Namayani ang katahimikan sa buong paligid matapos kong sabihin ang tungkol sa kahilingan ni Jones. Naghintay kaming lahat sa maaaring isagot sa amin ni Mr. Garcia.
Ramdam ko ang paninigas ng katabi kong si Charie at Mico. Maski ako ay napalunok din nang sunod-sunod dahil sa mga mata ni Mr. Garcia na nakatingin sa amin. Hindi ko masukat kung ano ang emosyon na gustong iparating sa amin ng papa ni Jones.
"Ano ang ibig ninyong sabihin? Please hurry. I have meeting for an hour, I have no time for a useless things," direktahanh sambit ni Mr. Garcia, na mukhang hindi interesado tungkol sa kahilingan ni Jones. "Don't get me wrong, I am Jones' father, and I know that he had nothing to wish for. Kung Ano man ang nabasa ninyo o nakita, I know it just nothing."
Napakuyom ang kamay ko dahil sa sinabing 'yon ni Mr. Garcia. Hindi ko alam kung magagalit ba ako, o ang mainis. Pinigilan ko lang ang sariling huwag magsalita ng mga masasamang bagay na maaaring makapanakit sa kalooban niya; lalo na't nandoon si Miggy nakikinig.
"Pasensya na po, Sir. Pero mahalaga po ang bagay na 'to kay Jones. Matagal na po niyang gustong ayusin ang isang bagay na 'to, ngunit natatakot hu siyang magalit kayo," naninimbang na sabi ko.
Tahimik lang ang tatlo sa aking tabi, mabuti na 'yon nang ako na ang magsalita para hindi magulo. Baka mamaya sumali pa sila, hindi pa kami pakikinggan ni Mr. Garcia. Hindi na tito ang tawag ko sa kanya dahil wala na si Jones, nakikisama lang ako noon at ngayon para sa alaala namin ni Jones.
Kumunot ang noo ni Mr. Garcia at tumingin kay Miggy. Mukhang na-realized niyang seryoso ang pag-uusapan namin. "Ciddy, pakihatid muna si Miggy sa garden. Hintayin niyo ako roong dalawa."
Mabilis namang lumapit 'yong Ciddy saka kinarga si Miggy sa kanyang bisig papunta sa garden. Nang tuluyan na silang mawala, bumaling na sa amin si Mr. Garcia.
"Now, please be straight forward, Cally. Ayaw kong pinapatagal ang usapan," sabi niya habang nasa ibabaw ng kanyang dibdib ang mga braso.
Noon pa man, ganito na talaga ka-seryoso ang papa ni Jones. Kaya noong una kong kita at pakilala sa akin ng anak niya, labis ang kaba ko at takot. Paano ba naman kasi ang boses ay nakasisindak, malalim at malaki. May pagka suplado rin, mainitin ang ulo, at kaunti ang pasensya.
Ngunit mabait din naman si Mr. Garcia, nakadepende kung ano ang ugaling ipinakita sa kanya.
Tumingin na muna ako kina Charie, Mico at Vicente. Nang tymango silang lahat, tumikhim ako saka bumaling muli kay Mr. Garcia. Bahala na at susubukan ko lang, wala namang mawawala.
"Pasensya na po, Sir, if medyo personal po ang tanong ko sa inyo. Gusto ko lang po maging klaro na ayaw kong panghimasukan ang buhay ninyo, lalo na at wala na po ngayon si J-Jones. Gusto ko lang po gawin ang bagay na 'to sa kanya, kahit sa huling pagkakataon."
Seryoso ang mukha ni Mr. Garcia at waring sinusukat ang klase ng tingin na 'yon. "What is it, Cally? Tell me."
"N-nais po sana naming malaman kung nasaan po naroroon ang mama ni Jones," sagot ko.
Napakagat-labi habang hinihintay ang magiging reaksyon ni Mr. Garcia. Kitang-kita namin ang kanyang pagtiim-bagang. Pinipigilan na hindi magbitiw ng masasakit na salita, tila nagtitimpi.
"Get out," malamig na sambit niya.
"S-sorry, Sir, if its offended you. Pero hindi po kami aalis hanggang hindi po namin nalalaman. Ginagawa po namin ito para kay Jones, ito po ang isa sa kahilingan niya noong nabubuhay pa siya. Nais niya pong magkabati sila ng mama niya, sana po huwag niyo 'yong ipagkait sa kanya. Please, Sir!" pakiusap ko.
Ramdam ko ang panginginig ng tatlo sa aking tabi, maski ako ang mga tuhod ay nanlalambot, at waring nawalan ng lakas na tumayo. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sabihin 'yon sa harapan ng papa ni Jones. Siguro dahil sa kagustuhan kong makatulong kay Jones at makita siyang masaya bago umalis sa mundong 'to.
BINABASA MO ANG
Raining with You
ParanormalWhen Callista's boyfriend died from an accident, he showed up in front of her in the rain. As she made a promise to Jones, she has to help him accomplish his goals to the Monsoon Count. *** Nang mamatay si Jones, nagbago ang lahat sa buhay ni Calli...