Dedicated to
slandery
Thank you talaga, Singkit; sa suporta!
(≧▽≦)💖💖💖
Halos dalawang araw na ang nakararaan, noong huling pagkikita namin ni Jones. Hanggang sa mga oras na 'to, naguguluhan pa rin ako kung ano ang totoo o hindi. Parang gusto ko na lang din maniwala na baka panaginip ko na lang ang lahat.
Sino ba naman ang manatiling maniwala kung hindi ko ulit makikita si Jones? Baka nga lang nanaginip lang ako nang gabing 'yon, at hindi talaga nangyari. O, baka nag-iilusyon lang ako dahil nangungulila ako kay Jones? Pero importante pa ba ang bagay na 'yon? Kailangan ko pa bang alamin kung totoo ba o hindi ang lahat?
Ano pa nga ba ang mas pinaniniwalaan ko? Ang puso o ang isip ko? Ngunit, kahit ano'ng pilit ko, parang mababaliw ako nang wala sa oras. Gusto ko na lang makawala sa masikip at mapanakit na pakiramdam na 'to.
Kung panaginip man, siguro gusto sa aking iparating ni Jones ang mga bagay na gusto niyang matapos; na ako ang dahilan kung bakit hindi lahat natupad. Napakuyom ako ng aking dalawang kamay habang nakatitig sa kawalan.
Mabuti na lang at nasa pinakalikod at sulok ako sa umagang 'yon. Nagkaklase ang guro namin sa Matematika, at wala akong sa mood na makinig sa kanya. Kung makita man niya o mapansin ang kalagayan ko, siguro hinayaan lang din ako dahil alam niyang hindi pa matagal bago nang ilibing si Jones.
Halos lahat sa buong campus, alam na boyfriend ko si Jones. Maliit lang naman kasi ang campus, at ipagsigawan ni Jones sa lahat noong last battle band nila kung sino ako sa buhay niya.
Desido na ako. Hindi na muna ako papasok mamaya. Magpapaalam ako sa mga guro ko, kina mama at ate. Kailangan kong gawin ito para kay Jones. Kahit ito man lang ang magawa ko para sa kanya. Hindi ako matatahimik, hanggang wala akong ginagawa. I felt so heavy because of what had happened. Pakiramdam ko rin— sa sarili ko— ako talaga ang dahilan ng lahat. Kaya kailangan kong kumilos, kailangan kong bumawi kay Jones.
Pagkatapos ng klase, agad akong lumabas ng room. Mabilis ang mga lakad ko, pero hinabol pa rin ako ni Charie. Alam ko na concern din siya sa akin, at sa mga nagyayari. Gusto kong sabihin sa kanya ang nangyayari sa akin; ang pagkikita namin ni Jones noong mga nakaraang araw. Pero natatakot ako na baka hindi niya ako paniwalaan. O, baka isipin niya na nababaliw na ako.
"Cally!" tawag niya sa akin, habang hinahabol ako sa hallway.
Wala akong balak na harapin siya ngayon, may kailangan pa akong habulin at baka hindi ko na mahabol sina Vicente at Mico. May kailangan ako sa kanilang tanungin. Alam ko na marami silang alam sa kung ano ang gustong mga bagay na gawin ni Jones sa buhay. Mas matagal silang tatlo na magsama, kaysa sa akin. Magkakilala ma sila noong bata pa lang.
"Cally! Saan ka pupunta?!" sigaw muli ni Charie at sa pagkakataong 'yon, nahawakan niya ako sa aking siko at mabilis na pinaharap sa kanya.
Magkasalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa akin. "Bakit ka umiiwas sa akin, Cally? May galit ka ba? Ayaw mo na ba akong makasama?"
Umiling ako agad para sa mga tanong niyang 'yon. "H-hindi sa ganoon, Charie. May mga bagay lang akong kailangang gawin. Saka baka hindi na muna ako papasok bukas hanggang sa mga susunod na araw. Gusto ko munang mamahinga at hanapin muli ang sarili ko."
Napabuntonghininga siya at napasabunot sa kanyang buhok. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niyang tumingin muli sa akin.
Naiintindihan ko kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Siya lang kasi ang matyagang lumapit sa akin noon at nakipagkaibigan. Itinuring niya akong best friend niya kahit na ayaw ko naman talaga. Medyo nagtagal ay natanggap ko na rin at naging close kami sa isa't isa. Suportado rin si Charie sa relasyon namin ni Jones, siya nga ang nagpakilala sa akin kay Jones.
BINABASA MO ANG
Raining with You
ParanormalWhen Callista's boyfriend died from an accident, he showed up in front of her in the rain. As she made a promise to Jones, she has to help him accomplish his goals to the Monsoon Count. *** Nang mamatay si Jones, nagbago ang lahat sa buhay ni Calli...