Chapter Twelve

14 1 0
                                    

Ilang araw na lamang ang natitira kay Jones, at kailangan ko nang mahanap ang mama niya, bagonpa siyang muling umulan. Kinabukasan maaga akong nagising at naabutan ko si mama na naghahanda ng pagkain sa hapag-kainan. Napansin niya agad ako.

"Ang aga mo ngayon, Callista. Saan ang punta mo?" tanong niya, at tumigil sa pag-aayos ng plato sa mesa at tumingin sa akin.

Tinulungan ko na rin siyang mag-ayos. "Sa bahay po nila Charie, 'ma. May usapan kasi kami kahapon na may pupuntahan ngayon," palusot ko.

Nakasalubong ang kanyang kilay at puno ng pagdududa ang kanyang mga mata. "Ano ang ginawa niyo kahapon? Hindi ba natatapos 'yan? Akala ko ba nagpapaturo ka sa kanya sa mga lessons niyo sa school?"

Mukhang hindi na umobra ang palusot ko kay mama, at puno na siya ng mga tanong ngayon. Huminga ako bang malalim saka umupo sa upuan. Umupo na rin si mama at hinintay akong muli na magsalita.

"Hindi ko maipaliwanag, ma. At alam ko na iisipin mo rin na nababaliw amo 'pag sinabi ko sa 'yo . Sinabi ko nga kahapon kay Charie pero inisip niyang baliw na ako," sabi ko.

"Kaya pala pumunta sa akin si Charie kahapon sa munisipyo para tanungin ako kung ayos ka lang ba at nakauwi ng bahay. Nag-away ba kayo? At ano ba ang sinabi mo sa kanya at inisip ng isa na nababaliw ka?" sunud-sunod na tanong ni mama.

Tumayo siya saka pinaghandaan na ako ng pagkain sa plato. "Kumain na tayo at baka mamaya pa ang Ate Francine mo. Sabihin mo sa akin kung ano ang pinagdaanan mo, Cally. Baka makatulong ako, mama mo ako. Hindi naman ako ibang tao."

Pinakatitigan ko nang mabuti si mama, hindi ko alam kung ang nakikita ko ba sa kanyang mga mata ay isang tampo, lungkot o galit.

Noon pa man, nang mamatay si papa wala na akong mapagsabihan ng mga problema ko. Si papa lang kasi ang nakikinig sa akin at pakiramdam ko siya ang nakakaintindi sa akin. Nasanay ako na si papa ang palagi sa tabi ko, kasi si mama, mas paborito niya si Ate Francine ramdam ko 'yon simula noon. Kaya medyo malayo ang loob ko kay Ate Francine at Mama.

Kay papa ko lang sinasabi ang mga problema na pinagdaanan ko, ang mga concern ko sa buhay, at kung ano-anong bagay na nangyari sa akin; kapag nalulungkot ako, kapag masaya, at kapag nafu-frustrate.

Kaya hindi malapit ang loob ko sa kanilang dalawa. Pero minsan hindi ko alam kung tama ba ang pakiramdam ko, o baka mali lang ako? Dahil nang wala si papa, naging concern na sina mama at ate sa akin. Ngunit ako lang ito ang ayaw makinig at mapalapit sa kanila, hindi dahil sa maaring katotohanan; kundi dahil sa natatakot akong masaktan ng katotohanan.

"Ma, minsan ba, nagalit kayo sa akin?" wala sa sarili kong tanong. Pero paninindigan ko na dahil nabitawan ko na ang mga salitang 'yon.

Napatigil si mama sa paglalagay ng ulam sa aking plato. "Bakit mo naman naisip 'yan, anak? Ni minsan hindi ako galit sa iyo. Nainis lang dahil sa mga mali mong desisyon o kaya minsan hindi ka nakikinig sa akin. Ikaw ba anak, galit ka ba sa amin ng Ate Francine mo?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Hindi sa ganoon, ma. Natatakot lang ako na mas lalong lumayo ang loob niyo sa akin ni ate. Ramdam ko naman noon pa, na ayaw niyo sa akin. Hindi niyo ako mahal, dahil mas paborito niyo si Ate Francine."

Rinig ko ang malakas na singhap ni mama matapos marinig ang mga sinabi ko. Nanghihina siyang napaupo ulit sa upuan at diretsong tumitig sa akin.

"Ganyan ang tingin mo sa amin ng ate mo sa loob ng ilang taon, Callista?" Malungkot at nahihirapan bigkasin ang mga salitang 'yon ni mama. "Kaya ka ba ganyan sa amin ng ate mo dahil 'yan ang akala mo?"

Hindi ako sumagot at tumango. Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni mama. Maya-maya ay tumayo siya at tumalikod sa akin, mukhang may gusto siyang ayaw ipakita sa mga oras na 'yon. Ngunit alam ko na umiiyak siya.

Raining with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon