Chapter 26

63 2 0
                                    

ISABELLE POV's

After 5 years
Sa nag daang taon ay naitaguyod ko ang dalawa kong anak kahit na walang tulong ng Tatay nila. Babae nga pala sila parehas kaya ang ipinangalan ko sa kanila ay ang sinabi ni Rey na gusto niyang ipangalan kung parehas magiging babae ang anako namin kaya ang pangalan ng aking panganay ay si Rainey Aurora [Ney]at ang pang huli ay si Delaney Aurellia [lia]. Kahit naman galit ako kay Rey ay ibinigay ko parin ang gusto niyang ipangalan sa mga anak namin.

Apat na taon na nga pala sila kaya naman malapit na sila pumasok sa paaralan bilang kinder ngayong pasukan kaya naman todo kayod ang ginagawa ko dahil madami akong bayarin tulad ng kuryente , tubig at renta sa bahay dahil kami ay nangungupahan ng bahay umalis kasi kami sa poder nila Kuya Jon sa kada hilanan na lagi sila nag aaway dahil sa amin ng mga anak ko tutol kasi ang asawa niya sa pag tira namin sakanya kaya tuwing wala si Kuya ay ginagawang katulong niya ako at sinasaktan niya ang mga anak ko tuwing ito ay mga umiiyak. 

Kaya naman ako na ang kusang umalis kahit na tatlong buwan palang ang mga anak ko. Sobra akong nag hirap ng mga panahon nayon dahil wala akong trabaho at walang katulong na mag aalaga sa aking mga anak. Buti nalang ay nakilala ko si Chalien na siyang tumulong sa akin. Napaka laki ng utang na loob ko sakanya dahil tinulungan niya ako mag alaga sa kambal kaya naman naka pag trabaho ako. Siya ang nag aalaga sa kambal tuwing umagi kahit na puyat siya dahil ang trabaho niya ay pang gabi sa bar nga pala siya nag tatrabaho bilang isang waitress. Tulad ko ay wala narin siyang pamilya dahil ang mga magulang niya ay iniwan sila ng kapatid niya sa lola nila kaya naman ng nawala ang lola nila ay nahinto siya sa pag aaral hanggang sa nagkaron ng malubhang sakit ang kapatid nito kaya napunta siya sa ibat ibang  trabaho upang mapagamot ang kapatid niya ngunit sa bandang huli ay namatay din ito.

"Mama" Sabay na tawag ng kambal 

Kaya naputol ang pag babalik tanaw ko sa nakaraan. Sabay silang tumakbo sa aking kina uupuan at kumalong parehas paharap  sa akin.

"Good morning mga baby ko" sabi ko sa mga ito at hinalikan sila sa pisngi na ikinatawa nila.

"Mama why are you still here po, aren't you going to work po." Nag tatakang tanong ni Lia.

Marunong nga pala sila mag english dahil narin siguro sa panonood nila sa cellphone at tinuruan ko sila dahil sa panahon ngayon ang mga bata ay mas sanay na mag english kaya kung hindi sila masasanay na mag salita ng english ay tiyak na mahihirapan silang maki sabay sa mga kapwa bata nila.

"Day off kasi ni mama ngayon kaya maglilibot tayo ngayon at ieenroll ko na kau sa school." Masayang sagot ko dito.

Bigla naman nag liwanag ang mga mata nila sa tuwa dahil sa narinig excited excited na kasi silang pumasok.

"Yehey" sabay na sabi nila

Kaya napatawa ako sa kanila dahil labis ang tuwa sa mga mata nila. Inaya ko na silang kumain upang maaga kaming maka alis.

"Mama where are we going po?"Tanong ni Ney[Rainey]

"Secret haha you will two find out" Natatawang sabi ko dito.

Na ikina simangot naman ni Ney kaya hindi ko napigilan na hindi pang gigilan ang mataba niya pisngi.

"Ouch, Mama stop" naiinis na sabi niya

Tinigil ko nalang at hinalikan ito sa pisngi sakto naman na may dumaan na tricycle kaya pinara ko ito at sumakay na kami. Nag pa hatid lang kami sa school na malapit lang dito sa amin.

Just  for the loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon