Chapter Eight

15 3 0
                                    

Pagkaraan ng dalawang araw mas lalo akong nawalan ng gana. Hindi na ako pumasok ng school at nanatili ako sa loob ng aking silid. Naghahanap ng paraan kung ano ang pwede kong gamitin para umulan. Desperada na akong makita si Jones, ang laki na ng itim sa ilalim ng mga mata ko; halata ring umiiyak ako dahil lamog na at namumula. Kaya kapag bumababa ako ng kusina para kumain nagshe-shades ako para hindi makita ni mama. Sinabi ko na lang sa kanya na may sore eyes ako at ayaw ko lang na mahawa sila.

Binilhan na rin niya ako ng eye drop na gamot. Ibig sabihin na niwala talaga si mama. Pero mukhang nakahalata na rin siya kaninang umaga. Ngunit hindi siya nagsalita at tiningnan lamang niya ako nang makahulugan. Paano ba naman kasi nakalimutan ko na magsuot kanina ng shades nang mag-almusal. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o magkukuling na lang sa kwarto ko hanggang makalimutan na ni mama at ate ang nasaksihan nila sa mukha ko.

Napatingin ako sa picture ni Jones na nakapatong sa study table. "Ikaw kasi pinaiyak mo ako. Nakita tuloy ni mama at ate kanina. Ano na ang irarason ko sa kanila niyan?" Nakangiti siya nang malapad doon habang hawak ang kanyang gitara.

Naalala ko 'yon ang araw na mauna-unahang battle of the bands na sinalihan nila sa campus. Ako pa ang kumuha ng litrato niya habang hindi pa nagsisimula. Ang galing lang dahil parang sariwa pa rin sa alaala ko ang mga pangyayari.

"Babe, kinakabahan talaga ako, e. Back out na lang kaya kami?" kausap niya sa akin habang nasa back stage kami, naghihintay sa kanilang oras ng pag-perform.

Kinurot ko siya sa tagiliran, nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kanya. "Hoy, umayos ka nga. Narito ka na no, panindigan mo. Ito ang pangarap mo, 'di ba?"

Napahawak siya sa kanyang tagiliran saka napangisi. Inakbayan niya ako't ginulo ang aking buhok. Tarantado talaga. Naisahan na naman niya ako sa kadramahan niya.

"Suportado talaga ako ng girlfriend ko. The best!"

"Nilalanggam na kami. Sana all na lang may jowa," parinig ni Vincente sa amin.

Akala mo naman wala siyang jowa, e, ilang beses na ngang nakipag-break sa mga babae niya.

"Inggit ka lang kasi hindi ka katulad kong loyal, pre. Ikaw kasi papalit-palit ng babae, 'di magandang hobby," sagot naman sa kanya ni Jones.

"Eh, ang gago naghahanap daw ng true love," sabat naman ni Mico.

Nagtawanan kaming tatlo dahil sa naging reaksyon ni Vicente. Ang mukha ng pinagkaisahan ay walang makatatalo roon.

"Hindi ka makahahanap ng true love kapag 'di ka titino!"

Matapos ang asaran niyaya ko silang tatlo na magdasal. Dahil isang banda na lang at sila na ang sunod. Alam ko na kinakabahan na silang tatlo pero tinatago lang nila sa tawa at asaran.

Nang tinawag na sila, niyakap ako ni Jones saka hinalikan sa pisngi. Bago sila sumalang sa stage. Agad naman akong pumunta sa labas, at tumungo sa bleachers. Masaya ako para sa kanya dahil ito ang unang pagkakataon na tutogtog sila in public. Kahit ako kinakabahan para sa kanila.

Nang magsimula na silang tumugtog halos lahat ng mga estudyante roon ay sumabay sa kanila. Kasama na ako roon. Walang tigil ang pagsigaw ko ng malakas habang nagtatalon at sumasabay sa kanilang kanta. Cover lang 'yon pero parang hawig na sa original singer.

Hindi ko namalayan na umiiyak na ako nang bumaba si Jones sa stage, at tumungo sa akin para yakapin ako. Tapos na pala sila, at nang makita kung gaano siya kasaya sa mga oras na 'yon, natutuwa ang puso ko.

"Why my baby is crying?" tanong niya, nang magkaharap na kami at pinupunasan niya ang mga luha ko.

Tinampal ko siya sa kanyang dibdib at inirapan. "Nakakaiyak kasi 'yong kanta niyo."

Raining with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon