayuan nang makita kaming dalawa ni Jones na nasa labas. Mukhang nagdadalawang-isip pa siya, kung pagbubuksan ba niya kami ng gate o hindi. Sa huli, lumakad siya palapit sa amin at mabilis na kinalas ang lock sa gate. Nanginginig pa ang kanyang kamay na kahit pagbukas ay parang matutumba na siya.
Noon ko lang nakita na nataranta ang isang Martha Garcia. Hinawakan ko ang kamay ni Jones saka tinanguan. Ngumiti siya at tumango rin sa akin pabalik. Alam ko na kinakabahan din siya sa mga sandaling 'to, pero heto na at kaharap na naming ang kanyang ina.
"M-magandang araw po," batik o kay Mrs. Martha.
Ngumiti siya nang alanganin pero nakatitig sa kanyang anak na si Jones. "Magandang umaga sa inyo. P-pasok kayo." Niluwagan niya ang pagkabubukas ng gate para magkasya kaming dalawa ni Jones.
Nauna akong pumasok at sumunod naman si Jones. Hinintay naming si Mrs. Martha na matapos sa pagsara ng gate at naunang pumasok sa kanyang bahay. Sumunod din naman kami ni Jones sa kanyang likuran. Tulad noong pagpunta ko kahapon dito sa kanila, ay ganoon din ang ayos ng kanyang bahay rito sa monsoon count. Hindi ko akalain na wari bang totoo ang lahat na naririto at hindi lamang puro duplicate.
"Sandali lang at kukuha muna ako ng makakain ninyong dalawa," ani ni Mrs. Martha at akma na sanang pupunta sa kusina nang pigilan ko siya.
Bahala na kung medyo makapal ang mukha ko sa pagkakataon na 'to, pero gusto ko na silang mag-usap ni Jones. "A-ako na lang po. May gusto po kasing sabihin si Jones sa inyo. Importanteng-importante po talaga."
Alanganin na tumango si Mrs. Martha at napatingin kay Jones, mukhang humihingi ng kompirmasyon sa sinabi ko. tumango naman si Jones at iyon ang pagkakataon ko na mabilis pumuntang kusina.
Syempre tatagalan ko ang paghahanda para may oras silang mag-usap na mag-ina. At sana magawa ni Jones, dahil siya lang din ang makakaayos ng lahat.
Nagtimpla ako ng juice naghanap a ako sa loob ng refrigerator at cabinet. Mabuti na lang at nakakita ako. Tinimpla ko 'yon sa tatlong baso, nahanap din ng nilulutong pagkain para mas lalong tumagal. Kapag kasi sandwich mabilis lang 'yon gawin.
Makaraan ang halos kalahating oras, natapos na ako sa paggawa ng sopas. Mabuti naman pala at kumpleto sa ingredients ang buong kusina ni Mrs. Martha. Hindi na ako nahirapan na mag-isip ng iba pang lutuin. At isa salamat kay mama, tinuruan niya kaming dalawa ni Ate Francine na magluto sa maaga naming edad. Kahit papaano may alam kami sa buhay.
Pagbalik ko ng sala, bitbit ang pagkain masaya nang nag-uusap sina Jones at Mrs. Martha. Tumitingin silang dalawa sa isang album. Noon ko lang nakita na ang saya at gaan ng atmosphere na nakikita kong nakabalot kay Jones. Masaya na ako sa mga oras na 'yon kapag makita ko siyang masaya, wala nang paglagyan ang puso ko.
Kung matapos man ang ulan, masaya akong gigising mamaya sa real world dahil alam kong bati na si Jones at ang mama niya. Ito lang din ang magagawa ko na bagay para sa kanya, sigurado din na kapag maging maayos na silang dalawa, magkakalakas-loob din si Mrs. Martha na humingi ng tawad kay Mr. Garcia at makita ang anak niyang si Miggy.
BINABASA MO ANG
Raining with You
ParanormalWhen Callista's boyfriend died from an accident, he showed up in front of her in the rain. As she made a promise to Jones, she has to help him accomplish his goals to the Monsoon Count. *** Nang mamatay si Jones, nagbago ang lahat sa buhay ni Calli...