Chapter 21

70 7 0
                                    

Isabelle POV

Ilang araw na simula ng nalibing sila Inay at Ate. Sa bawat araw na lumilipas ay handito parin ang sakit siguro ay hindi mawawala ito basta basta. Sa bawat araw na ako ay gigising ang presensya parin nila ang hinahanap ko pero alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko ay hindi na muli silang babalik.

Ang plano ko sana ngayon ay bumalik nalang sa Tagaytay dahil kung dito ako mag sstay ay hindi ko maiwasang hindi malungkot at maiyak dahil sa bawat sulot ng bahay ay puro ala ala nila ang nakikita ko.

Kahit na mag isa ako doon dahil dito rin naman ay mag isa nalang ako kaya parehas lang.

"Tita pwede kaba maka usap" Tanong ko kay Tita pagka tapos namin kumain.

Dito sila lagi kumakain at kasama ko naman matulog dito si Jenly. Pero ayoko ng maka abala sa kanila kaya aalis nalang ako.

"Ah, sige ano ba gusto mong pag usapan. Tara sa sala" sabi niya.

Pagka rating namin sa sala ay tinanong niya ako agad.

"Ano ba gusto mong pag usapan. Palala ko lang sayo na wag mong stresen ang sarili mo." Mahabang sabi niya

"Tita naka pag desisyon na ako na babalik nalang ako sa tinitiran ko dahil hanggat nandito ako at sa tuwing titingin ako sa paligid ay mga alala nila ang nakikita ko kaya hindi ko maiwasang malungkot." Sabi ko habang tumutulo ang masagana kong luha.

"Shh; Makakaya mo rin yan ramdam mo ang sakit na nararamdaman mo dahil nag iisa kong kapatid ang nanay mo. Ang magagawa ko lang ngayon ay ang tumayo mong ina kaya kung ano man ang desisyon mo sa buhay ay suportado kita" sabi niya na umiiyak narin at naka yakap sa akin.

"Basta siguraduhin mo lang na aalagaan mo ang sarili mo lalo nat nag dadalang tao ka. Gustuhin ko man magalit sayo dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung sino ang tatay niyan pero hindi ko magawa ayoko ng madagdagan pa ang mga iniisip mo." Mahabang sabi niya.

"Pasensya na po pero pag okay na ako promise sasabihin ko sainyo lahat. Pag okay na ako babalik ako dito. Sa ngayon ay mag papaka layo muna ako dahil sa tingin ko ito ang makakabuti. Sagkt ko

"Aasahan ko ang pag balik mo. Tumahan kana at hindi maganda sa iyo yan." Sabi niya

Mga ilang minuto lang ay kumalma na ako kaya muli siyang nag salita.

"Kailan ba ang alis mo?" Tanong nito

"Bukas po.?

"Sure kabang kaya mo nah?"

"Opo, tatawag nalang ako sainyo madalas." Sabi ko dito

Kinabukasan

Naka handa na ang mga dadalin ko. Isang bag lang ito na dala dala ko ng umuwi ako dito. Ihahatid ako nila sa teminal gusto nga ni Tita na ihatid ako sa tinitiran ko na tinutulan ko dahil malalaman pa niya nag nag iisa lang ako doon ay tiyak na hindi niya ako iiwan.

"Belle tara na para hindi kana hapuninin pa at dadaan pa tayo sa sementeryo." Sabi ni Tita

"Sige po." Tugon ko dito

Pag dating namin sa sementeryo ay nag tulos lang kami ng kandila.

"Inay, Ate aalis muna ulit ako hindi ko kasi kaya na mag stay sa bahay natin dahil wala na kayo. Ang dadaya ninyo kasi kung kailan naisipan kong iwan na ang trabaho ko tsaka naman kayo nawala. Sana lang ay lagi ninyo kami gabayan. Sorry rin Inay kung hindi kopa matutupad ang gusto mong maka pag aral ako pero promise pag nakaya ko na at nanganak na ako ay pipilitin kong matupad ang pangarap mo para sa akin. Pasensya narin kung maaga akong nag pa buntis pero kahit na ganito ay tutuparin ko ang pangarap ninyo na maka pag tapos ng pag aaral at mag tatayo ng restaurant." Mahabang sabi ko habang umiiyak.

Just  for the loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon