Chapter Ten

13 1 0
                                    

Nakasilong kaming dalawa sa malaking kahoy. Pinapatuyo niya ako gamit ang kanyang dalang damit. Hindi ko alam kung saan niya 'yon nakuha. Hindi na rin ako nagtanong, dahil ayaw kong mahalata ni Jones na nilalamig ako.

Nagpapakiramdaman kami sa isa't isa, sa bawat pagdikit ng balat naming dalawa ay napapasinghao ako sa lamig. Sobrang lamig ni Jones at hindi ko alam kung dahil din ba 'yon sa ulan o dahil sa isa talaga siyang multo?

Tinitigan ko siya nang maigi, hindi ako makapaniwala na nahalikan at nahawakan ko siya. Nakapagtataka lang dahil parang buhay pa rin siya; na ang totoo'y patay na talaga.

"Sasagutin ko ang lahat ng mga tanong mo mamaya sa akin, Cally. Pero sa ngayon hayaan mo akonh ipaliwanag sa iyo ang lahat."

Agad na nagsalubong ang dalawa kong kikay nang marinig ang sinabi niya. Masyado na ba talaga akong halata sa pagkakukunot ng noo ko? Mababasa ba ang lahat ng tanong sa mga mata ko?

Tumango lang ako at hinayaan siyang hilahin ako papunta sa madilim na parte ng gubat na 'yon. Nilingon ko pa ang pabilog na asin kaninang gawa ko, pero wala na roon.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Jones. Sa totoo lang ay natatakot ako sa kung ano ang maari kong malaman mamaya. Kailangan ko ring sabihin sa kanya ang tungkol sa mga nakalap kong gusto niyang gawin bago siya namatay. Hawak-hawaknni Jones ang yellow kong payong, kaya hindi na kami nababasa ng ulan. Nakatitig lang ako sa kanya.

Hindi ko alam kung saan galing ang liwanag, kung sa langit ba o sadyang si Jones ang umiilaw. Kating-kati na akong tanungin sita, pero isinantabi ko na muna 'yon. Hahayaan ko muna siyang sabihin sa akin ang lahat, sa kanya ang oras na 'to at kailangan kong makisabay sa kanya. Kung hindi, baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.

"Saan tayo pupunta, Jones? Madilim na ang parteng 'to," puna ko, humihigpit oang lalo ang pagkakapit ko sa kanyang kamay. Napapalunok ako ng ilang beses, at pinagpapawisan nang malagkit kahit ang lakas ng ulan at ang lamig ng simoy ng hangin.

Nanunuot ang amoy ng patay na mga dahon sa aking ilong. Parang nais iparating na may kung ano ang mangyayari.

Humigpit din ang pagkakahawak ni Jones sa aking kamay. Dinala niya sa kanyang mga labi at hinalikan ang likuran. Napasinghap ko sa kanyang ginawa, pero ngumiti lang siya sa akin at hindi sinagot ang tanong ko sa kanya kanina.

Sinalubong kami ng kadiliman nang ilang sandali, hanggang sa sumalubong sa amin ang liwanag. Nasa gitna kami ng plaza na paborito naming tambayan. Napalingon ako sa buong paligid, may mga batang naglalaro habang tirik na tirik ang sikat bg araw.

"Paanong–"

Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko pa sana nang hilahin akong muli ni Jones papunta sa isang bakanteng bench, ang paboritong spot namin na nakaharap sa fountain.

Hinihintay ko lang si Jones na magsalita, gusto ko sa kanya mismo manggaling ang lahat ng katotohanan. Ayaw kong magmukhang baliw na naman kapag mawala siyang muli.

"Listen, baby..." biglang simula ni Jones dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Ang ginawa mo kanina ay ang ritual na magbubukas sa mundo ng monsoon count."

Agad akong napaayos ng upo nang marinig ang sinabi niya. "Totoo ba talaga 'yon? Ano naman ang koneksyon no'n? At anong mundo, Jones?"

"Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat, makinig kang mabuti baby. Alam ko mahirap intindihin pero gusto ko na intindihin mo nang mabuti," sabi niya habang pinipisil ang kamay kong hawak niya pa rin.

Tumango ako at napatitig sa kanya nang mataman. Handa akong makikinig sa kanya. Pipilitin kong intindihin kahit na alam kong nakababaliw isipin ang lahat.

Raining with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon