Nakatitig ako sa kisame at inalala ang bawat sandali noong kasama ko si papa at kung paano sila nagkahugpong ng mga kamay ni Jones. Hanggang doon lang pala, at nakabalik na ako sa real world. Napatingin ako sa labas ng bintana at madilim na ang buong paligid. Bumangon ako muka sa kama saka kinapa ang dingding para buksan ang ilaw.
Agad akong tumungo sa aking study table. Napatingin sa box na nakabukas pa rin. Inalis ko ang mga gamit na naroon at nilagay sa aking kabinet. Mga alaala kung saan parte si Jones, at hindi ko pwedeng balewalain ang lahat nang 'yon.
Kinuha ko ang picture frame ni Jones, pinadaan ko roon ang aking mga daliri. Ngumiti ako at ini-imagine na kaharap ko lang siya. "Maraming salamat, Jones. Dahil sa'yo nakausap ko ulit si papa, at panatag ang loob ko dahil alam ko na ayos lang siya. Salamat, Jones."
Ibinalik ko ulit 'yon sa aking study table. Inayos ko ang aking notes, kung saan naroon ang mga gustong gawin ni Jones. Agad kong nilagyan ng ekis ang mga natupad na naming dalawa. Ang kay Miggy na lang ang natira at ang tungkol sa mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung paano sisimulan, pero mukhang ang kaya ko pa lang naman ay ang kina Vicente at Mico.
Bumaba ako ng silid para pumunta ng kusina, nagugutom ako at mukhang hindi ako ginising nila ate at mama. O, baka pinaghahanap na naman ako nila?
Binuksan ko ang ilaw sa kusina nang makarating na roon. Kumuha ako ng pagkain sa refrigerator at nilagay sa plato. Abala ako sa pagkuha ng tubig nang marinig ko ang boses ni mama.
"Totoo ba talaga ang mga sinabi mo sa akin, anak?" tanong niya.
Nilingon ko siya nang mabilis, nilapag ang isang baso ng tubig sa ibabaw bg mesa. Nanunukat ang tingin ni mama na ipinukol sa akin. Tumango ako bilang sagot.
"Wala akong ebidensya na maaaring ipakita sayo, 'ma. Pero nagsasabi ako ng totoo. Ngayon, kagigising ko lang at galing ako sa monsoon count. Nakausap ko si papa, 'ma, dahil kay Jones."
Hinila ni mama ang isang upuan at curious akong tiningnan. Mukhang naagaw ko ang kanyang pansin nang banggitin ko si papa.
"Nakausap mo si Victor dahil kay Jones?" tanong niyang muli.
Sumubo ako ng kanina at tumango. Nilunok ko muna 'yon bago sinagot si mama. "Opo, nayakap ko rin siya. Huwag daw po tayong mag-alala sa kanya dahil ayos naman siya sa kung saan siya naroroon, at binabantayan niya tayo sa itaas."
Mabilis lang ang lumipas at naiyak na si mama nang malakas. Agad akong tumayo para tapikin siya sa kanyang likod. Hindi ko inaasahan na magiging ganoon ang reaksyon niya.
Nang maging ayos na siya, hinawakan niya ang aking kamay saka 'yon pinisil. "Hindi ako magtatanong pa ng kung ano, anak. O, ang humanap ng ebidensya para mapatunayan kung nagsasabi ka ba sa akin ng totoo o hindi. Ang mahalaga sa akin ay ang ligtas ka at walang nangyari sa'yong masama."
Tumigil siya saglit para bumuga ng hangin. "Masaya rin ako na nakausap mo ang papa mo. Panatag na ang loob ko na nasa maayos siyang kalagayan. Nagbago ba ang itsura niya? Maputi na ba ang mga buhok niya?"
Natawa ako sa ganoong klaseng tanong ni mama. Bumalik ako sa pagkain. "Hindi po, 'ma. Kung ano po ang itsura ni papa noong namatay siya, ganoon pa din ang itsura niya nang makita ko."
Umismid siya. "Ang daya naman, halos puti na ang mga buhok ko. Tapos ang kanya hindi pa pala?"
"Huwag kang mag-alala, 'ma. Ikaw pa rin po ang pinakamagandang babae para sa mga mata ni papa," ani ko.
Kahit hindi naman 'yon sinabi sa akin ni papa nang magkita kami, for sure, 'yon ang isasagot niya kay mama.
"Sige, kumain ka na nga lang diyan. At may gagawin pa akong mga paper works. Nagulat lang ako nang biglang bumukas ang ilaw sa kusina at nakita kitang kumukuha ng pagkain. Akala ko magnanakaw na," si mama.
BINABASA MO ANG
Raining with You
ParanormalWhen Callista's boyfriend died from an accident, he showed up in front of her in the rain. As she made a promise to Jones, she has to help him accomplish his goals to the Monsoon Count. *** Nang mamatay si Jones, nagbago ang lahat sa buhay ni Calli...