ISABELLE POV's
Tulad ng ipinangako ni Rey na lagi siyang tatawag at bibisita ay lagi niyang ginagawa. Kulang nalang nga ay dito narin siya tumira dahil madalas din siyang dito natutulog at maaga nalang aalis. Sobra kong na appreciate lahat ng effort niya kahit pagod siya sa trabaho ay pinipili parin niyang puntahan ako at samahan matulog dito.
At Pag handito siya ay alagang alaga niya ako kaya lalong nahuhulog ang loob ko sakanya. Malaki ang ipinag bago niya simula ng araw na naka labas ako sa hospital.
Ngayon nga pala ang check up ko sa doctor iniintay ko nalang si Rey na dumating dahil may meeting padaw siya na tatapusin. Kaya eto ako ngayon nag luluto muna ng pangtang halian para may makain kami bago umalis alas dos pa naman ang schedule ng check up ko.
Nag luto lang ako sinampalukang manok na ma asim na ma asim at nag saing narin para pag dating niya ay kakaain nalang kami. Hindi naman na excited akong maka uwe siya kahit kahapon ay handito siya maaga lang umalis.
Maka lipas lang ang isang oras ay narinig kong may dumating na sasakyan kaya dali dali akong lumabas upang salubungin siya.Pag dating ko sa labas ay sakto namang pagbaba niya sa sasakyan.
"Hi, ang aga mo namang dumating akala ko mamaya kapa?" Salubong na tanong ko dito.
Naka ngiti naman akong nilapitan nito at niyakap na ikinagulat ko. Parang ibang tao ang kasama ko ngayon hindi tulad ng dati. Sa mga pag aalaga at pag mamalasakit niya sa akin ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na lalong mahulog dito at umasang masusuklian ang pag mamahal kjo.
"You miss me huh? haha kakaalis ko lang kanina eh." Sabi niya sa akin
" feelingero ka tara na nga sa loob mainit dito." Sabi ko dito at nauna ng pumasok.
Tumatawa pa siyang sumunod sa akin papasok sa loob.
Nang nag alas dose ay nag aya na siyang kumain na sinang ayunan ko naman. Pag ka tapos namin kumain ay siya na ang nag hugas ng aming pinag kainan namin ako naman ay pmasok na sa kwarto ko upang maligo at gumayak.
Pagka ligo ko ay napili kong soutin ang damit na binigay niya ng nakaraang araw kulay pink ito na dress na hanggang ibaba ng tuhod ko hindi naman kahabaan sakto lang at pinat neran ko ng sapatos. Tumingin muna ako sa salamin bago lumabas pero hindi na ako nag lagay ng kung ano pa sa mukha ko tanging liptint lang dahil mapula ang mga labi ko. Medyo may umbok na ang tiyan ko ngunit hindi naman kalakihan.
Pag labas ko ay nakita ko agad siya na nasa sala nakanihis narin at na nonood lang tv habang iniintay ako.
''Oy, tara na .'' tawag ko dito kaya nabaling ang attention nito sa akin
Nakatingin lang siya sa akin ngunit hindi manlang nag salita o kumilos kaya muli ko itong tinawag and this time ay nag salita na ito.
''Okay, let's go .'' tanging sabi niya at pinatay na ang tv
Habang kami ay nasasakyan kami ay nag uusap na ng kung ano ano hindi tulad dati na hindi kami nag papansinan. Tulad nga ng napag usapan namin ng nakaraan ay dapat ay magka sundo na kami kumbaga ay maging civil sa isat isa dahil hindi naman na pwede lagi kaming mag kaaway lalo't na mag kaka anak na kami kaya kahit hindi kami ay ganpanan parin namin ang responsibilidad ng bawat isa.
Pagka rating namin sa hospital ay siya ang nag bukas ng pinto ng kotse upang maka baba ako at inalalayan akong bumaba.
"Bakit ang lamig ng kamay mo, are you nervous?" Tanong niya ng makababa na ako
"Hindi ah na eexcite lang ako." Tanging sagot ko dahil sa totoo lang ay ngayon lang ako makaka pag pa check up na makikita ang baby dahil sa ultrasound.
BINABASA MO ANG
Just for the love
RomanceIsabelle Jade Garzuela ay namasukan sa manila bilang isang katulong upang makahanap ng pera para mapa gamot ang kaniyang ina na may cancer. Rey Eskiel Rayson ay nagmula sa marayang pamilya na Anak ng amo na napasukan ni Isabelle bilang katulong na s...