Chapter 33

54 1 0
                                    

Isabelle's Pov

Nakapag handa na ako ng mga kakainin para sa tanghalian ang mga niluto ko nga pala ay kare-kare, Adobong baboy, menudo at chopsoey. Apat na putahe lang sana lang tlga ay magustuhan nila.

Hanggang ngayon ay todo parin ang kabang aking nararamdaman dahil nga makakaharap ko ang pamilya ni Rey. Ang daming tumatakbo sa isip ko ng kung ano ano.

Kaya dapat ay ihanda ko ang aking sarili at tanggapin kung ano man ang mga sasabihin nila dahil sino ba naman ako para ipag tanggol ang sarili ko.

"Mama! Tara daw po sa labas sabi ni Papa". Tawag sa akin ni Lia

Kaya nabaling ang paningin ko sakanya at domoble ang kabang nararamdaman ko  dahil sure ako na parating na sila Ma'am Ana. Pero kahit na sobra ang kabang nararamdaman ko ay tumayo parin ako mula sa aking pagkaka upo at inakay si Lia palabas.

Pag dating namin sa sala ay handoon si Rey at Rainey na iniintay kami at pagka kita sa amin ay tumayo na si Rey at binuhat si Rainey kaya lumapit rin si Lia at binuhat rin ni Rey.

Ako naman ay sumunod lang sa kanila at sakto namang paglabas namin ay pagdating ng isang sasakyan na tiyak na sa pamilya ni Rey.

At hnd nga ako nagkaka mali dahil unang bumaba dito si Ma'am Ana. Wala parin nagbabago sakanyang mukha kahit naka lipas na ang ilang taon.

"Mga Apo" Hiyaw ni Ma'am ay lumapit sa Pwesto ng mag aama.

Natatawang ibinaba ni Rey ang dalawa at may kung ano ang binulong ito sa dalawa.

"Hi! Po Lola pa bless po" Sabi ni Lia
Dahil ito ang unang lumapit.

Masaya namang ibinigay ng ginang ang kanyang  kamay at pagkatapos ay pinang gigilan ang pisngi nito.

Si Rainey naman ay naka tayo parin sa gilid ng kanyang Ama tila nahihiya. Pinantayan ni Rey ang anak.

"Don't be shy anak just bless your Lola and Lolo." Sabi niya at itinuro ang mga tao sa harap

Kahit medyo nahihiya si Rainey ay lumapit parin ito at ginaya ang ginawa ng kambal niya.

"Ay manang mana sa akin kuya, they are beautiful like me" Sabi naman ng kapatid ni Rey na kakababa lang sa sasakyan.

Hindi sumagot si Rey ngunit tinawanan lang ang kapatid.

"Hi I am your Tita Reya but you guys can call me Tita Ganda instead" Sabi nito at niyakap ang dalawa.

"Tita Ganda panga maganda kaba" singit naman ng isa pang kapatid ni Rey na lalaki.

Kaya natawa ang pamilya at pati narin ako ngunit bigla akong natahimik at nahiya ng napa tingin sa akin ang Ina ni Rey.

Nginitian ko lang ito kahit kinakabahan na ako sa posibleng mangyari ngunit bahagyang nawala ito ng nginitian niya rin ako. Lalapit na sana ito sa pwesto ko ngunit sinalubong ito ni Rey at may kung anong binulong rito.

Tumabi na ulit si Rey kaya napatingin ulit sa akin si Ma'am kaya nginitian ko ulit ito ngunit inirapan ako nito kaya balik na naman ang kabang nararamdaman ko kani- kanina lamang.

Pagtingin ko sa kambal ay buhat na ito ni Sir Reniel at nauna ng pumasok sa loob kaya sumunod na ang kanyang asawa at anak. Habang ako ay naiwang naka tayo parin sa aking pwesto.

Hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi dahil para namang wala akong karapatan na makisali sa kanila. Kaya na natili akong naka tayo sa aking pwesto.

"Hey! woman why are you still there" Sigaw ni Rey na nasa pinto.

Hindi ako sumagot at tiningnan lang ito. Nagulat nalang ako ng nasa harapan ko na siya.

"If I were you I am gonna get in now. Or baka gusto mo pang lalong magalit si Mommy sayo." Pananakot nito at  nauna ng naglakad papasok.

Just  for the loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon