HUNKS SERIES 1
THE LAST WILL
"HOMER"
BY:EMMZHalos hindi makapaniwala ang lahat sa mga nangyayari dahil kamakailan lang ay kasa kasama lang nila ang matandang don ngayon ay wala na ito at sa kapangila ngilabot pang pangyayari ang naganap sa kanila ng kanilang driver ni hindi na makilala kung sino sa kanila ang kanilang papa at kung sino si mang Elmer na kanilang driver...
Kuyom ang mga kamao ni Homer habang nakatingin sa mga bangkay habang si HIlda ay nakasuporta sa kanya ang kanyang asawa at si LYn ay panay ang iyak nito habang nakatunghay sa mga bangkay at ilang sandali pa ay lumapit sa kanila si attorney Samuel FAcundo...
"Nakikiramay ako sa inyong lahat at ikinalulungkot ko ang nangyaring ito sa inyong papa at kay mang Elmer... malungkot na saad ni attorney Samuel saka kinamayan ang tatlo at ng makita si Lyn na walang tigil sa paghikbi ay hinawakan nito ang balikat niya...
"Lyn magpakatatag ka alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng isang mahal sa buhay na kahit sa ilang sandaling pinagsama ninyo ay ipinakita niya kung gaano ka kahalaga sa mundo at ipinaramdam ang pagmamahal na hindi mo kailanman naranasan sa iyong kapamilya.... naiiling na turan ng attorney kay LYn..
"Opo attorney kay papa ko lang naramdaman ang pagmamalasakit mula sa aking kapwa at nagpapasalamat ako ng labis dahil sa nakilala ko siya at napakasakit po na malamang wala na siya at sa kalunos lunis na pangyayari pa at ngayon ay hindi ko alam kung sino siya sa mga bangkay na ito si papa....
"MAmimiss ko siya ng sobra ang araw araw na pag aalaga ko sa kanya at wala pang mga araw na hindi niya ako pinangaralan ay siya ang nagturo sa akin para lumaban sa mga taong mapang api sa kapwa...
"Sabi pa niya noon na hindi daw ako dapat na tatahi tahimik nalang sa isang tabi kung sakali mang tatapakan ng sinuman ang aking pagkatao dapat daw akong lumaban dahil kahit mahirap lang daw ako ay may karapatan din daw akong ipaglaban ang aking sarili upang hindi ako abusuhin ng mga taong mapangutya sa kapwa na akala mo ay perpekto kung tingnan nila ang kanilang sarili ngunit kung kahit gaano man kaliit ang tingin nila sa akin ay mas lamang naman ang aking puso kesa sa kanila dahil ni kahit kailan ay hindi ako nanlait ng aking kapwa dahil alam ko ang sakit na na dulot nito sa aking kapwa hindi gaya ng iba na porke alam na galing kana sa skwater o probinsiya ay ang tingin na sayo ay napakarumi na parang nandidori sayo at kung makapagsalita ay daig pa ang talim ng dila nito ang talim ng bagong hasang kutsilyo..,, mahaba habang pahayag ni Lyn sabay tingin kay Homer na noon ay ibinaling nito ang tingin sa may bintana at ni hindi makatingin kay Lyn pagkatapos naibigkas lahat ng nilalaman ng kanyang dibdib...
"Oo iha kaya wag kang panghinaan ng loob at ipagpatuloy mo ang iyong nasimulan wag kang mawalan ng pag asa ganyan ang buhay kung minsan masakit magbiro ang tadhana kaya kailangang matatag at matapang ka para labanan ang hamon nito..... ani attorney Samuel kay Lyn saka binalingan nito si Hilda na yakap yakap ng kanyang asawa...
"Hilda.. Willie kailangang tanggapin ninyo ng maluwag sa inyong dibdib ang nangyaring ito sa inyong papa dahil wala na tayong magagawa pa sa biglaang pagkamatay nila at kailangan kong malaman ang inyong pasya para maiuwi na ang kanilang bangkay.... saad ng attorney sa mag asawa saka bumaling ito sa kinaroroonan ni Homer ngunit wala na ito sa lugar kung saan nakatayo kanina...
"Attorney kung ano po ang ikakabuti ng lahat ay pumapayag po kami para sa ikakabuti at ikakapayapa ng aming papa at ni mang Elmer kaysakit ng biglaang pagkawala ni papa ngunit wala naman kaming magagawa pa kaya tanggapin nalang namin na maluwag sa aming kalooban ang lahat ng nangyaring ito!... humihikbing turan ni Hilda sa matandang attorney...
Samantala alam ni Homer na siya ang pinasaringan ni Lyn sa mga salitang binitiwan nito sa harap ni attorney Samuel at sa mga salitang binigkas nito ay parang patalim na tumarak sa kanyang puso...,, parang nahimasmasan siya sa mga sandaling iyon lalo pa at nakikita niya kanina ang mga sakit sa aura ng mukha ni Lyn ang mga salitang kanyang binitiwan kaya agad siyang lumayo ng mapagkuro nito ang kanyang mga kamaliang nagawa kay Lyn at lalo na sa kanyang ama....
BINABASA MO ANG
HUNKS SERIES 1...The Last Will...HOMER...by...emzalbino
RomanceTeaser..... Homer Salcedo bunsong anak ni don Marcelo Salcedo na isang milyonaryo at nagmamay ari ng sikat na casino sa kamaynilaan... Dahil sa nag iisa siyang lalaki sa kanilang pamilya ay lumaki siya sa layaw hanggang naging spoiled brat..arogant...