Isabelle's POV
Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung paano ipapaliwanag sa dalawa ang tungkol sa ama nila at hindi ko alam kung paano ko haharapin si Rey.
" Mama true po ba ang sinasabi ng guy sa labas?" Muling tanong ni Lia
Napatingin nalang ako sa kanya hindi ako maka sagot dahil baka pag sinagot ko siya ay magalit sila sa akin dahilan kung bakit sila mag kalayo.
"umm, mga anak sa loob muna kayo ng room natin." Tanging nasabi ko nalang
Nag tatakang tumingin ang dalawa sa akin. Pinunasan ko lang ang mga luha nila at nginitian.
" Tara na " Aya ko sa dalawa Kahit nag tataka sila ay sumunod parin sila.
"Dito muna kayo ah" Bilin ko sa kanila pagka rating namin sa loob ng kwarto
" Eh why po ? and hindi pa ikaw nag aanswer sa tanong." Nag tatakang tanong muli ni Lia
" Sasabihin ko sainyo later pero dito muna kayo" Bilin ko sa mga ito at iniwanan
Narining ko parin ang tawag nila pero sinara ko na ang pinto. Ang plano ko ngayon ay kausapin si Rey dahil tiyak na nasa labas parin siya. Ito ang dapat kong gawin ang harapin siya
Habang papalapit ako sa pinto ay pabagal ng pabagal ang lakad ko dahil sa kabang nararamdaman ko."Rey" Tanging nasabi ko Pagka kita ko dito
Na ikinalingon nito. Galit ang mukhang sumalubong sa akin. Tinitigan muna niya ako ng hindi ko alam kung gaano katagal ay galit na galit itong tumayo."THIS IS YOUR FUCK*NG FAULT" Galit na galit na sabi nito
At nakita kong inangat niya ang kamay niya upang gawaran ang ng sampal kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko at handang tanggapin ang sampal niya ngunit hindi natuloy dahil sa" Mama" Sabay na sabi ng dalawa na nakapag patigil sa pag akmang pag sampal ni Rey sa akin. Yumakap sa akin ang dalawa
Wala ni isa sa amin ang nag sasalita habang ang dalawa ay mahigpit paring nakayakap sa akin. Inangat ko ang paningin ko.Bakas sa mukha niya ang pagka sabik habang nakatnigin sa kambal hindi katulad kanina at nang inangat niya ang paingin niya ay nag tagpo sa tingin namin ay bumalik na naman ang tngin niya sa akin na para akong papatayin.
Sa klase ng pagkaka tingin niya ay parang pinahihiwatig sa akin na sabihin ko na ang dapat kong sabihin. Akmang mag sasalita ako ngunit naunahan ako ni Rainey.
"Bad ka, bad ka" Galit na sabi nito kay Rey habang hinahampas ito sa binti
Bumaba nalang si Rey at umiiyak na niyakap ang anak habang patuloy parin ito sa pag hampas sa kanya at makalipas lang ang ilang sandali ay tumigil din ito at umiyak.
"I am sorry, anak I am sorry" Paulit ulit na sabi nito
Napa iyak narin ako dahil sa nang yayari ngayon. Si Lia ay bumitaw din sa akin at lumapit sa kanyang ama at kambal. Akala ko ay gagayahin niya ang kambal ngunit iba ang ginawa niya ay nakisali sa yakap ng ama niya.
Halatang nagulat si Rey sa ginawa nito kahit na umiiyak parin si Rey ay nginitian niya ito at ikinulong rin sa mga bisig niya. Hindi na ako masyadong nagulat sa inasta ni Lia dahil sa kanilang kambal ay siya ang sabik na sabik sa ama.
"My babies" Sabi ni Rey at salit salitang hinalikan ang sintido ng dalawa.
Halatang masayang masaya siya habang nakatingin ako sa kanya ay para akong sinampal ng katotohanan na mali ang ginawa ko.
Maka lipas ang ilang minuto ay si Rainey ang unang bumitaw sa kanilang tatlo ay tumakbo papunta sa akin.
Kaya binuhat ko siya kahit may kabigatan na. Isinusob niya ang mukha niya sa aking leeg. Kaya hinamas himas ko nlng ang kanyang likod.
BINABASA MO ANG
Just for the love
RomanceIsabelle Jade Garzuela ay namasukan sa manila bilang isang katulong upang makahanap ng pera para mapa gamot ang kaniyang ina na may cancer. Rey Eskiel Rayson ay nagmula sa marayang pamilya na Anak ng amo na napasukan ni Isabelle bilang katulong na s...