Chapter One

50 4 0
                                    

Alas kwartro ng hapon. Makapal ang usok sa paligid. Maingay ang mga sasakyan. Naglalakad ako sa sidewalk pauwi sa amin. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko at nakaabot na ako sa school kanina. Marami namang naglalakad, pero hindi ko na sila pinapansin.

Nakatingin ako sa hawak-hawak kong isang diary notebook. May nakaipit din doong isang flash drive. Nakita ko kanina sa aking bag, isang linggo na hindi ko iyon binubuksan. Galing kay Jones. Hindi ko kayang harapin kung anoman ang bubungad sa akin nito. Saka na lamg siguro kapag handa na ako, pero hanggang kailan?

Paano kung hinihintay pala ni Jones na mabasa ko ang diary niya tungkol sa akin, at mabuksan ko kung anoman ang nakalagay sa flash drive?

Mabilis akong naglakad. Lumiko sa Sampaguita street sa Banga town, at natanaw ko sa gate si mama. Nakatingin sa kotse niya na nakaparada sa labas. Agad niya akong napansin na paparating, kaya ngumiti siya at binati ako agad.

"I was looking for you everywhere, Callista. Saan ka galing?" tanong niya agad, sinuri ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nang mapansin ni mama na nakapam-bahay lang ang suot ko'y mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Are you okay, my dear?"

Tumango ako, hindi pinansin ang pag-aalala na gumuhit sa kanyang mga mata. "Bakit sa labas mo pinark ang kotse, 'Ma?"

"Nagbabatuhan kasi kanina sina Margie at Efren. Nag-away na naman siguro. Papasok na ako ng gate nang makarinig ako ng pagkabagsak ng isang malakas na bagay sa likuran ng kotse," sumbong niya saka ibinalik na ang atensyon sa pagtingin sa secondhand na naming kotse.

Binili pa iyon ni Papa noong nabubuhay pa siya. Ang pinambili niya no'n ay ang naipon niyang pera sa pagiging isang mekaniko sa sarili naming talyeran. Kaso nang mamatay na siya, binenta na namin ang pwesto para may panlibing sa kanya at may pambayad ng tuition ko. Dalawang taon na rin ang nakararaan simula nang mamatay si papa.

Sa awa ng Diyos, nabuhay naman kami ni mama mag-isa. Kahit papaano, nakaraos din. Lalo na at isang public servant si mama sa bayan. Hindi na rin masama, kaso iyon nga lang, medyo magulo kapag politiko ang usapan.

Tiningnan ko ang likuran ng kotse na tinitingnan din ni mama. Medyo hindi naman ganoon kalaki ang yupi sa likod. Maayos pa naman siya.

"Halika na, 'Nak, sa loob. May inihanda akong meryenda sa inyo ni France," anyaya niya habang nakangiti sa akin nang maluwag.

Hinila niya ako hanggang kusina. Napansin niya ang hawak ko. Tiningnan niya lang iyon, at ang aking mukha, saka hindi nagtangkang magtanong. Sa halip, nagkwento siya sa kung ano na naman ang nangyari sa trabaho niya sa munisipyo.

"Oo nga pala, anak. Being an sangguniang bayan (SB) member is not easy. If you know, ang daming papeles na kailangang gawin. Hindi rin maiwasan na mabatikos saka may mga gusot na mangyayari sa loob," simula niya. Magkasalubong ang mga kilay at gusot ang mukha.

Hinahanda na niya ang niluto niyang sofas sa mesa.

Hindi ako nakaimik. Naiintindihan naman iyon ni mama. Nasa stage ako ng pagpapagaling sa puso mo, sa buong pagkatao ko.

"Mama, ayan ka na naman sa reklamo mo. Why you choose-choose the SB member, if you can be a mekanika?" Si France na bigla na lamang sumulpot sa kusina, galing sa likuran ng bahay namin.

Si France, ang panganay. Isang taon na lang graduate na siya. Ako dalawang taon pa bago makapagtapos ng college. Business administration ang kinuha niyang kurso, dahil gusto raw niyang maraming pera sa hinaharap.

Medyo ako lang ang tabingi sa kurso dahil fine arts ang kinuha ko. So far, nairaos ko naman iyon at nakaabot ng second year.

"Because I love it! To serve in people and in my community! Naku, ibang klase ang pakiramdam kapag nakatutulong ka sa kapwa," sagot ni mama na nakangiti.

Raining with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon