"Callista, saan ka galing at ginabi ka na nang uwi?" salubong agad na tanong sa akin ni mama pagkarating sa bahay.
Siya ang nagbukas sa akin ng pinto, nang matapos ang ilang beses kong pagkatok. Mukhang matutulog na yata sila ni Ate Francine nang bulabugin ko.
"Hindi rin kita makontak. Kanina pa kita tinatawagan, nag-alala ako sa 'yo," dugtong pa niya, nang makapasok na ako ng bahay at isara niya ang pinto.
Napahinga ako nang malalim, at umupo sa sofa. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang mga nangyari. Alam ko na hindi niya ako paniniwalan, at hindi kapani-paniwala ang mga nangyari kanina. Siguro itatago ko na muna sa kanila ni ate na nakabalik na talaga si Jones.
Baka nga kapag sabihin ko isipin nilang nababaliw na ako. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa isang patay na tapos bigla na lang babalik?
"Naabutan ako ng ulan kanina, 'ma. Kaya tumambay na muna ako sa milk tea shop sa may kanto," sagot ko sabay upo sa sofa at tinanggal ang sapatos na suot.
Ngunit natigil ang aking kamay at napatitig doon. Naalala ko si Jones, sa kanya naman kasi ang sapatos na 'to at maging damit.
Mukhang napansin din ni mama ang damit kong suot at sapatos. Alam ko na kilala niya ang mga 'yon na pagmamay-ari ni Jones. Naramdaman ko na umupo siya sa aking tabi at hinaplos niya ang aking buhok.
Hindi ko mapigilan ang sariling humagulgol at napayakap sa kanya. Inilabas ko ang lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman sa oras na 'yon, hinayaan lang ako ni mama. Hindi siya nagtanong, wala siyang sinabi. Tinapik-tapik niya anga king balikat pagkatapos.
Medyo tumahan na rin ako pagkatapos ng ilang sandali. Ako na mismo ang nagsabi kay mama king bakit suot ko ang damit ni Jones at sapatos.
"Binigay sa akin sa shop, 'ma. Pinalitan ko na lang ang damit kong basa na," sabi ko. Hindi sinani na si Jones ang mismong nagbigay sa akin.
Baka sinabi ko iyon, sabihin ni mama na nababaliw na ako, at. Aka bigla siyang maawa at hindi na ako muna papasukon sa school. Kapag ganoon, wala na akong rason na limabas ng bahay; at kung sakaling umulan hindi ko makita si Jones.
"Oh, siya, sige. Ayos ka na ba?" Tumango ako sa tanong na 'yon ni mama.
Iyon ang isa sa nagustuhan kong ugali niya. Hinahayaan niya kami ni Ate Francine na kami mismo ang maglabas at magsabi sa kanya ng saloonin namin. Hindi siya magtatanong, at hindi na niya tatanungin ang ano pang nangyari. Sapat na sa kanya kung ano ang narinig mula sa amin. Pero minsan kapag seryoso nang usapan at hindi na mapigilan ni mama ang curiosity, tinatanong na niya kami.
"Ayos na po ako, 'ma. Salamat," sagot ko sabay tayo at patong ng sapatos ni Jones sa shoe tray sa gilid ng cabinet namin sa salas. "Akyat po muan ako sa itaas."
"Sige at bumaba ka pagkatapos, kumain ka ng hapunan."
Umakyat ako sa silid at agad na nagbihis, pagkayapos no'n bumaba na ako para kumain. Nasa salas si mama at abala sa kanyang pagbabasa sa mga case report sa bayan. At kung ano pang reklamo siguro na natanggap niya sa araw na 'yon. Nang makakain ay hinugasan ko na rin ang plato, naabutan ko si mama pa rin sa salas na abala sa ginagawa.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang noo. "Good night, 'ma. Matulog ka na rin pagkatapos diyan."
"Anak," tawag niya nang nasa hagdan na sana ako. Lumingon ako sa kanya. "Kung anoman ang pinagdadaanan mo. Nandito lang kami ng ate mo, okay? Huwag kang mahihiyang magsabi sa amin o kaya mag-open up. We are here always for you."
Tumango ako sa sinabing iyon ni mama. "Opo, 'ma. Salamat po ulit."
Nagpaalam akong muli sa kanya at tuluyan nang umakyat sa itaas. Pagkapasok ko sa aking silid agad akong nag-open ng aking laptop at pumunta sa weather website. Itinipa ko ang buwan ng June at tiningnan doon kung ilang araw sa buong buwan ang uulan.
BINABASA MO ANG
Raining with You
ParanormalWhen Callista's boyfriend died from an accident, he showed up in front of her in the rain. As she made a promise to Jones, she has to help him accomplish his goals to the Monsoon Count. *** Nang mamatay si Jones, nagbago ang lahat sa buhay ni Calli...