Umi-ibig
Nakaupo parin ako dito sa couch at hinihintay siyang lumabas ng tumunog ng ilang ulit ang doorbell ngunit hindi parin lumalabas si Sir marahil ay hindi niya naririnig kaya tumayo na ako at binuksan ang pinto. Tumanbad sa akin ang dalawang lalaki na dalala ang mga gamit ko ito siguro ang inutusan niyang mag dala ng mga gamit ko.
Ma'am ito na ang mga gamit na pina kuha ni Sir Rey sa kotse niya at ipinadala dito.Sabi ng isa sa kanila.
Ah, cge Salamat nga pla. Sabi ko at nginitian sila.
Pag pasok ko ay ang pag labas naman ni Sir sa kwartong pinasukan niya kanina.
Put all of your stuff in this room. This room was your now as long you are staying here. Sabi niya at itunuro ang kwartong katabi ng sakanya.
Kaya lumapit ako palapit sa kwartong kanyang itinuro. Binuksan niya ito at pumasok siya kaya sumunod nadin ako pumasok.
I will leave you alone here now because I'll go to the company. There's a stock in the refrigerator so you can cook if you want. I'll go back here before 6 in the evening and dito ako kakain so make sure you'll cook food for dinner. Mahabang sabi niya at umalis nalang kahit hindi pa ako nakakasagot.
Pagka alis niya ay humiga agad ako sa kama dahil feeling ko ay pagod na pagod ako kahit wala pa naman akong ginagawa. Siguro ay na stress lang ako kay Sir dahil laging galit mag salita simula kanina siguro ay may dalaw hahaha ay nako kung ano ano nah ang aking mga naiisip. Sana lang ay matagalan ko ang kasungitan ng lalaking yun. Hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Nagising nalang ako ng tumunog ang cellphone ko kaya agad ako na pa bangon at kinuha ko ang selpon ko na nasa lamesa sa tabi ng hinihigaan ko. Pag ka kuha ko ay agad ko itong sinagot kahit hindi tinitingnan ang pangalan ng caller.
Hello! Belle. Sabi ng nasa kabilang linya pagka sagot ko ng tawag kaya nalaman ko ang pangalan ng tumawag base sa kanyang boses.
Ate, bakit ka napatawag may problema ba? Tanong ko dahil agad akong nabahala sa kanyang pag tawag dahil oras ng trabaho niya ngayun alas quatro palang kasi.
Wala naman pero may gusto akong sabihin sayo hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin kay inay. Sabi niya na halatang kinakabahan.
Ah, ano bayan tungkol ba saan.
Ano kasi. Sabi niya lumipas na ang ilang minuto ngunit hindi parin niya dinugtungan.
Anong ano ate pwede ba diretsahin mo na pinakakaba mo ako lalo. Sabi ko dahil talaga naman kinakabahan ako.
Buntis ako. Sagot niya na nakapag patigil sa akin.
Huh? Tanging nasagot ko nalang
Sabi ko buntis ako at hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Inay. Sabi niya at naiyak.
Huh? Kala koba wala kang boyfriend paano nang yari yan. Tanong ko na naguguluhan.
Ano kasi.. Ano kasi. Sabi niya ngunit wala naman dinudugtong.
Anong ano ba ate pwede ba sabihin mo ng deretsahan. Sino ang tatay ng iyong dinadala. Diretsahan kong tanong sakanya.
Hindi ko kilala....
Huh? Anong hindi mo kilala paano nangyari.
Patapusin mo muna kasi ako. Hindi ko kilala dahil nakilala ko lang siyang sa bar.
Anong bar bakit naman napunta ka doon.
Naalala mo ba ng wala tayong perang pang chemotherapy ni nanay. Kaya ako naka kuha ng pera noon dahil nag punta ako sa bar at nakilala ko siya doon ngunit hindi ko alam ang pangalan niya hanggang sa nilakasan ko ang loob sabihin sakanya na handa ko siyang paligayahin ng gabing yoon basta bayaran niya ako hanggang sa pumayag siya at ng natapos kami at nakatulog siya ay iniwan ko nalang siya basta. Sabi niya habang umiiyak na nakapag pagulat sa akin dahil hindi ko alam ang mga tagpong iyong.
Eh anong plano mo hahanapin mo ba siya.
Oo hindi ko kasi kayang buhayin na mag isa ito. Eh kaso pag may pamilya na pla siya ano nalang ang gagawin ko.
Subukan mo muna hanapin siya at pag nakita mo na siya doon kanalang mag pasya kung ano dapat mong gawin. Mahabang sabi ko sakanya dahil ako din ay hindi ko alam ang gagawin ko kung ako ang nasa sitwasyon niya.
Matagal pa kaming nag usap hanggang sa nag paalam siya dahil parang pamilyar daw ang pumasok ngayon sa restaurant na pinapasukan niya. Nga pala ang trabaho ni ate ay bilang waitress sa isang sikat na restaurant sa aming lugar hindi nga din pala nakapag tapos si Ate dahil nag hinto din siya ng mag kasakit si inay kahit nasa huling taon na niya sa iskwela upang maging ganap na guro.
Ang hiling ko lang sana ay mahanap ni Ate ang lalaking ama ng kanyang anak at sana ay matanggap sila nito.
Nang mag ala singko medya ay nag handa na ako ng mga sangkap sa aking lulutuin at tama naman si Sir na kumpleto ang mga stock niya sa Ref niya kaya nag pasya nalang ako mag luto ng nilagang baboy.
Pagsapit ng ala sais ng gabi ay natapos na akong mag luto kaya naligo muna ako at inayos ang aking mga gamit tutal ay wala pa naman si Sir. Pagkayari ko mag ayos ng aking mga gamit ay lumabas na ako sakto namang pag pasok ni Sir.
Sir magandang gabi. Naka handa na pla ang pag kain. Bati ko sakanya pag pasok niya.
Okay, I will change my cloths first. Sabi niya at dumiretso papasok sa kanyang kwarto.
Kaya dumiretso na ako sa kusina at ininit muna ang nilagang baboy dahil mas masarap ang sabaw nito kapag mainit.Kumuha nadin ako ng isang plato, kutsara at tinidor nilagay ko ito sa lamesa. Pinatay ko na ang kalan at kumuha na ako ng nilagang baboy nilagay sa magkok ganun din ang kanin at nilagay na ito sa lamesa. Pag pasok naman ni Sir ay dumiretso na siya umupo habang ako ay na natiling nakatayo sa gilid malapit sakanya. Nang napansin niyang pang isahan lang ang naka hain ay tumingin siya sa aking direksyon at nangunot ang noo ng nakitang hindi ako kumikilos sa aking pwesto.
.Why are you still standing there?
Aren't you going to eat? Tanong niya na naka kunot ang nooAh, pagkatapos mo nalang.
No, get your food now and eat with me. Sabi niya ngunit hindi parin ako kumilos
What did I tell you earlier na dapat sundin mo ang mga sinasabi ko. Baka lang nakalimutan muna. Sabi niya kaya medyo nahiya ako dahil ipinamumukha na naman niyang binayaran niya ako.
Hindi nalang ako sumagot at sinunod ko nalang ang utos niya.
Hindi pa ako nakakalayo ay nag salita siya na ikinangiti ko kahit papaano.Oh sinigang may favorite.sabi niya kaya nalingon ako sakanya nakita kong sunod sunod ang kaniyang pag subo na halatang nasasarapan. Tahimik kaming kumakain pawang tunog lang ng kubyertos ang nag bibigay ingay sa pagitan namin.This coming Friday, we will attend a party that Alianna said earlier. Sabi niya nabumasag sa aming katahimikan tango nalang ang aking isinagit at nag patuloy na sa pag kain ganun din siya.
Pag kayari niyang kumain ay dumiretso agad siya sa sala habang ako ay kumakain parin. Pagka tapos kong kumain ay nilinis ko na ang aming pinag kainan. Pagka tapos ay sumunod ako sa sala at nakita ko siyang naka higa sa couch na mahaba habang unan unan ang kamay kaya medyo nag flex ang muscle niya dahil naka sando pa naman siya. Umupo ako sa pang isahang couch at malayang pinag masdan siya dahil naka pikit naman siya. Habang pinag mamasdan ko siya ay sa di malamang dahilan ay nag iiba ang tibok ng puso ko hindi naman siguro imposibleng napa ibig agad ako sakanya kahit na hindi pa naman matagal kaming mag kakilala at kahit wala naman siyang ipinaramdam sa akin na especial ako sakanya. Kahit mahirap ay pinipigilan ko ang aking nararamdaman sakanya dahil alam ko sa sarili ko na hindi niya kayang suklian ang pag mamahal ko sa kada hilanan na may iba siyang mahal. Naputol lamang ang pag dadrama ko sa aking isip na nakita ko si Sir na mariing nakatingin sa akin kaya iniwas ko agad ang aking paningin at binaling nalang sa television.
BINABASA MO ANG
Just for the love
RomanceIsabelle Jade Garzuela ay namasukan sa manila bilang isang katulong upang makahanap ng pera para mapa gamot ang kaniyang ina na may cancer. Rey Eskiel Rayson ay nagmula sa marayang pamilya na Anak ng amo na napasukan ni Isabelle bilang katulong na s...