Chapter 4

99 30 0
                                    

Isabelle's POV

Agreed

Ilang araw Narin ang nakaraan Mula ng sinabi ni Sir Rey ang offer niya sa akin na mag panggap bilang kasintahan niya. Nakapag desisyon na ako na papayag sa kanyang offer dahil tulad ng sinabi ko mas mahalaga ang kapakanan ni Mama kaysa sa aking sarili dahil Alam ko ang Lahat ng sakripisyo niya para sa akin at sa kay Ate. Ngunit Hindi ko parin nasasabi kay Sir Rey ang naging decision ko dahil Hindi ko na siyang muli Nakita Simula ng araw na yon. Marahil ay bumalik na sa condo niya.

Kasalukuyan akong nag pupunas ng mga gamit dito sa sala ng may tumawag sa akin na ikinagulat ko dahil Hindi ko inaakala na makikita ko na siya ngayong araw.

Isabelle follow me let's talk.. Sabi ni Sir Rey na nakatayo sa pinto siguro ay kakadating lang niya. Pagka Sabi niya ay dumiretso na papasok at pumanik na tutungo siguro sa kwarto niya.

Hindi ako sumagot sakanya at tiningnan lamang ang bulto niya hanggang sa nawala sa paningin ko. Nag dadalawang isip pa ako Kung susunod ba ako o Hindi ngunit sa Huli ay sinundan ko na siya dahil ilang araw ko inintay siya upang masabi na ang naging decision ko dahil kailangang Kailangan ko na din ng pera upang ma operahan na si Mama.

Narating ko na ang tapat ng pinto niya ngunit lumipas na ang ilang minuto ay Hindi parin ako kumakatok o pumapasok dahil kinakabahan ako. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ngunit Hindi lumabas si Sir tinitigan lamang niya ako.

Umm Sir ano po ba ang pag uusapan natin Kung tatanongin ninyo po ako Kung ano ang naging decision ko ay pumapayag po akong... Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla niya akong hilahin papasok at isinara ang pinto.

Pagka Sara ng pinto ay dumiretso siya sa kama at humiga. Habang ako ay nakatingin lang sa Kanya iniintay ang kanyang sasabihin ngunit lumipas ang ilang minuto ay nanatili siyang Naka Higa at ipinikit ang mga mata. Kala ko ay Naka tulog na siya kaya lumakad na ako paalis ngunit may humawak sa aking kamay kaya lumingon ako sakanya nakatayo na siya ngayun.

Sir sa ibang araw nalang po tayo mag usap mag pahinga nalang kayo ngayun. Sabi ko ngunit hinila lang niya ako paupo sa kama habang siya ay nanatiling Naka tayo.

So you agreed to my offer if you agreed then I will explain to you what should you do. Sabi niya kaya tumango nalang ako bilang tugon.

You will come to me in my condo and Stay there for a while in short you will leave with me and as a fake girlfriend, you still do what a real girlfriend does.

Eh, Sir Paano ang trabaho ko dito Kung sasama ako sayo. Tanong ko na naguguluhan.

Don't worry about that I will tell mommy that I need you there to be my personal maid and you're not gonna say about this to anyone else.

Cge po Sir makakaasa kayo na Walang sinuman ang makakaalam.

Okay, good, and about the salary, I will directly give that to your Ate it means ako ang mag papadala sa kanila. by the way how much money do you need for your mother's operation

Kulang isang Daan libo daw Sabi ni Ate.

Okay, I will send her the money they need just tell me the personal information of your sister.

Ah, cge kailan nga pala ako mag uumpisa.

For now, ready your things and we will go there tomorrow which means tomorrow is your first day.

Okay aalis na ako at aayusin ang mga gamit ko. Paalam ko at umalis na.

Paglabas ko na kwarto niya ay doon ko lang naalala na Hindi ko naitanong Kung gaano katagal ako maninilbihan sa Kanya. Sa susunod ko nalang nga itatanong ang mahalaga Ngayon ay may pera ng pambayad sa operation ni, Mama.
Alam ko sa sarili ko na Hindi madali ang pinasok ko na ito dahil Hindi ko pa alam ang dapat gawin bilang isang girlfriend dahil Hindi panga ako nag karoon.

Natapos ko ng ayusin ang mga gamit ko dahil Hindi naman gonoon kadami ito ay lumabas Narin ako ng silid at dumiretso sa mansion upang tumulong na sa pag hahanda para sa hapunan dahil ala sais na ng gabi. Nang narating ko ang kusina ng mansion ay naabutan ko Silang Lahat ng kasamahan ko sa kusina at tumulong Narin sa mga gagawin.

Nang natapos ang pag luluto ay nag Simula na kaming mag hain at pag ka tapos ay dumating Nadin ang pamilya at nagsimula ng kumain.

Belle, Rey already told me na isasama ka sa Condo niya upang maging personal maid and he said you agreed. Sabi ni Ma'am Ana kaya napalingon ako sa kanya.

Ah opo kung ayos lang po sainyo. Sabi ko nanahihiya.

Don't worry it's fine with me. Sabi niya kaya nginitian ko nalang at ganunun din siyat nag patuloy na sa pag kain.

Oyy Belle totoo ba na sasama ka kay Sir sungit. Tanong ni Ate Danice habang kami ay kumakain.

Ah, oo napag usapan na namin. Sagot ko.

Ay basta habaan mo lang ang pasensya mo dun sobrang sungit kasi nun. Hahaha sabat naman ni Ate Alice.

Hay nako kayong dalawa talaga ganoon lang talaga yung batang iyon dapat sanay na kayo. Sabi ni Aling Mayla na nakisali na sa usapan.

Natapos na ang mga gawain namin kaya tumungo na kami sa aming mga tulugan upang mag pahinga na. Habang nakahiga ako ay iniisip ko kung ano kayang mangyayari sa mga susunod na araw lalo na nasi Rey ang makakasama ko sa iisang bubong. Kapag malapit siya sa akin ay sa di malamang dahilan ay nag iiba ang pakiramdam tulad ng pag bilis ng tibok ng puso ko na siya lamang ang nakakagawa. Sa palagay ko ay nag kakagusto na ako sakanya kahit na ilang linggo pa lang simula ng nakilala ko siya pero lagi kong pinapaalala sa aking sarili na dapat pigilan ko ito hanggat bago palang dahil sa huli ay ako din ang masasaktan dahil sino ba naman ako para magustuhan ng isang magandang lalaki na mataas ang istado ng pamumuhay sa tulad kong hindi nakapag tapos ng pag aaral na hamak na katulong lamang.

Just  for the loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon