Chapter 11

69 18 0
                                    

Drunk called
.
Maaga akong nagising kahit ala naman akong dapat pag handaan ng ag kain dahil handito parin nga ako sa amin pero kahit na ganoon ay pinili ko parin maaga gumising dahil naisipan ko na ayain sila Inay mag simba dahil araw naman ng Lingo ngayon at pag katapos ay mag libot dahil bukas ay babalik na ako sa Manila. Pag labas ko ng aking kwarto ay dumiretso na agad ako sa kusina upang mag handa ng makakain ngunit handoon na si Inay na siyang nagluluto.

Bakit ang aga mong nagising wala ka naman gagawin ngayon o babalik kana sa Manila? tanong ni Inay ng nakita niya ako.

Bukas pa po ako babalik maaga lang talaga ako gumising upang mag luto ng ating agahan at ayain sana kayo mag simba at para narin makapag libot tayo. sagot ko

ahh ganoon ba sige  matagal tagal nadin tayo hindi nakakalabas. maluluto narin ito kaya gisingin muna ang =Ate mo ng  maaga tayo maka alis.

ah sige ho pero baka magalit si Ate ala sais palang.

Hindi yun sige nah gisingin muna.

Kaya sinunod ko nalang ang kaniyang sinabi. Nang narating ko ang tapat ng kaniyang kwarto ay hinawakan ko agad ang doorknob ay pinihit upang bumukas at hindi na kumatok. Pag bukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil hindi lang siya nag iisa sa kanya higaan dahil may katabi itong lalaki na naka yakap pa sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung gigisingin ko pa ba ito kaya napag pasyahan ko nalang lumabas na hindi gumagawa ng ingay. Siguro ang katabi ni Ate ay ang lalaking tinutukoy niya na siyang ama ng baby niya.

oh asan na ang Ate mo. Bungad na tanong ni Inay ng pumasok ako ng kusina.

ehh Nay hindi ko na po ginising dahil nakita kong may katabi siyang lalaki.

Ayy naka limutan ko handyaan nga pala si Nataniel yung kasintahan ng Ate mo. sagot niya 

Ahh dito po ba talaga natutulog yun at kailan siya dumating. tanong ko na naguguluhan dahil wala naman siya dito kahapon.

Minsan lang Kagabi nga pla siya pumunta dito at marahil ay tulog kana ng siya ay dumating

ahh ganoon ho ba eh intayin nalang natin sila magising  bago tayo kumain.

ah cge hindi kapa gutom.

hindi pa ho labas muna ako ah. paalam ko kay Inay at lumabas muna upang mag walis ng aming bakuran at mag dilig ng halaman dahil na miss ko lang ang mga dati kong ginagawa

Pag dating ko sa labas ay kinuha ko agad ang walis tingting at duspan at nag simula ng walisin ang mga dahon na hindi kadamihan. Mabilis ko lang nawalis ang mga dahon dahil hindi naman ito kadamihan at sinunod ko naman gawin ay diniligan ang mga halaman.Habang nag didilig ako ng halaman ay may tumawag sa aking pangalan kaya napalingon ako dito at nakita ko si Weslee na patungo sa aking pwesto.

Good morning Binibi. Bati sa akin nita

walang good sa morning kung ikaw lang ang babati. sabi ko riyo pero joke lang naman

sakit mo naman mag salita samantala ng mga bata pa tayo ay naiiyak ka pag dimo nakikita ang gwapo kong mukha

Hahaha ang kapal parin pala ng mukha mo pumunta kalang ba talaga dito upang sirain ang araw ko.

Abay hindi gusto ko lang naman ayain ka mag simba at gumala narin pagka tapotapos.

Hindi ako available ngayon para idate mo mag sisimba din kasi kami at mamasyal pagka yari kasama sila Inay pero kung gusto mo sumama ka nalang sa amin. Sabi ko dito upang kahit papaano ay magawa ko ang gusto niya dahil nakita ko ang lungkot sa kanyang mata ng sabihin ko na hindi sa ako pwede.

Just  for the loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon