Tinawagan ko agad si Charie kanina matapos kong maligo. Sa ngayon abala ako sa pagsco-scroll sa aking laptop para hanapin ang address ng author na nagsulat ng kanyang blog tungkol sa Monsoon Count. Kailangan ko siyang makausap at tanungin sa mga bagay na gusto kong malaman, at kung paano ko mapapasok muli si Jones.
Nanaginip ako nang masama kagabi, at nakita kong umiiyak si Jones sa panaginip ko habang humihingi ng tulong sa akin.
Nakakulong siya sa isang lugar na walang hanggan pero hindi rin siya makagalaw at makaalis sa kanyang kinatatayuan. Nangungusap ang mga mata niyang puno ng luha habang nakatingin sa akin.
"Baby Cally, please puntahan mo si Miggy. Ibigay mo kay papa ang sulat ko para sa kanya. Sana makatulong 'yon para bigyan na niya ng kalayaan na pumili nag kapatid ko. at pakibigay rin ng sulat ko para sa kapatid ko. umaasa ako para sa'yo, baby. Hindi na ako makabalik sa Monsoon Count, naubos na ang araw ko. Sorry, baby."
Tumigil muna siya saglit para huminga nang malalim. Gusto ko siyang lapitan ng mga oras na 'yon pero hindi ko man lang magawa. Kahit anong pilit ko, hindi rin ako makaalis sa kinatatayuan ko. pakiramdam ko unti-unti kaming pinaglalayo sa isa't isa.
"Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Baby Cally. Tuparin mo ang mga pangarap mo sa buhay. Kung may problema ka man, takbuhan mo muna kapag hindi mo pa kayang harapin at saka mo na lang sila balikan kapag handa ka na. Huwag kang mag-alala, nasa itaas lang ako at palagi kang babantayan," nakangiti niyang sabi habang nakatitig sa akin nang deretsyo.
Puno ng kasiyahan at kapayapaan ang mga mata niya.
Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa aking bigbig nang makita siyang unti-unting nilamon ng liwanag hanggang sa napapikit ako. pakiramdam ko nabiyak sa dalawa ang puso ko, paulit-ulit na sinaksak ng punyal sa katotohanan na hindi ko na kahit kailan makikita si Jones.
"Hindi pa pwede. Hindi pa ako nakapagpaalam kay Jones. Hindi pa ako nanghihingi ng tawad sa kanya. Kailangan ko pa siyang makita, kahit na iyon ang huli," bulong ko sa sarili habang inaayos ang aking gamit sa bag.
Nahanap ko na rin ang address ng nagsulat ng blog. Pupuntahan ko siya mamaya kapag binigay ko na ang sulat ni Jones para sa kapatid niya at sa ama.
Mabilis akong nagpaalam kay mama nang naabutan ko siyang naghahanda na rin para pumasok sa trabaho.
"Anak, saan ka pupunta na ganito kaaga?" sigaw na tanong niya sa akin.
Napatigil ako sa pagbubukas ng gate at nilingon siya. "Kina Charie po, 'ma."
"Halika na at sumabay ka na sa akin." Bumaling siya sa main door at natanaw ko si ate na nakatayo sa sala, kunot ang noo habang nakatingin sa amin. "Ikaw na ang magsara muna ng bahay, Francine."
Sumabay nga ako kay mama, mabilis naman ang pag-drive niya at agad naman akong nakarating sa harap ng gate ng bahay ni Charie. Hinintay ko siya na magtanong pero mukhang wala naman siyang balak. Siguro hinahayaan lang ako ni mama, na ako mismo ang magsasabi sa kanya.
Dinungaw ko siya sa bintana. "Sasabihin ko sa iyo ang lahat 'ma, kapag tapos na ako sa mga gagawin ko."
Naguguluhan man, napilitan siyang tumango. "Mag-iingt ka, anak. Hihintayin ka naman ng ate mo."
Nang umalis na si mama, agad akong pinapasok ng bodyguard nina Charie. Naabutan ko siyang sumusuot ng sapatos sa sala.
"Cally, ang aga-aga, huh?" reklamo niya, pero wala akong pakialam doon.
Nakasalalay ang mga gusto ni Jones sa akin. Kailangan kong magmadali kung hindi, mapupunta sa wala ang lahat.
"Ikaw lang ang makatutulong sa akin, Charie."
BINABASA MO ANG
Raining with You
ParanormalWhen Callista's boyfriend died from an accident, he showed up in front of her in the rain. As she made a promise to Jones, she has to help him accomplish his goals to the Monsoon Count. *** Nang mamatay si Jones, nagbago ang lahat sa buhay ni Calli...