Prolongue

390 38 7
                                    

Ang Simula

Ate Ikaw muna ang bahala kay Inay. Sabi ko sa nakakatandang kapatid ko dahil ako ay aalis patungong Manila upang mag trabaho bilang isang kasambahay.

(Mag iingat kadoon kung sapat lang talaga ang kita ko hindi mo na kakailangang mag trabaho at malayo sa amin ) Sabi ni Ate habang umiiyak kaya hindi ko na rin napigilan at napa iyak nadin. Muli akong nag paalam dahil kailangan ko ng sumakay sa Bus. Ate mag iingat kayo ni Inay hah at balitaan mo ako lagi. Sabi ko habang umiiyak.

(Ikaw din lagi kang mag iingat doon at kung may problema huwag kang mag aalinlangan mag sabi.) Sabi niya habang umiiyak parin. Niyakap ko siya at nag lakad na pasakay ng bus.

Nakatingin ako sa bintana ng bus na sinasakyan ko ng biglang nag balik ang mga panahon na maginhawa pa ang buhay namin at nag aaral pako parang kaylan lang kay bilis nga naman ng panahon. Noong nabubuhay pa ang aking Ama ay maginhawa ang buhay namin hindi namin problema ang pera pero ngayon ay ito ang pinaka malaking kailangan namin upang mapa gamot ang aking ina at mapahaba pa ang buhay niya. Kailangan ni mama na maoperahan upang matanggal ang kanyang bukol sa kanyang kanang dibdib.Naputol ang aking pag iisip ng lumapit ang Conductor ng bus upang kunin ang aking bayad.

Tatlong oras mahigit ang lumipas ay narating na namin ang Manila. Bumaba ako ng bus ng marating na namin ang terminal. Dito ko iintayin si Aling Yona na mag hahatid sa akin sa lugar kung saan ako mag tatatrabaho bilang kasambahay. Si Aling Yona ang nag rekomenda sa akin ng trabaho siya ang kapit bahay namin sa probinsya. Matanda na siya kaya napag pasyahan na niya na titigil na siya sa pag tatrabaho at ang ako papalit sakanya sa pinapasukang trabaho.

May tumawag saaking pangalan kaya naman inilibot ko ang aking paningin upang hanapin nakita ko si Aling Yona papunta sa direksyon ko at tinawag ulit ang pangalan ko.

(Belle kanina kapaba? Tara nat ng makapag pahinga kana malayo layo pa naman ang naging bayahe mo.) Sabi niya ng nag kalapit kami at inaya na ako maglakad patungong sasakyan na nag iintay sa amin. Na pag mamay ari ng magiging amo ko.

Habang binabagtas ang daan patungong bahay ng magiging amo ko ay hindi ko maiwasang mamangha sa mga nag tataasang Building na nakapaligid sa aming dinaanan. Ito ang unang beses ko na makakita ng mga ganitong Building na matataas.

Matapos ang kulang isang oras ay narating na namin ang Village na ang pangalan ay Ash Ville. Pag pasok palang ay namangha na ako sa mga bahay na naglalakihan at may magagandang desisyon. Ibang iba talaga ang pamumuhay dito sa Manila kaysa sa Probinsya sana balang araw mag karoon din ako ng bahay na malaki at maginhawang buhay. Sa isipisip ko.

Huminto ang aming sinasakyan sa tapat ng malaking bahay at binuksan ng Guard ang gate upang kami ay makapasok. Huminto ang aming sinasakyan kaya bumaba na si Aling Yona at sumunod nadin ako sakanya. Napakaganda at napakalaki ng bahay na nasa harapan ko ngayun na may tatlong palapag.

(Belle tara na bakit naka tayo kaparin diyan) sabi ni Aling Yona kaya lang nabaling ang paningin ko sakanya na malayo na pala ang distansya mula sa akin. Kaya sumunod nalang ako sakanya.

Sa gilid kami ng bahay nag daan na may swimming pool na malaki hangang sa narating na namin ang bahay na nasa dulo na para sa mga kasambahay. Binuksan ni Aling Yona ang bahay at inanyayaan akong pumasok.

Pagpasok sa bahay ay itinuro na sa akin ang magiging silid na tutulugan ko. Meron tatlong kwarto ang bahay na may double deck na higaan bali dalawang tao bawat isang kwarto.

Just  for the loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon