Isabelle POV'S
Balak ko nga pala ngayon bumalik sa Zambales dahil gusto kong pumunta sa pina tatrabahuhan ko upang mag resign. Hindi naman na maipag papatuloy ang trabaho ko doon dahil kapag iiwan ko na ang mga anak ko kay Rey ay sa Batangas ako babalik at doon mag hahanap ng trabaho pang tustos sa aking binabalak na pag aaral muli.
Nang natapos ako sa pag aayos ng aking sarili ay lumabas na ako sa aking kwarto. Wala nga pala ang kambal dito dahil hiniram sila ng kanilang Lola. Kaya ako lang mag isa dito dahil wala rin ata si Rey kanina ko pa kasi siya hindi nakikita.
Itetext ko nalang siguro siya para pag dumating siya ay hindi siya mag taka na wala ako.
"Where are you going?" Rinig kong may nag salita sa aking likod na natitiyak kong si Rey
Patungo na sana ako sa pinto ngunit nahinto ako dahil nga kay Rey na pababa ng hagdan. Ang akala ko pa naman talaga ay wala siya. Naka pang bahay lang ito na kaya sure akong hindi ito papasok sa office. Baka siguro ay pupuntahan ang mga bata sa bahay nila.
"Ah ano kasi? Babalik akong Zambalez ngayon" Sagot ko ng naka lapit na siya sa akin.
Kunot noong tumingin sa akin ito kaya iniwas ko ang aking paningin.
Ano na naman kaya ang trip nito."Why do you need to come back there huh?" Mariing tanong nito.
Ay pogi nga kaso tanga. Sa isip isip ko.
"Eh pupnta ako sa aking pinag tatrabahuhan hindi kasi ako naka pag paalam at pupunta narin ako sa school ng kambal upang sabihin din na mag ta transfer na sila dito." Mahabang sagot ko dito.
"You don't need to come back there I already fixed all the things you need there" Mabilis na sagot nito.
Naiinis na tumingin ako dito napaka epal talaga habang siya ay seryosong naka tingin parin sa akin.
"Ay bakit pati ba naman sa trabaho ko pinaka elaman mo pa. Sana hinayaan mo nalang ako ang kumausap sa Amo ko" bakas parin ang inis sa aking boses.
Hindi ito sumagot at tumalikod nalang kaya napatingin nalang ako sa papalayong bulto niya papasok sa kusina.
Kahit na naayos na niya ang mga dapat kong ayusin doon ay babalik parin ako doon upang bisitahin si Cha dahil simula ng nag punta kami dito ay hindi ko parin siya nakaka usap manlang. Hindi ko naman siya ma call through messenger dahil nakakilang try na ako ay hindi ito online at lalong hindi ko siya matawagan sa number niya dahil pinalitan nga ni Rey ang sim ko at binura ang mga contact na naka save sa aking cellphone at para narin pormal na makapag paalam sa aking mga kaibigan doon.
Dumiretso nalang ako palabas at hindi na sinundan pa si Rey sa kusina upang mag paalam. Naiinis at naiilang parin kasi ako sakanya.
Medyo maiinit na dahil ten o'clock na mahigit kaya naman kinuha ko ang payong sa aking bag at nag patuloy sa pag lalakad.Malayo layo pa naman ang gate ng subdivision pero no choice ako kung hindi mag lakad dahil wala naman dumadaan na pwedeng sakyan.
Dadaan nga rin pala ako sa bahay nila Tita upang mag paalam narin sa kambal dahil tiyak na mag tataka ang mga iyon pag hindi nila ako nakita pag uwi nila dahil bukas nalang ako uuwi at para narin ma kasama ko ang mga kaibigan ko kahit
Nasa kalagitnaan ako ng pag lalakad ay may humintong sasakyan at binusinahan ako kaya napa hinto at napatingin ako. Kahit hindi kita ang nasa loob ay tiyak aking si Rey ito at nakumpirma ko pa lalo ito ng binaba niya ang salamin ng driver seat.
"You are still going there." Galit na sabi nito.
Ano na naman kaya ang ikinagagalit nito eh nag sabi naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Just for the love
RomanceIsabelle Jade Garzuela ay namasukan sa manila bilang isang katulong upang makahanap ng pera para mapa gamot ang kaniyang ina na may cancer. Rey Eskiel Rayson ay nagmula sa marayang pamilya na Anak ng amo na napasukan ni Isabelle bilang katulong na s...