Ngayong araw ang balik ko sa Manila gustuhin ko man na mag stay pa dito sa amin kahit ilang araw pa ay hindi ko magawa dahil tiyak na magagalit si Sir Rey kaya kahit labag sa loob ko ay tumayo na ako sa pag kakahiga upang ayusin ang mga gamit ko at mag ayos narin ng sarili.
Pag labas ko ng aking silid ay dumiretso ako sa kusina tulad ng kahapon ay nakita ko si Inay na nag luluto.
Ayan kana pala anong oras ba ang alis mo. Tanong ni Inay ng nakita niya ako.
mga alas otso ho siguro ako aalis ara bago mag tang halian ay handoon na ako.
ah ganoon ba hindi ba pwedeng sa isang araw kana umalis. Tanong pang muli ni Inay gustuhin ko man ay hindi pepwede
hindi ho nay eh dadalasan ko nalang ang uwi ko. sabi ko upang mabawasan ang lungkot ni Inay ganito din kasi siya nung una.
sa totoo lang ay bhindi sang ayon si Inay sa pag tatrabaho ko sa Manila dahil okay lang daw na hindi na siya mag pagamot wag lang ako umalis pero hindi ako pumayag dahil hanggat kaya ko ibigay ang pangangailan niya ay gagawin ko ang lahat at nasabi din ni Ate sa akin na hindi niya sinabi kay Inay ang totoo kung paano sila nag kakilala ni Kuya Nataniel.
Nay wag kana malungkot tatawag naman ako at dadalasan ko ang uwi. Sabi upang kahit papaano ay gumaan ang loob niya art lumapit sakanya upang yakapin.
Sabi ko naman kasi saiyo na hindi muna kailangan mag trabaho upang maipa gamot ako ang gusto ko nalang ay ang sulitin ang oras hanggat nabubuhay ako na makasama kayo. Sabi niya na ikinalungkot ko at pinipigilan ang nag babadgang luha nagustong lumabas sa aking mga mata.
Nay wag ka ngang ganyan na operahan kana kaya gagaling kana.
Basta ang gusto ko lang gawin mo pag nawala ako ay ang ipag patuloy ang pag aaral mo upang pag nag ka anak ka ay may magandang buhay ka na maibibigay. Muling sabi niya na ikinaiyak ko dahil hindi ko na mapigilan.
Nay tigilan na nga natin ito at kumain na tayo. sabi ko nalang upang matapos ang usapang ito at dumiretso sa lababo upang mag hilamos para mawala ang bakas ng luha sa aking mukha.
Kami ngayon ay sabay sabay na kumakain dahil gising narin sila Ate
Belle hatid ka namin sa terminal ah. Sabi ni Ate na sinag ayunan ko na dahil wala naman akong sasakyan papuntang terminal.
Naka gayak na ako at iniintay nalang sila Ate na mag hahatid sa aking patngong terminal kaya lumabas na ako sa aming terrace at ni lapitan si Inay na nag wawalis.
Isa... tawag sa akin ni Weslee na nag lalakad patungo sa aming bahay.
Good morning Isa Tita. sabi niya at nag bless kay Inay ng nakalapit siya sa aming terrace
aalis kanaba. tanong niya at umupo sa upuan dito sa aming terrace kaya sumunod nalang ako at umupo sa tabi niya
oo kailangan na kasi eh. sagot ko
ahh ganoon ba chat mo nlang ako o kaya tawagan pag na mimiss mo ako. sabi niya kaya hinampas ko siya sa balikat at natawa
ehh hindi mang yayari yun hindi naman kita na mimiss eh. sabi ko at tumawa sa naging reaction niya
edi ako nalang ang tatawag kung ganoon by the way pupunta din ako sa Manila ngayon upang ayusin ang mga requirements ko lilipat na kasi ako ng school doon dahil gusto na ni Mommy na doon nalang kami tumira upang mag kasama sama na kami. Sabi niya ang magulang niya kasi ay sa Manila nag tatrabaho dahil may kumpanya sila na contraction company kaya ang kurso niya Architec.
ah mabuti naman eh paano yan iiwan mo ang Lola mo dito o isasama nyo. tanong ko dahil ang Lola lang niya at dalawang katulong ang kasama nila sa Bahay.
oo maiiwan si Lola dito ayaw niya kasi sumama.sagot niyang muli
BINABASA MO ANG
Just for the love
RomansIsabelle Jade Garzuela ay namasukan sa manila bilang isang katulong upang makahanap ng pera para mapa gamot ang kaniyang ina na may cancer. Rey Eskiel Rayson ay nagmula sa marayang pamilya na Anak ng amo na napasukan ni Isabelle bilang katulong na s...